Chapter 11

109 5 0
                                    


Tama nga ang naisip ko. Nag punta kami sa park. Naupo ako sa isang swing kaya naupo nadin siya sa katabi noon.

"Bakit mo nga pala ako gustong masolo?" Pinalobo ko ang pisngi ko ng mapagtanto ang nasabi ko. Really Ash? Masolo talaga?

"Honestly. I don't know Ashnelle. Gusto ko lang ng may makakausap ngayon" Seryoso niyang ani. Tumango ako at nag umpisang igalaw ng mahina ang duyan.

"May problema ba?" Tanong ko bago siya sulyapan. Nakatitig lang siya sa harapan na parang ang lalim ng iniisip.

"You know what. Hanggang ngayon iniisip ko padin yung huli mong sinabi sakin" Nakatagilid siya sakin ngayon kaya kitang kita ko ang matangos niyang ilong at makurba at mahaba niyang pilik mata. Kitang kita ko din ang silhouette ng adam's apple niya.

Naramdaman niya siguro ang paninitig ko kaya siya napalingon sakin at nagkatitigan kami.

"Maybe you're just confused. Siguro iniisip mo lang na mahal mo padin si Megan dahil siya ang first love mo. Dahil iniisip mo yon nahihirapan ka tuloy sa nararamdaman mo. Try to erase that thought. Nakikita ko naman sa mga mata mo ang saya pag nakatitig ka kay Trina. Hindi kaba nasasaktan para sakanya?"

Biglang nag echo sa pandinig ko ang huli kong sinabi sakanya bago ko siya simulang iwasan.

Napaiwas ako ng tingin.

"What about it?" Hindi siya sumagot ng tanungin ko siya. Ramdam kong nakatitig padin siya.

"Alam mo Zyon. Hindi pa ako nag mamahal. Wala pa akong minamahal na higit pa sa turing na pamilya. Alam ko posibleng mag mahal ka ng dalawang tao. Minsan nga tatlo pa. Pero sa dalawa na yon may mas matimbang. Yon ang dapat mong alamin"

Hay. Dahil sa kakapanuod ko at kakabasa ng libro ang dami kong natututunan.

"Hindi naman kita masisisi kung mag mahal ka ng sabay" Dagdag ko pa at saka yumuko.

"Hmm" Tangi niyang sagot at alam kong tumango siya.

"And I'm sorry kung nahusgahan kita agad. Hindi ko kasi inaasahang may ganoon pala talaga. Akala ko kasi sa mga movies at libro lang nangyayari ang ganoon" Now I feel too small.

Narealize ko na hindi lang pala siya ang masama dito. Ako din. Kasi hinusgahan ko siya. Hindi niyo naman ako masisisi dahil talagang nakaka disappoint yung ginagawa niya. Pero alam ko wala ako sa lugar para pakialaman siya.

"I can't blame you either dahil hindi talaga tama ang ginagawa ko" Untag niya. Katahimikan ang nangyari sa pagitan naming dalawa.

"Ashnelle" Tawag niya sakin. I looked at him then I met his gaze.

"Thank you" He said it whole heartedly. I don't know kung para saan iyon.

"Huh?" Parehas kaming natawa ng mahina dahil sa naging sagot ko

"Thank you for giving me an advice" He added. Ngumiti ako ng totoo.

"Thank you too" Sagot ko sakanya.

"For what?" Lalaking lalaki talaga ang kanyang boses. Malalim at buo.

"Uh well. For taking it" I muttered. He smiled. The kind of smile he gave me noon sa Capobianco.

"So mag kaibigan na tayo?" Ngisi niya. Napanguso ako.

"Kaibigan naman talaga kita ah" Sagot ko sakanya. Inabot niya ang ulo ko at marahang ginulo nanaman ang buhok ko

"May kaibigan bang umiiwas sa kaibigan niya?"

"Meron. Ako" At hayun tumawa na siya ng tuluyan. Ang sarap lang pakinggan ng tawa niya. Hay nako.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon