Chapter 60

71 1 0
                                    

Agad akong nagbayad sa taxi driver at bumaba ng makarating ako sa freedom tribe. Dumiretso ako sa loob ng Swiss Cafe at nag hanap ng mauupuan.

I choose to sit at the center so that everyone can see us. I don't want to give her a perfect crime scene kung uupo ako sa tago na table. In this case I need to be sure na maraming saksi sa ano mang gagawin niya sakin. Hindi ko alam kung ano pang kaya niyang gawin lalo na't nasa harapan niya na ako.

Umorder lang ako ng ice coffee pero hindi ko iyon ininom. Hindi ko inalis ang mga titig ko sa pintuan kung saan siya papasok.

Nang mamataan ko siya ay agad kumuyom ang kamay ko sa aking hita habang pinapanuod ang paglalakad niya at masaya niyang mukha. Ramdam ko nadin ang pag bilis ng tibok ng puso ko at pag kirot noon kaya pilit kong kinalma ang aking sarili. Ayokong mag mukhang mahina lalong lalo na sa harapan ng babaeng ito.

Nakita niya ako kaya agad siyang lumapit sa pwesto ko at hindi na hinintay na alukin ko siyang umupo dahil naupo na siya ng kusa. Hindi padin nawawala ang naka plaster na ngisi sa kanyang bibig.

"How's my gift? Did you like it?" She opens a conversation immediately. I furrowed my forehead.

"What gift?" Tanong ko. Nanginginig na ako sa galit at takot. Anong regalo? My God.. Paano kung nagpadala siya ng regalo sa bahay at bomba pala iyon?! Pero natigil ako sa pag iisip ng magsalita siyang muli

"Oh I'm sorry. Nakalimutan ko nga palang lagyan ng pangalan ang regalo ko. Kaya din siguro sa ibang tao iyon naibigay. Hmm" Nag angat siya ng kilay sakin at mas lalong lumawak ang kanyang ngiti.

"Can you just tell me what it is? Stop wasting my time" Galit kong bigkas sakanya pero pinanatili kong mahina ang aking boses.

"Kamusta ang father mo? Poor him. One of my men delivered my gift to your father. Ang sabi ko naman kasi para saiyo yung bala na yon kaso naalala ko magkasama kayo ni Zyon kaya binigay ko nalang sa iba" Lumungkot ang mukha niya pero unti unti nanamang ngumisi. Napapikit ako ng mariin. I knew it!

"How dare you! You almost killed my father!" My fingernails are already digging at my palm as I squeeze my fist firmly.

"Oh just almost? Damn maybe I should fire that men out. Palpak pala ang ginawa niya dahil hindi niya agad napatay ang tatay mo" Madiin niyang sabi. Nanlalaki ang mata ko sa gulat dahil sa sinabi niya. Hindi ko akalain na may ganitong tao! Jesus! Bakit siya ganito?! Bakit pamilya ko pa?!

"You.. You monster.." Titig na titig ako sakanya at nanggagalaiti na sa galit habang umaagos na ang luha sa aking mga mata.

"I'm not the monster here. You are! You choose to be with him. You choose to be with Zyon that's why your family is suffering. They are the one who fits to pay the bills. So who is the monster? It's you. It's you bitch" Tumahimik ako at napayuko.

Ako nga ba talaga? Kung tutuusin hindi naman ito mangyayari kay Daddy kung hindi talaga dahil sakin.. Hindi magkaka problema ang company kung hindi dahil sakin. Suminghap ako at marahang pinunasan ang aking pisngi. Ito na ang huli.

"Okay.. I will do everything you want just fucking stay away from my family." Seryoso kong sabi sakanya. Bahagya pang nagulat ang kanyang mukha pero ngumiti din agad.

"Very good. Madali ka lang naman palang kausap" Aniya. Gigil na gigil na ang kamay ko na saktan siya ngunit pinigilan ko iyon.

"How will you know kung nagawa ko na ang gusto mo?" Dagdag ko.

"Don't worry. Malalaman ko iyon agad. I have the eyes on their mansion" Makahulugan niyang sambit.

"Who?" May kutob na ako kung sino pero kailangan kong malaman mula sa bibig niya.

"It's Weng. I honestly got pissed to her when I found out that she's trying to seduce and flirt my Zyon. Sinabi ko lang naman sakanya na guluhin kayong dalawa pero hindi ko inutos na landiin niya ang lalaking mahal ko" Kitang kita ko sa kanyang mga mata ang galit at pagiging desperada. She should be in the mental hospital kasama ang sinungaling at manggagamit na babaeng iyon.

"Alright. I've heard enough" Ani ko saka kinuha ang aking bag at tumayo. Tumingala siya sakin habang naka taas ang kilay. Kung dati ay nasisindak niya ako sa pagtaas ng kanyang kilay ngayon hindi na. Matapos ng lahat na narinig ko sakanya. Puro galit ang nararamdaman ko.

"You won. But you will never win his heart" Puno ng hinanakit kong sabi saka siya tinalikuran.

"You bet" Matapang niyang sabi at alam kong tumayo nadin siya dahil sa pag tunog ng kanyang upuan. Kumuyom ulit ang kamao ko.

"I totally forgot.." Mahina kong bigkas saka siya hinarap at malakas na sinampal. Lumagatik ng malakas ang palad ko sa pisngi niya kaya hindi maiwasang matumba siya. Ramdam ko ang pamamanhid ng palad ko dahil sa lakas ng aking ginawa.

"That's for ruining my life!" Bulyaw ko at tuluyan ng umalis sa coffee shop na iyon.

*

I spent my birthday to the hospital. Hindi ako umuwi ng bahay dahil natatakot ako na baka pag nakita ko siya ay magbago ang isip ko. Ayoko ng may mangyari pang masama sa pamilya ko. Hindi ko na iyon kakayanin.

Hawak hawak ko ang kamay ni Daddy na hindi padin gumigising. Puro sugat at maga ang kaliwa niyang mukha dahil sa matinding pagkakatama noon. The doctor said awhile ago na ilang araw siyang magiging coma.

Tahimik akong umiiyak habang nakaupo sa tabi niya. Wala akong kasama dito sa room dahil bawal ang masyadong madaming tao sa loob ng ICU.

"Dad, bakit ganon? Bakit kung kailan masaya ang isang tao bigla namang dadating ang araw na may sisira noon? Why do some people intend to ruin someone's happiness? Mahirap ba na maging masaya ka nalang para sa kanya? Para sakanilang dalawa? Bakit kailangan mo pang sirain? Magiging masaya kaba pag nakitang nag susuffer na sila? Dad ang hirap.. Nasasaktan ako ng sobra. Ang sakit sakit pala mag mahal" Humikbi ako at ipinatong ang ulo sa kama.

"We do love each other.. But, we fell inlove in a wrong time. What will I'm going to do? It hurts so much.."

"I love him Dad. I love him so much but.. I love you most. I love my family most. So it's okay if I get hurt wag lang kayo.."

-

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon