Chapter 21

91 5 0
                                    


Ng mag uwian na balak ko sanang makisabay nalang kila Francine o Lily. Ayokong sumabay kay Brent. Knowing na may pag uusapan kami mamaya sa bahay.

"Sakin kana sumabay. Ihahatid yan ni Henry eh" Fran said before she clings into my arm.

"Oh yeah. Ayokong maging third wheeling sainyo" Sagot ko sabay ngiti kay Lily. Ngumuso lang siya saka humalukipkip.

"Speaking of" Sabi ni Lily kaya napabaling kami saming likuran.

Nasa parking lot kasi kami ngayon at hinihintay si Kuya Steven na susundo kay Fran. Ayokong itext ang driver namin dahil alam ko aalis si mommy ngayon.

"Uh. Sige na Ly una kana. Ano.. sa Coffee Bean nalang namin hihintayin si Steven" Natataranta kong sabi sabay hila kay Francine na ngayon nagtataka.

Pero ng makita niyang namumula ang pisngi ko parang nagets niya din naman kaya siya nagpatianod na sakin.

Kasama ni Henry si Zyon kaya ako nag mamadaling umalis. Sa totoo lang kasi hiyang hiya na ako sakanya. And I'm terrified that he might find out my feelings for him. I don't want that to happen.

Ayokong may makaalam. As long as kaya kong itago, itatago ko sa sarili ko. Hindi na nila kailangan pang malaman. Mawawala din to. Alam kong mawawala din to.

"Okay easy. Alam mo pag ganyan ka mahahalata ka masyado" Natatawang untag sakin ni Francine ng makalayo na kami. Tumigil ako sa pagkaladkad sakanya saka siya binalingan. 

"Anong mahahalata?" Kinakabahan kong tanong sakanya. At ang bruha ngumisi lang bago sinagot ang tawag sa phone niya.

"Hello kuya, sa coffee bean mo nalang ako sunduin. Yung malapit sa Lyceum" Lumingon sakin si Francine saka ulit ngumisi at may nginuso sa unahan namin.

My jaw immediately fell down when I saw his benz parked infront of the shop. Nakasandal siya doon at nakapamulsa. Kunot ang noo na wari mo naiinis.

Tumigil ako sa pag lalakad. Wait what?! Bakit.. Kanina lang nandon siya tapos.. pano nangyari to?!

"Yan. Yang paganyan ganyan mo halatang halata" Sabay halakhak ni Francine sa tabi ko.

I unconsciously bite my lower lip by thinking that probably she's right. I'm too obvious okay.. I really don't know how to hide my emotions, feelings. Crazy.

Francine pulled my hand para makatawid na kami sa kabilang bahagi para malapitan si Zyon. Tumayo siya ng tuwid ng makitang palapit na kami sakanya. I can't even look at him. Oh geez!

"You done running away?" Napalunok ako sa kanyang sinabi.

"H-huh?" Maang ko bago siya sulyapan. Agad din akong napaiwas dahil sa paninitig niya

"Ehem. Doon ko na hihintayin sa loob si Kuya, Ash" Lumingon ako kay Francine.

"Sasama na ako" Sagot ko saka lumihis pero bago pa ako makalakad nahawakan na ako ni Zyon sa siko.

"We need to talk. Francine, May I?" Saka siya bumaling kay Fran na ngayon tumatango na. Mariin akong pumikit at bumuntong hininga. Great!

Umikot kami sa kabilang side para mapagbuksan niya ako ng pintuan. Sumakay ako sa passenger seat ng di umiimik at di siya tinitignan.

"Seatbelt, sweetheart" Aniya ng di padin sinasara ang pinto.

Tuluyan na akong napanguso saka iyon kinabit. Bakit ba ako napapasunod ng lalaking to pag ginagamitan ako ng ganong klaseng tono ng boses.

Ramdam kong ngumiti siya sa gilid ko bago sinara na ng tulyan ang pinto. Tumakbo siya paikot at mabilisang pumasok sa driver's seat.

Nakita ko ang pagkaway ni Francine samin pero kahit na heavy tinted to nakuha ko ding kumaway pabalik sakanya.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon