Chapter 24

85 2 0
                                    

Natataranta akong lumabas ng aking kwarto. Binitbit ko nadin ang bag ko dahil kailangan ko ng mag madali.

Sila Lily kasi kanina pa nasa baba at ako nalang ang hinihintay.

Dito kasi nila sa bahay napag desisyonang magkita kita. Alas siyete palang ng umaga. Kailangan kasi namin bumyahe ng ganto kaaga dahil medyo malayo ang rancho ng mga Sandoval.

Pagkababa ko nakita ko silang nag uusap usap at nagtatawanan sa sala. Si Zyon lang ata ang nakakita sakin at ngayon pinapanuod na ang paghakbang ko.

Agad akong kinabahan at nataranta kaya medyo natisod pa ako dahilan para lumapit siya sakin at alalayan ako sa bewang.

"Mag ingat ka nga" Masungit niyang puna sakin. Napatitig ako sa mukha niyang sobrang lapit sakin. Kahit nakakunot ang noo napaka gwapo niya padin.

Pinamulahan ako bigla ng mapatingin siya sakin at napansin ang paninitig ko. Nag iwas ako bago tumayo ng maayos.

"Nag iingat naman ako" Sagot ko ng nakanguso. Pag baling ko sa iba mas lalo pa ata akong pinamulahan dahil naabutan ko ang paninitig nilang lahat.

Bahagya akong napalayo kay Zyon bago naglakad palapit kila Lily.

"Tara na!" Sabi ni Quinnie at nakita ko pang pahapyaw itong umirap sakin. Tinikom ko nalang ang aking bibig at di na nagsalita.

"Breakfast first" Sabi ng katabi ko. Laglag ang panga ng lahat kasama na ako ng hilahin ako ni Zyon sa kamay patungong kusina.

He pulled a chair for me saka siya kumuha ng platito at naglagay ng sandwich spread sa tasty.

Dear Great God, Please stop him.. Hulog na hulog na ako at natatakot po ako na baka di na ako makaahon pa.

Mariin kong nakagat ang ibaba kong labi ng marahan niyang itulak sa harapan ko ang platito na may sandwiches na gawa niya. Hindi pa siya nakuntento at kinuha pa ako ng fresh milk sa ref!

"A-ako na diyan" Akma ko ng pipigilan ang pag salin niya sa baso. Napatigil siya sa ginawa kong pag hawak sa kamay niya.

Tumingala ako para makita siya at ganoon nalang ang gulat ko ng makita ang pisngi at tenga nito na namumula habang nakatingin sa kamay kong nasa kamay niya.

Para tuloy akong napaso kaya agad akong napabitaw.

Jeez. Ano ba tong nangyayari sakin? Ganto ba talaga pag gusto mo ang isang tao? Simpleng skin ship lang para na akong nag haharumento.

Nag umpisa nalang akong kumain kahit ramdam ko padin ang pag iinit ng pisngi ko.

"You don't need to be in hurry. Sakin ka sasabay. Hindi na tayo kasya sa Hiace nila Joshua" Aniya bago tumabi sakin. Bumaling ako sakanya. Nakatitig lang siya sa basong nasa harapan niya.

Mukhang malalim ang iniisip niya. Nakakunot ang noo nito.

"May problema ba?" Tanong ko ng di ko na makayanan. Nakatitig lang ako sakanya habang umiinom ng gatas.

"You were with him yesterday" Para akong natigil sa pag lunok ng matinigan ko ang lungkot sa kanyang boses.

Sumulyap siya sakin bago umiwas din ng tingin.

"How.. did you know?" Naitanong ko bago ko natikom ang aking bibig.

"Facebook" Tangi niyang sagot saka siya tumayo. Bigla ko namang naalala ang nangyari kahapon

Nakangiti ako habang pinapanuod si Hero na binubuksan lahat ng paperbags na dala ni Luke para sakanya.

"Dito kana mag dinner" Tito Lucas suggested. Tumango naman si Tita Hilda na sumasangayon.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon