Last Chapter

119 1 0
                                    

Kinabukasan ay buong araw akong nagkulong sa kwarto ko ng makauwi ako ng umaga. Wala akong kinakausap ni isa sakanila. Para akong nagkaroon ng sariling mundo matapos ang lahat ng nangyari. Kaya ng dumating ang kaarawan niya nakapag desisyon na ako.

"Ash, hindi kaba lalabas diyan? It's Zyon's birthday. Pupunta kami sakanila ngayon" Rinig kong sabi ni Brent mula sa labas ng kwarto ko. Hawak hawak ko na ngayon ang ginawa kong sulat kaninang umaga para sakanya at isang regalo.

Tumayo ako at maliit na binuksan ang pintuan ko saka sumilip ng konti.

"Anong oras kayo aalis?" Tanong ko. Pati sa mga mata nila ay kita ko ang lungkot dahil sa nangyari kay Daddy. Hanggang ngayon kasi ay di padin siya gumigising.

"Mga 1:30 baby. Sasama kaba?" Tanong naman ni Kuya Edward. Hindi ako tumango o umiling.

"Give me a minute" Saka ko muling sinara ang pinto bago naupo saaking kama. Binasa kong muli ang sulat na ginawa ko.

Zyon,
First of all I'm sorry if I can't make it to your birthday. It's your special day so dapat masaya ka ngayon but sorry if i think ako ang magiging dahilan ng pagkasira ng mahalaga mong araw.

Zyon.. I have a favor to ask.

Please stop courting me. Don't text or call me again. And we can't see each other anymore. I'm sorry..

And from now on treat me like I'm not existing. Kalimutan mo ako. Magalit ka sakin, isumpa mo ako, kamuhian mo ako. That's alright. I deserve it.

I'm sorry if I don't have a choice but to do this. I'm not hoping that you will understand my decision but I want you to respect it.

I stop reading my own letter and decided to fold it and put inside the envelope. I kissed it for the last time as I heaved out a deep sigh.

"Decisions decision.." Bulong ko bago binuksan ang pinto ng kwarto.

"Kuya" Tawag ko. Lumingon silang dalawa sakin at nagtataka na naka pantulog padin ako. Inabot ko ang sulat at paper bag na naglalaman ng isang wrist watch.

"Please give this to him" Tangi kong sabi. Kumunot ang noo nila parehas.

"Hindi ka sasama?" Tanong ni Brent. Umiling ako at nag iwas ng tingin.

Para to sa ikabubuti ng lahat..

*

Isang linggo na ang nakakalipas. Ang akala ko na pupunta siya sa bahay at pipilitin akong magpaliwanag ay hindi nangyari. Mas mabuti nadin siguro yon. Dahil kung makakaharap ko siya ay baka wala din akong masabi.

Kasama ko si Mommy ngayon sa kwarto nila ni Dad. Tinutulungan ko siyang mag impake ng gamit dahil aalis sila papuntang states. Tito Geronimo suggested na mas okay kung sa states mag papagaling si Daddy. Gising na siya pero hanggang ngayon kasi ay hindi padin siya okay kaya sumangayon si mommy. Mamayang madaling araw na ang uwi nila tito kaya sasabay na sila mommy. Naayos nadin ang mga papers ni dad para makaalis siya. Mabuti nalang at graduated na si Brent dahil may makakatulong na kay Kuya Edward pag dating sa company namin.

Huminga ako ng malalim. Kanina pa may bumabagabag sa isip ko. Tinitigan ko si mommy na busy sa pag titiklop ng damit.

"Mom" Tawag ko sakanya. Lumingon siya sakin ng may malambot na expression sa mukha.

"Yes sweetheart?" Lumunok ako at pumikit bago muling dumilat.

"Gusto kong sumama. Gusto kong doon nalang din ako operahan"


(END OF BOOK 1)

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon