Chapter 5

125 5 0
                                    


Matapos ng mga nalaman ko di na ako lumabas ng kwarto. Nagpahinga nalang ako magdamag. Lumalabas ako minsan ng kwarto pag kakain. Hanggang sa nag gabi na narinig ko ang ingay sa baba. Nandyan na ata sila Kuya. Napatingin ako sa orasan. 7 o'clock na pala. Nag suklay lang muna ako ng buhok bago bumaba dahil mag hahapunan na.

Ng tuluyan akong makalabas ng kwarto rinig ko padin ang ingay sa baba. Nagmadali na ako at natigilan ng saglit when I saw Zyon and Josh na nagtatawanan kasama sila Brent. Silang dalawa lang ang kasama nila Kuya. Ngumiti ako ng makitang kumaway ng konti si Josh at uniwasan kong wag mapatingin sa katabi niya.

Hindi ko alam pero naiinis ako sakanya. Niloloko niya ang walang alam na si Trina. Napaka bait nung tao. At mas lalo lang din akong nainis kay Megan dahil alam niya namang may nobya ang tao pilit siyang nanghihimasok. Ramdam kong nakatitig siya pero ni isang bes di ko siya pinukulan ng tingin. Nag dire-diretso ako sa dining at naabutan ko doon si Kuya Ced at daddy na nag uusap at si mommy na nag luluto.

"Yung kumpanya natin sa manila ang ipapahawak ko kay Edward. Ng magkaroon naman ng ginagawa yang kapatid mo hindi lang puro tambay" Sabi ni daddy na puno ng awtoridad ang boses. Umupo ako sa tabi ni Kuya at nakinig sakanila.

"Dad, did you already talk to him about this?" Magalang na tanong ni kuya. Umiling ng bahagya si Dad.

"He need to accept it. Whether he'll like it or not." Napatango naman si Kuya.

"By the way. Aalis na ako ngayon mga 10 pm pa naman. May operation ako mamayang madaling araw" Sabi ni Kuya kaya napatingin ako sakanya. Tumango tango si daddy bago sumulyap kay mom

"Edward! Brent! Come here. Let's eat. Isama niyo nadin yang dalawa niyong kaibigan" Tawag ni mommy kila kuya ng ready na ang kakainin. Napaupo ako bigla ng ayos.

Since nakatalikod ako sa may living room di ko sila kita. Unti unti silang pumasok at umupo sa harapan ko si Zyon na katabi si Josh. Umupo sa bakanteng tabi ko si Brent at Kuya Edward naman sa tabi ni Mommy. We started to eat at hinayaan kong sila nalang ang mag usap usap. Gusto ko na kasing makapanik sa taas.

"Sweetheart, why don't you hang out with these two guys kasama sila kuya mo? May mga kaibigan din naman pala silang babae" Suhestyon ni mommy. Napatigil ako sa pag subo bago bahagyang natawa ng mapait

"Mom, trust me. That's a bad idea. I've been with them kanina" Malamlam kong sinabi bago nag tama ang tingin namin ni Zyon. His looking at me so deep. Nag iwas ako  ng tingin.

Biglang tumikhim si Kuya Cedric sa tabi ko kaya nagpatuloy na ulit sila sa pagkain. Hindi ko alam pero biglang sumikip ang dibdib ko. Naibagsak ko ng di inaasahan ang kutsarang hawak ko. I shut my eyes tight bago kumapit sa braso ni Kuya Ced.

"Mom! Where's her medicine!?" Natatarantang sabi ni Brent habang pinipisil ang kamay ko. Naramdaman kong nagkakagulo na sila. Mabilis na ang pag hinga ko. Humigpit ang kapit ko sa braso ni kuya bago dumilat ng kaunti at kita ko silang lahat na nag aalala. Nilagay ni mommy sa bibig ko ang gamot bago ako painumin ng tubig. Nilunok ko ito at di padin tumitigil sa pag hingal. Napaluha ako.

Ganto. Ganto lagi pag biglaan nalang akong aatakihin ng wala sa oras. Naaawa ako sa pamilya ko dahil sakin pati sila nahihirapan. Naramdaman kong hinalikan ni Kuya Ced ang tuktok ng aking ulo bago ako nito buhatin.

"I'll take her to my room. Bring some water and Edward, You know what I need." Sabi niya bago nag umpisang maglakad papanik sa taas. Humikbi ako sa dibdib ni Kuya.

"Shit.. Ashnelle please stop crying. Mas mahihirapan kang makahinga. Stop it.." Marahan na sabi ni Kuya bago ako ilapag sakanyang kama. Pag ako inaatake. Hindi nila ako hinahayaang matulog mag isa sa kwarto ko kaya minsan natutulog ako sa kwarto ni kuya Ed minsan kay Brent at paminsan minsan sa kwarto ni Kuya Ced.

Medyo humupa na ang pag hinga ko kaya mukhang  nakahinga nadin ng maluwag si Kuya. Ngumiti ako at natawa ng mahina.

"Parang.. I-ikaw yung inatake huh?" Hirap kong bigkas. Medyo nanlalambot pa ako. Kita kong napasimangot si Kuya at tinapik ng mahina ang noo ko.

"Shut up. You made us worried again" Medyo nakanguso nitong sabi. Ngumuso din ako at hinawakan ang kamay ni Kuya.

"Kuya.. Sorry. Sorry kung p-pati kayo nahihirapan na" Malungkot kong sabi. Pinigilan kong wag umiyak. Bago makasagot si Kuya Ced biglang pumasok sa kwarto ang dalawa ko pang kuya at sila Josh. Dala ni Zyon ang tubig at dala naman ni Kuya Edward ang mga kailangan ni Kuya Ced. Ano yon? Mga injections. Bale mga apat iyon. Nilapag ni Kuya Edward ang tray sa kama at tumayo lang sila sa gilid. Kita ko ang sobrang pag aalala sa mukha nilang lahat.

Inabot ni Zyon sakin ang baso ng tubig at bahagya ko pang nahawakan ang kamay niya. Naramdaman kong hinawakan niya pabalik ang kamay ko at mahina itong pinisil bago haplusin at bumitaw. Namula ako sa nangyari bago kinagat ang ibabang labi. Bakit para akong nakuryente sa ginawa niya? And seems like the people around us didn't see anything.

I brush it out on my thought bago inumpisahan na ni Kuya Cedric na iturok sa may pulso ko ang unang gamot. Nakita kong napangiwi si Josh kaya natawa ako ng mahina.

"Quit laughing you brat" Saway ni Kuya Ed bago tumabi sa gilid ko.

"Tinutusok kana ng karayom tumatawa kapa?" Nag aalalang tanong ni Josh bago ngumiwi ulit ng itusok ulit ni Kuya Ced ang pangalawang gamot. Ngumiti ako at pumikit ng marahan.

"I get used to it" Mahina kong bigkas. Sapat na para marinig nilang lahat. Naramdaman kong tinusok na ang pangatlo at nakagat ko na ang ibaba kong labi dahil alam kong mas masakit ang pang huli dahil sa likod na ito itutusok. Inalalayan ako nila Brent na umupo at tumalikod sakanila. Kaharap ko ngayon si Kuya Edward na nakangiti ng malungkot. He cupped my cheeks and slightly squeeze it. I felt Kuya Ced lift up my shirt at medyo nailang naman ako dahil naalala kong may ibang lalaki nga pala sa kwartong ito.

"Stay still, baby" Bulong ni Kuya. Lumunok ako bago hawakan ng sobrang higpit ang kamay ni Kuya Edward. Naramdaman kong tinusok na ni Kuya ang huling gamot sa likod ko at medyo napakislot ako dahil sa hapdi at sakit noon na unti unti din namang nawala. Ibinaba ko na ag damit ko bago sila unti unting harapin.

Siguro ngayon matatakot ng lumapit sakin si Josh. Lalo na siguro si Zyon na kanina pa tahimik at nanunuod lang. Humiga na ako. Hinalikan nila kuya isa isa ang noo ko.

"Take a rest, sis. I love you" Bulong ni Brent bago ngumiti. Ngumiti ako pabalik bago tumango. Nakita kong bumukas ang bibig ni Zyon na wari'y magsasalita pero agad niya ding tinikom ng magtama ulit ang paningin namin.

Ngayon nakita mo na kung gano ako kahina? Naisip isip ko.

Hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon