Chapter 40

71 1 0
                                    

Kinabukasan maaga kaming nagpunta sa beach resort nila Elizabeth. Kasabay ko sa mustang ni Kuya Edward si Brent. Hindi na siya nag dala ng sasakyan dahil sa tinatamad lang siya.

"Brent, Ano tong nababalitaan ko na may sumapak daw sayo na babae" Tumatawang sabi ni Kuya habang nag dadrive. Nasa backseat ako nakaupo at pinanuod ang nadadaanan namin sa labas.

"Shut up Kuya" Ani ni Brent. Mukhang nag susungit nanaman ito. Napangiti ako at bumaling sakanilang dalawa.

"Sa susunod kasi alamin mo muna kung amazona o hindi ang hahalikan mo" Halatang nasa mood mang asar si Kuya Edward dahil sa pag halakhak nito ng malakas. Napailing nalang ako. Boys.

Bumaling nalang ako muli sa labas bago sumingit sa usapan nila.

"Baka naman kasi di nagalingan sayo" Untag ko sabay hagikhik ng mahina ng marinig ang malutong nitong mura.

"Sis! You shut up too. Magaling akong humalik sadyang may lahing halimaw lang yung babae na yon!" Pagdadahilan ni Brent kaya tuluyan na akong tumawa at nakisabay pa si Kuya Edward.

Hanggang sa makarating kami ng resort tinutukso padin namin siya kaya hayun at buong biyahe na minumura ni Brent si Kuya Edward dahil ito daw ang nag umpisa na mang asar. Pagbaba namin ng kotse agad ko siyang niyakap at hinalikan sa pisngi.

"Wag na magalit" Paglalambing ko saking kapatid habang nakangiti. Inirapan niya lang ako saka kiniss sa ulo.

"Such a baby, Brent" At ito nanaman si Kuya Edward sa pang aasar pagkababa ng kotse niya. Pinukulan siya agad ng masamang tingin ni Brent. Nakakatuwa talaga ang dalawang to pag nagkakasama. Parang aso at pusa.

"Shit you Kuya. Go to hell!" Tuluyan ng nag walk out ang magaling kong kapatid. Humagalpak sa tawa si Kuya Edward bago ako lapitan. Sinapak ko siya sa braso habang nakangiti.

"Kuya! Baka maging party crasher pa yon mamaya dahil sa pagkabadtrip sayo" Natatawa kong saway sakanya. Kumindat lang ito bago ako akbayan.

Pag pasok namin sa loob agad kong nakita si Eliz sa hallway ng reception. May kausap siyang lalaki na mukhang dito nag tatrabaho sa resort nila base sa suot nito. Ng makita niya kami agad siyang lumapit samin kasunod nung lalaki.

"Marlon get their bags and bring it to room 12" Pagkasabi niya non hinila niya na ako mula sa pagkaka akbay ni kuya at hinalikan sa pisngi.

"Happy birthday" Nakangiting bati ko sakanya bago din siya hinalikan sa pisngi at inabot ang dalawang gifts na dala ko para sakanilang mag kambal.

"Ashhhhh!" Agad akong napalingon sa likuran ni Eliz ng marinig ang matinis na tili ni Lily habang tumatakbo palapit samin. Hindi tulad ni Elizabeth na naka red two piece. Siya ay naka one piece lang na kulay pink. Mag isa lang siya dahil di ko nakitang kasama niya si Francine.

Ng makalapit siya samin hinila niya akong bigla palayo kay Kuya Edward at Eliz na ngayon ay nag uusap na pala.

"Shit shit. Buti nalang nakasalubong ko si Brent at sinabing nandito na kayo. You better be hurry! Kailangan mong makita ang isa sa mga bisita dito!" Natataranta niyang sabi habang nanggagalaiti sa galit. Nangunot ang noo ko.

"Sino?" Taka kong tanong. Kinagat niya ang kanyang ibabang labi bago bumulong.

"Nandito yung Megan. Yung babaeng nakita natin na kasama ni Zyon dati sa Book store" Untag niya. Natigil ako at pilit nirehistro sa utak ko ang sinabi niya. Megan.. Megan is here?!

"She's invited?" Tanong ko at di maiwasang kabahan.

"No one invited her. Ang sabi lang ni Eliz sakin sumama iyon sa isang group of friends niya na invited. Alam kasi ng haliparot na iyon na pupunta si Zyon" Nakasalubong na ang kanyang mga kilay kaya tinapik ko ang balikat niya. Huminga ako ng malalim. I trust Zyon. I trust him.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon