Chapter 38

75 1 0
                                    

Napakurap kurap ako ng kalbitin ako ni Francine dahilan para bumalik ako sa katinuan. Nilingon ko siya at nakitang nakangiti sakin. Halos isang oras nadin kaming naghihintay sa teacher namin na di na talaga ata dadating.

"Problemadong problemado ka" Natatawa niyang sabi bago ako sikuhin ng mahina. Ngumuso ako saka tumango.

"Anong gagawin ko? Mukhang galit si Zyon sakin" Malamlam kong sabi bago yumuko.

"Ash, magkaiba ang galit sa nag seselos" Aniya.

"Sige sabihin na nating nagseselos. Pero kanino? Bakit naman magseselos? Wala naman akong ginagawa" Inosente kong tanong saka siya ulit tinapunan ng tingin. Nginiwian niya lang ako at halos tampalin niya na ang kanyang noo dahil sa naging tanong ko.

"Mabuti nalang wala dito si Lily at Elizabeth kundi baka napagsabihan ka nanaman ng dalawang yon" Saka niya kinagat ang ibaba niyang labi. Niyugyog ko ng bahagya ang balikat niya.

"Fran, anong gagawin ko? Hindi na kaya ako papansinin ni Zyon kahit kailan?" I'm acting like a lost puppy. What's wrong with me? Ah basta. Ayoko kasi sa idea na galit sakin si Zyon. Parang kumikirot ang puso ko sa nalalaman.

Huminga ako ulit ng malalim saka napasandal sa upuan ko. Now what?

"Punta tayong music room?" Nakangisi ng malapad si Francine ng muli ko siyang balingan. Kakagaling niya lang sa pag tingin sakanyang phone. Pumaling ang ulo ko.

"Bakit? May klase pa tayo" Sagot ko sakanya na ikinailing lang nito. Nanlaki ang mata ko ng tumayo na siya at sinukbit ang bag sakanyang balikat.

"Come on. Walang klase Ash. Baka mamaya pang hapon meron. Busy lahat ng teacher sa pag asikaso sa BISITA ng school" She said while emphasizing the word Bisita.

Alright her offer is really tempting but I still have to see Zyon and talk to him pakiramdam ko kasi may kasalanan talaga akong nagawa sakanya.

Tumango nalang ako saka tumayo at kinuha ang phone ko sa bag.

Ako:

Zyon.. Uh. Nasaan ka ngayon?

Pinalobo ko ang aking pisngi ng mabilisan siyang nag reply. Oh thank God! Akala ko naman di siya mag rereply.

Zyon:

School.

Napalunok ako at napawi ang excitement saking katawan. Itinabi ko nalang ulit ang phone ko saka sumabay sa paglalakad ni Francine. Ang cold ng sagot non hmp!

"Hindi ata tayo makakapasok sa loob" Untag ko ng makitang punong puno ng estudyante ang labas ng malaking music room ng school namin. Sa labas palang siksikan na ang lahat. Pano pa kaya sa loob? Ang loob kasi nitong room na ito ay halos kalahati ng gymnasium.

Napatakip tuloy ako ng tenga dahil sa sigawan at tilian ng lahat. Kumakalabog ang puso ko sa dagundong ng sigaw nila.

Nawala ata ang pagka gusto ko na makita ang NYMPHS dahil sa pamomoblema kay Zyon.

"Wait" Halos di ko na marinig si Francine ng may kausapin siya sa phone. Mukhang di din ata sila magkaintindihan ng kausap niya kaya tumawa ako habang pinapanuod ang kanyang pag sigaw.

"LABAS NG MUSIC ROOM!" Napahagikhik na ako. Ngumuso lang siya sakin saka pinatay na ang tawag.

"Who was that?" Tanong ko. Ngumiti lang siya bago pinaikot ang braso niya sa braso ko.

"Hintay nalang natin" Hindi padin mabura bura ang ngisi sakanyang labi. Naghintay pa kami ng ilang minuto at saka ko lang nalaman ang dahilan ng ngisi niya.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon