Chapter 14

99 5 0
                                    

Panaka naka ako tumatawa ng mahina habang kumakain.

Grabe ang saya saya pala pag gantong kadami ang mga kaibigan mo.

"Dude ang arte mo. Talsikan kita ng laway diyan eh" Sabi ni Joshua kay Brent. Eto kasing kapatid ko nag rereklamo natalsikan siya ng isang butil ng kanin sa braso.

"Gago kaba? Galing sa nakakadiri mong bibig yung kanin na tumalsik!" Asik ni Brent. Humalakhak kami.

"Nako maarte talaga yang si Brent. Napaka vain masyado. Pag pasensyahan mo na Josh" Singit ko sa usapan saka siya nginitian.

"Parang bakla pala" Nakangising sabi ni Ate Gail. Sumimangot ang kapatid ko.

"Ansabi mo?" Agarang tanong nito. Napalingon ako sa katabi ko ng maramdaman ko ang marahan na pag siko nito sa braso ko.

"You're not eating your food" Medyo naka ngusong sita sakin ni Zyon. Napakagat ako ng labi at nag peace sakanya bago nag umpisang kumain na ikinangiti niya. Thoughtful.

"Uhm.. B-basti pa ano.. paabot naman ng bread" Napasulyap ako kay Fran at napangiti. She's trying her best to win Kuya Sebastian's attention.

"Tsk" Sebastian. Inabot niya naman ang bread kay Fran na ngayon ay namumula na ng sobra. Feeling ko namula din ako dahil sa nakikita.

Matagal ng may gusto si Francine kay Sebastian ang kaso nainlove siya sa pinsan nila Fran na si Matilda. Alam ko 3rd year high school palang sila Kuya Seb ng maging sila ni Matilda. Since mag classmates silang dalawa naging madali sakanila ang lahat.

Mahal na mahal yon ni Kuya Sebastian ang kaso nung pagka graduate nila ng college umalis si Matilda para sa America mag trabaho. Kaya eto ang dating masungit na si Kuya Seb naging mas lalong masungit.

He has been too hard and harsh towards Fran simula ng maghiwalay sila ni Matilda siguro dahil may pagkaka hawig ang mag pinsan. But it's not my story to tell.

Natapos kaming mag umagahan na puro tawanan at asaran ang nangyari. Nakapag palit nadin kaming mga babae. Nakaligo at nagbihis nadin ako para mamaya aalis nalang kami ni Zyon.

Nag suot ako ng white tube dress na hanggang tuhod ko at stilettos na color peach.

Pagka baba ko nakita ko silang nag lalaro ng xbox. Magkalaban sa boxing si Kuya Steven at Kuya Edward.

Napatingin ako kay Lily ng tapikin niya ang tabi niya para doon ako maupo. Bahagya pang kinunot ko ang noo ko ng ngayon ko lang mapansin na magkatabi sila noong kaibigan nila Kuya na nakalimutan ko ang pangalan.

Nakalagay ang braso nito sa sandalan ng sofa na parang naka akbay sa kaibigan ko. Napansin ata nila ang paninitig ko kaya napaayos sila ng upo.

"Uh Hehe. Ash alam ko nakilala mo na si Henry doon sa Capobianco. Naikwento niya kasi sakin" Lalo atang nalukot ang noo sa narinig.

Magkakilala sila? Oh my wait! Siya ba yung--

"Siya yung nanliligaw sakin. Family friends kaya alam mo na" Ngumiti ako at tumango. Mukha namang gustong gusto nila ang isat isa.

"Hi Ashnelle" Bati sakin ni Henry. Mahinhin kong binukas sara ang palad ko at ngumiti ng matamis.

"Just Ash" Tugon ko na ikinatango niya

Nagkwentuhan lang kami nila Eliz habang ang mga lalaki busy sa pag lalaro at pag uusap tungkol sa mga babae.

Napatitig ako kay Zyon. Mahina siyang tumatawa at minsan pangisi ngisi lang sa pinag uusapan nila ni Josh at Brent.

Bakit kaya nagawa ni Zyon na lokohin noon si Trina? I mean napaka bait niya naman pero bakit ganoon ang ginagawa niya? Sino ang may kasalanan sakanila? Si Megan ba o siya?

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon