Chapter 42

77 2 0
                                    

Di din nag tagal at mukhang di na nakatiis sila Francine. Lumapit sila sa pwesto namin ni Zyon at bahagya pa akong hinila sa kamay.

"Halika, Ash. Maligo tayo!" Tumatawang aya sakin ni Nueve. Ngumiti ako.

"Boyfriend mo ate?" Nanlaki ang mata ko sa tanong ni Rian. Nakatingin siya ngayon kay Zyon habang ngiting ngiti.

"Malapit na!" Magkapanabay na sigaw ni Francine at Lily kaya hayun tinukso tukso nila kaming dalawa. Pulang pula tuloy ang pisngi ko ng tumingin kay Zyon para humingi ng pasenya.

"Yon ay kung sasagutin niya ako" Untag niya sa lahat na ikinalaglag ng panga ko. Gee! Akala ko pa naman maiinis siya pero ang loko ginatungan pa. Tumingin siya sakin at kumindat kaya inungusan ko lang siya at ngumiti.

"Maligo na kayong dalawa. Para kayong mag asawang statue diyan kanina pa eh!" Sigaw ni Lily ng tumatakbo na palayo upang makaligo na ulit. Sinigawan ko siya upang sawayin pero kinaway niya lang ang kanyang kamay.

"Ang babaeng yon talaga" Bulong bulong ko habang kagat ang ibaba kong labi. Nakita ko padin ang palipat lipat na tingin ni Rian samin ni Zyon habang nakangiti.

"Hmm. Nueve, Rian. Si Zyon nga pala" Pakilala ko saka humawak sa braso niya pero napabitaw din ng para akong makuryente doon. Naglahad ng kamay sakanila si Zyon bago niya pinakilala ang sarili.

"Pinsan sila ni Eliz" Sabi ko. Tumango naman siya bago ngumiti.

"Celestial? Celestial.. Ah! Ikaw yung nasa Heiress magazine diba? Ikaw yung cover don! " Napabaling ang atensyon ko sa sinabi ni Nueve. Kumunot ang noo ko. Heiress magazine? Narinig ko ang mahinang halakhak ni Zyon.

"Yeah ako nga" Sagot niya. Bigla namang napapitik sa hangin si Nueve at ngumisi.

"Kaya pala pamilyar yung mukha mo sakin! Ikaw yung susunod na tagapag mana ng CS Enterprises!" Natutuwa nitong sabi. Err alright I get it. Noon nga pala maski si Lily ay masyadong gulantang ng malaman na isang Celestial si Zyon. Ako lang ata ang wala masyadong alam sa sosyalidad.

Nagusap silang dalawang kaya ako napatingin kay Francine ng hawakan niya ako sa braso at hinila konti.

"Halika na Ash! Hindi na mainit oh" Tumawa na ako at tumango.

"Sunod ako" Sagot ko sakanya kaya wala na silang nagawa kundi bumalik sa tubig para maligo. Hinila nadin ni Rian ang ate niya  dahil mukhang gulat padin ito sa nalaman.

"Maliligo ka din ba?" Tanong ko kay Zyon. Tumingin siya sakin

"Yep. Later. Maligo kana doon. Babantayan kita dito" Untag niya na ikinapula ng pisngi ko. Seriously? Kailangan bantayan ako habang naliligo? Geez. Humalakhak naman siya ng makita ang naging reaksyon ko kaya ko siya nasapak sa braso.

"Ouch. Ang sakit mo talaga mag mahal" Tumatawa niyang sabi kaya hahampasin ko sana siya ulit ng mahuli niya ang kamay ko at hinalikan yon. Mas lalo tuloy namula ang pisngi. Jesus! Parang lalabas na puso ko sa sobrang kalabog!

"Enough with your painful iron hand. How about a kiss?" He was grinning while staring at me. Pinandilatan ko siya ng mata.

"Zyon!" Saway ko sakanya. Tumawa siyang muli. Nagulat nalang ako ng halikan niya ako sa noo at marahan na kinurot ang aking pisngi.

"Maligo kana doon" Malambing niyang sabi. Ngumuso ako para pigilan ang aking pag ngiti pero sadyang natutuwa talaga ako kaya gumuhit na ang ngiti saking labi. Oh Zyon. Wag ganito. Hulog na hulog na ako sayo. Sobrang hulog na.

Tinanggal ko nalang ang suot kong dress dahil ayokong mag swimming na nakaganto. Narinig ko ang oa na pag tikhim niya sa tabi ko. Bahagya pa akong napatalon sa gulat dahil naalala kong naka two piece nalang ako ngayon. Parang gusto ko nalang tuloy lamunin ng lupa dahil sa kahihiyan. Dapat pala ay nag rush guard nalang ako!

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon