Chapter 26

72 3 0
                                    

Ang sarap pala sa pakiramdam nung wala kang iniisip na iba, wala kang iniisip na problema na parang normal ang lahat.

I always feel that way everytime I'm with him. Nakakalimutan ko ang kalagayan ko pag nakakasama ko siya. Pakiramdam ko wala akong malubha na sakit.

Bata palang ako namulat na ako sa katotohanang may limitasyon ang lahat.

I do have a lot of limitations. I can't laugh too much, I can't run, I can't cry well as soon as kaya kong pigilan napipigilan ko naman pero may mga times kasi na mas lalong sumasakit dibdib ko pag hindi ko nalalabas yung hinanakit ko kaya kailangan iiyak nalang. Hindi din ako pwedeng mag bilad masyado sa araw. All in all hindi ako pwedeng mapagod.

"You're quiet. Something wrong?" Nag balik ako sa realidad ng magsalita si Zyon sa tabi ko.

Medyo kakababa lang namin sa kabayo at ngayon nakaupo kami sa damuhan. Hindi naman mainit dahil nasa ilalim kami ng puno. Malapit na kami sa iba kaya rinig na rinig mula dito ang tawanan nila

"Wala naman. Naisip ko lang na ang saya pala ng ganito" Ani ko habang nakangiti. Mahina pa akong natawa ng makita si Joshua na pinatid ni Brent.

Kinuhanan ko sila ng litrato.

"Lampa!" Tumatawang sigaw ni Zyon kaya bumaling sila samin. Joshua just raised his middle finger bago nagsilapitan sa pwesto namin sila Jen, Queenie, Brent, Henry at Sebastian.

Inadjust ko ang camera ko at zinoom iyon ng konti saka kinuhanan sila Lily sa may kabilang side.

Nasa ilalim din sila ng puno kung saan naka pwesto ang mga monoblocks. Kasalukuyang may iniinterview sila.

Ang kasama ni Lily sa pag interview ay si Divina, nandon din si Tristan para ifilm sila.

Naupo sa tabi ko si Brent kaya bahagya akong nagulat. Nagkunwari nalang akong may kinakalikot sa camera ko.

"Sis" Rinig kong bulong niya bago bumuntong hininga.

"Hmm?" Patuloy padin ako sa pagkalikot.

"I'm sorry" Untag ko na ikinalingon ko. Ngumiti ako.

"Wala na sakin yon Kuya" Tugon ko saka siya saglitang niyakap. He pat my head bago ako yakapin muli.

"Nakikita ko namang masaya ka pag kasama mo siya eh. Pasensya na sa mga nasabi ko" Bulong niya. Tumango akong muli.

"Okay nga lang. Kalimutan nalang natin. Atsaka mag kaibigan lang naman kami eh" Nakangiti padin ako kaya nakahinga siya ng maluwag. Ngumiti nadin siya bago ako inakbayan.

"Basta ipromise mong di mo na ako susungitan huh? Kundi isusumbong na kita kay Daddy" Natawa siya sa sinabi ko pero tumango din naman.

"Oo na. Takot ko lang kay Dad" Ngisi niyang sagot.

Para akong nabunutan ng tinik. Ayokong ayoko kasi talaga na hindi pinapansin ang mga kuya mo. Ayokong tumatagal ang tampuhan namin kaya ang saya ko kasi okay na ulit kami ni Brent.

"Zyon, Ano race tayo?" Maangas na hamon ni Joshua ng mapatingin ako sakanila.

"Hoy Persob, Tumigil ka nga sa kayabangan mo. Sali ako" Lahat sila naghagalpakan sa tawa dahil sa sinabi ni Henry. Maski ako natawa. Akala ko kasi pipigilan yon pala sasali din. Loko talaga

"I'm in" Sabi ni Sebastian na nakatayo sa tabi ni Josh habang nakatingin sa malayo. Sinundan ko ng tingin ang tinitignan niya.

Si Francine? Kasama nito si Jericho at mukhang nagsosolo ang dalawa. Nagtatawanan sila sa medyo malayo samin. Parehas silang nakasakay sa kabayo. Yes, Fran knows how to ride a horse.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon