Chapter 22

73 4 0
                                    

Tumango ako na nagsasabing pumapayag sa gusto niyang mangyari. Ngumiti siya at hinalikan muli ako sa noo. I love you Zyon.. But I want assurance.

Pag pinatunayan mo saking totoo ka, I'll take a risk. Kakalimutan ko ang lahat.

Kahit naman wala pa akong karanasan sa ganto binabase ko ang mga kaalaman ko sa mga nakikita at nababasa ko. I need to be smart pagdating sa love. Iyon ang payo sakin dati ni Ate Dahlia.

"Thank you" Aniya. Tipid akong ngumiti saka siya niyakap pabalik.

Alam kong may bakas parin ng luha saking pisngi at patuloy padin ako sa pag hikbi kahit tumigil na ako sa pag iyak.

Nang mag hiwalay kami saka ko lang naramdaman ang lamig. Nayakap ko tuloy bigla ang sarili ko.

"Shit. Sorry" Pinanuod ko siya ng ginulo niya ang kanyang buhok bago may pinindot muli at unti unti ng sumara ang roof ng benz niya. May inabot siya sa backseat.

Isang gray na jacket iyon na may Celestial na sulat sa likod. Umayos ako ng siya na mismo ang nagsuot non sakin.

Pumula ang pisngi ko at patuloy padin ang paninitig sakanya. Okay! I get it. Sweet talaga siya.

Mas lalo atang pumula ang pisngi ko ng ngumisi siya

"Gwapo ko ba?" Aniya bago humalakhak. Umirap ako at di na napigilang ngumiti. Lagi niya talaga napapagaan ang loob ko.

Natigil lang kami ng biglang mag ring ang phone ko. Nagmamadali akong kinuha yon sa bag.

Oh My God! Si mommy!

"S-si mommy. Kailangan ko ng umuwi. Hindi ako nakapag paalam" Saad ko kay Zyon ng sulyapan ko siya tumango siya bago inistart ang sasakyan, sinagot ko naman ang tawag.

"M-mom" Kinakabahan ako. Alam kong nag aalala na sila ngayon. Madilim na at di manlang ako nakapag paalam.

"Sweety! Oh God. Nasan kaba? Nag aalala na kami sayo" Mariin kong nakagat ang labi ko.

"Mom okay lang ako. Kasama ko po si Zyon" Sagot ko. Rinig ko ang buntong hininga niya

"Alright. But please next time text us okay?" Aniya kaya tumango ako kahit di niya iyon kita.

"Yes po. Pauwi na po ako. Love you my"

Tinigil ni Zyon ang sasakyan niya sa tapat ng bahay at kita ko agad silang naghihitay sa terrace namin. Si mommy, si Kuya Cedric at si Brent. Wala si Daddy dahil nasa Singapore siya for business. Si kuya Edward naman nasa Manila padin.

Tinanggal ko na ang seatbelt ko at napansing ganoon din ang ginawa ni Zyon kaya napalingon ako sakanya.

Natikom ko ang aking bibig ng mauna pa siyang lumabas sakin at pinagbuksan ako.

"Salamat. Hindi kapa ba uuwi?" Tanong ko sakanya. Umiling siya

"Ako ang nag uwi sayo kaya dapat lang na harapin ko magulang mo" Aniya ng nakangiti.

Wala na akong nagawa at binuksan nalang ang gate namin. Sabay kaming naglakad ni Zyon palapit kila mommy.

Nanlaki ang mata ko ng bigla siyang sinuntok ni Brent.

"Brent!" Agad siyang hinila ni Kuya Cedric sa braso ng aamba ulit siya ng suntok. W-what..

Dinaluhan ko si Zyon na ngayon ay nakabangon na sa pagkaka upo. Gusto kong maiyak ng makitang nagdudugo ang gilid ng kanyang labi at may pasa.

"Oh my god.. I'm sorry" Bulong ko rito saka ko hinarap ang kapatid ko.

"Seriously what's up with you today?" Matapang kong ani. Ngayon lang ata ako nakaramdam ng galit sa kapatid ko. Sobra na siya. Sumosobra na.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon