Chapter 18

122 4 0
                                    

"Zyon, Halika. May ipapakita ako sayo" Nakangiti kong tawag sakanya. Kakatapos niya lang kumain at kakabalik niya lang din galing sa baba.

Naisipan kong ipakita sakanya ang photo booklet ko na puro magagandang lugar at tanawin ang laman since wala naman kaming magawa at ayaw niya pang umuwi.

Pinamulahan ako ng pisngi ng tumabi siya sakin at mag dikit ang braso namin. Jesus! I can feel his triceps closely.

"What is it?" Rinig ko ang mahina niyang tawa. I don't know why. Sumulyap ako sakanya saka ngumuso.

"What's so funny?" I asked while tilting my head. He just smiled then shook his head. Oh really Zyon?

Bumaling nalang akong muli sa photo booklet ko dahil di ko matagalan ang paninitig niya habang may naka plaster na ngisi sakanyang labi.

Nagulat ako ng siya na mismo ang mag buklat ng album dahilan para tumama ang kamay niya sa kamay kong naka patong doon.

"These are all your works?" Tanong niya habang patuloy sa pag lilipat ng pages. Matamis akong ngumiti saka tumango tango.

"Woah. Why don't you show these up to everyone? Lahat ng to kuha sa Pilipinas?" Walang preno niyang tanong.

"Yep. Lahat yan. Pinag isang album ko nalang siya since mas madami yan. Dito naman sa isang album halu-halo na" Sabay kuha ko sa isang booklet na nasa tabi ko.

"You really have a talent on this. Damn girl, you're so good" Ramdam ko ang pag ngiti niya pero di ko magawang sulyapan iyon. Pulang pula na ang pisngi ko dahil sa papuri niya.

Lihim akong napangiti.

"Hindi naman" Sagot ko dito bago natawa. Bumaling ako sakanya at huli na para malaman kong naka harap at nakatitig siya sakin, napaka lapit din pala ng mukha namin sa isat isa dahilan para maglapat ang labi namin.

Nanlaki ang mata ko at. Para akong isang video na nipause muna sandali dahil sa aking pag tigil. I should push him away right? Why can't I move my hands?!

Napatigalgal ako ng unti unti kong maramdaman ang pag galaw ng labi niya. Hindi ko alam pero bigla nalang akong napapikit dahil sa ginawa niya. This feeling is new to me. My first kiss..

Wala pa akong nagiging boyfriend kaya wala pa akong nahahalikan. It's not big deal for me. I don't care if I'm NBSB. It's my choice.

But right now, ganto pala ang pakiramdam pag hinahalikan ka? It's soothing. Dinilat ang mga mata ko. Ang makitang nakapikit siya habang hinahalikan ako ay nakakakilabot at nakaka hipnotismo.

Suminghap ako at bigla nalang siyang naitulak, hindi ganoon kalakas para matumba siya. Wala na akong lakas para maitulak siya ng sobra dahil parang hinigop ng halik na iyon ang energy ko!

"S-sorry.. Sorry talaga. H-hindi ano hindi dapat nangyari iyon. Sorry" Natataranta akong tumayo at nag tungo sa banyo.

"Ashnelle wait!" Rinig kong tawag niya bago ko naisara ng tuluyan ang pinto ng banyo. I rested my back on that door while I was placing my palm on my chest.

Ramdam na ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso ko. Hindi siya masakit, hindi ko mawari kung ano tong nararamdaman ko ngayon.

"I'm sorry. Are you mad? Please Ashnelle open up" Malambing niyang boses ang namutawi sa tenga ko bago ang kanyang katok.

Lumunok ako at pumikit. Huminga ako ng malalim.. Please Zyon don't do this. Konti nalang mahuhulog na ako..

"I hmm. I'm not. Ah-- Zyon can you.. can you leave my room for a moment? Kailangan ko ng mag pahinga" Mahina kong saad. Siguro naman maririnig niya iyon dahil kita ko ang imahe niya na nakasandal ngayon sa pinto.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon