Chapter 47

92 3 0
                                    

Lumipas ang isang linggo na sobrang sabog ang utak ko dahil sa midterms namin. Kitang kita ko din sa itsura nila Francine at Lily ang pinagdadaanan ko.

"Ughhh! Ang sakit na ng ulo ko" Reklamo ni Lily ng makalabas ang guro namin. We still have two remaining subjects bago mag uwian. We don't even have a vacant time kaya ang iba ay may mga baon saamin.

"I'm starving.." Bulong ko saking sarili ng maramdaman ang pag kalam noon. Huminga ako ng malalim at nag stretch ng katawan. Ito ang ayoko pag exam eh. Nakakangalay sa pwet.

Napatingin ako kay Francine na medyo malayo ang pwesto sakin. Kumaway siya at may tinuro sa may bandang pintuan.

"Huh?" Tanong ko. Nakasarado ang pinto ng room namin kaya di ko alam kung ano ang tinuturo niya doon. She mouthed me Labas ka kaya kahit nagtataka ay tumayo ako saking upuan at dumiretso doon.

I opened the door and saw no one in there. Lilingunin ko na sana ang kaibigan ko ng biglang sumulpot sa harapan ko si Zyon. Umawang ang bibig ko.

"Zyon, What are you doing here?" Tanong ko habang kumakalabog ang puso. Ngumisi siya at inabot sakin ang dala niyang paperbags na may tatak na pangalan ng mamahaling restaurant.

"Hindi ka nag rereply sa text ko" Aniya. Pumula ang pisngi ko saka kinuha ang kanina niya pang inaabot na paperbags sakin.

"Huh? Ah ano kasi nasa loob ng bag yung phone ko" Sagot ko. Tinignan ko saglit ang hawak kong pagkain.

"Alam kong hindi ka pa kumakain kaya dinalhan na kita. Kasya naba yan sainyong tatlo?" Kinagat ko ang ibaba kong labi at tumango. Why so thoughtful Zyon?

"Good. You better eat alright? I'll go ahead. Enjoy eating angel" Ngiti niya bago ako hinalikan sa noo at tuluyan ng umalis. Pumihit na ako patalikod at nag umpisang bumalik sa upuan ko na ngiting ngiti.

*

Dati noong di ko pa nakikilala si Zyon para akong isang mannequin na walang buhay tuwing gigising sa umaga. Pakiramdam ko paulit ulit nalang ang nangyayari sa buhay ko. Pasok sa school at diretso uwi sa bahay. Ganoon lang ang routine. Kahit paminsan minsan lumalabas kami ng mga kaibigan ko ay masyado naman iyong madalang.

At sa araw araw na iyon hindi nawala sa isip ko na may mabigat akong pinag dadaanan. Para kong buhat ang mundo tuwing sumasagi sa isip ko na may malala akong sakit.

Yung mga panahon na puro takot at pangamba lang ang lumulukob sa kalooban ko. Alam ko naman kasi na di na ako magtatagal na mundong to. God is too gracious to me na binibigyan niya pa ako ng oras na makapiling pa ng konting panahon ang pamilya ko.

Noon, tanggap ko na sa sarili kong di na ako tatagal, na okay lang iyon at least pinaranas sakin ng Panginoon kung pano mabuhay.

Masakit para sakin na maiwanan ang mga mahal ko sa buhay. Sobrang sakit. At mas tumitriple ang sakit na iyon pag naiisip ko ang mga mukha nilang punong puno ng luha. Ang mga hinagpis nila. Sigaw, hagulgol at pag tatanong kung bakit ako agad nawala..

Suminghap ako at tulalang nakatitig sa botilyang hawak hawak ko ngayon. Kasalukuyang mag isa ako saaking kwarto. Inatake nanaman ako kaya kinailangan kong uminom nanaman ng gamot.

Masakit man aminin pero nag sasawa nadin ako sa ganito. Nakadepende na ang buhay ko sa gamot. Ano ba namang magagawa ko diba? Kung wala nito malamang patay na ako. Mapait akong natawa sa naisip.

Naramdaman ko nalang na may tumutulong mainit na tubig saking pisngi. Tulala at di ko padin maialis ang titig sa botilyang gamot na hawak ko.

Pinilig ko ang aking ulo bago huminga ng malalim at nilagay iyon sa side table ko. Ang drama drama ko tuwing mangyayari to sakin.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon