Chapter 54

86 1 0
                                    

Kinabukasan ay maaga akong umalis ng bahay para magtungo sa coastal bay. Tatawagan ko sana sila Francine o si Lily para magpasama kaso naisip ko na baka maistorbo ko ang tulog nila to think na 5:00 am palang ng umaga. Ang oras ng klase pa naman namin ay mamaya pang 7 am. Hindi ko naman magising si Brent kanina dahil tulog mantika iyon kaya in the end nagpahatid ako ulit sa driver namin.

Ngayon nakaupo na ako sa pasemano. Sa ilalim ng inuupuan ko may mga rock formation na maliliit. Gusto ko sana ay doon pumawesto kaso natatakot akong madulas kaya dito nalang tutal maganda din naman ang pwestong ito. Pumikit ako at nilanghap muna ang sariwang hangin habang hinihintay ang pag sikat ng araw.

Pag ganito talaga na tahimik ang paligid at mag isa lang ako di ko maiwasang mag isip ng mag isip. Dumilat ako. Hinayaang nililipad ang mahahaba kong buhok at pinagmasdan ang pag hampas ng tubig sa mga bato. Huminga ako ng malalim saka napahawak sa dibdib ko.

Nag research ako kagabi about sa heart transplant. Tumatagal pala ang operasyon ng walong oras at 50% lang ang chance na maging successful iyon. Should I take that chances? Maghihintay paba ako sa puntong isang snap nalang eh bigla nalang akong mawawala sa mundong to? Hanggang ngayon ay hindi ko padin kasi nakakausap sila mommy about dito. Hindi ko tuloy malaman kung ano ang plano nila para sakin.

Siguro ay pagkatapos nitong event na darating ay kakausapin ko nadin sila. I hope din na okay na ang problema sa company namin pag nakausap ko na sila. Ayoko naman kasing dumagdag pa sa mga pasanin nila.

Agad nangunot ang noo ko at natigil sa pag iisip ng maramdamang parang may nagmamasid sakin. Napalingon ako sa gawing kanan. Nang wala akong makita ay lumingon ako sa kaliwa at napaawang ang bibig ng may makitang pamilyar na sasakyan sa di kalayuan malapit sa sasakyan namin kung saan hinihintay ako ni mang jim. Siningkit ko ang mata ko para maaninag pa ng ayos.

White Mercedes Benz.. Could it be-- No Ashnelle. That's not him. Napaka aga pa at paano niya naman malalaman na nasa coastal ka? Napatango ako sa naisip. Hindi lang siguro siya ang may sasakyan na ganon kaya imposible.

Iniwas ko nalang ang tingin ko doon at pinagtuunan ng pansin ang papaangat na araw. Agad kong inayos ang slr ko and uses a natural low light.

*

Little did she know someone is really watching her from a far. Someone who's inside his car looking freely at her.

"I miss you Ashnelle.." Zyon muttered as the girl got up to her feet dahil tapos na ito sa pagkuha ng litrato. Tuluyan nading lumiwanag ang kalangitan dahil sa pag sikat ng araw.

Hinintay niya munang makasakay ng kotse ang dalaga at makaalis iyon saka niya inistart ang makina ng kanyang sasakyan at pinasibad paalis.

*

A S H N E L L E

Sinabi mo na wag na muna tayong mag usap, I agreed with that because I know i hurt you but that doesn't mean i will stop taking care of you. Babantayan kita mula sa malayo para masiguro kong ligtas ka kahit wala ako sa tabi mo.

PS. I'm really sorry.

PPS. I love you so much and I miss you..

-Z

Huminga ako ng malalim ng mabasa ang panibagong sulat galing sakanya na nakuha ko sa aking locker. Tulad kahapon, sakanya lang ang naiiba dahil sa sulat niyang nakapaloob sa isang kulay silver na maliit na envelope. Kahapon ay ang nakasulat lang sa letter niya ay 'I love you and I'm sorry' ngayon naman ay ito.

Kakarating ko lang galing coastal at dumiretso agad sa locker area dahil kailangan kong makuha ang ilang libro para sa morning class ko pero itong sulat niya agad ang bumungad sakin dahil nag iisa lang. Tila napaka agang hinulog sa loob ng aking locker.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon