Chapter 19

92 3 0
                                    

Nag papasalamat ako na hindi na gaanong masama ang pakiramdam ko kaya makakapasok na ako.

Agad akong naligo at nag bihis dahil medyo nalate ako ng gising.

Pagkababa ko naka hinga ako ng maluwag dahil nadatnan ko pa si Brent sa kusina habang tamad na kumakain. Hindi niya ako napansin dahil tulala siyang ngumunguya. Humalik ako sa pisngi ni mommy na nakatalikod.

"Are you sure kaya mo na? Dapat mag pahinga ka nalang muna" Aniya saka hinaplos ang noo ko. Ngumiti ako kay mommy bago siya yakapin.

"I'm okay, mom. Kaya ko na po" Hagikhik ko na ikina ngiti niya.

Nag umpisa na akong kumain habang sinusulyapan si Brent. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na tumawa dahil sa itsura ng kapatid ko ngayon. Para siyang Zombie kung gumalaw eh.

"Brent" Mommy called him pero mukhang di niya iyon narinig kaya nag katinginan lang kami ni mommy saka ako nagkibit balikat.

Ng matapos akong kumain hinila ko na si Brent patayo para makaalis na kami. Doon lang ata siya natauhan.

"Alright! You don't need to drag the hell out of me!" Sigaw niya na ikinalundag ko sa gulat. Napayuko ako bigla.

"Brent, Don't raise your voice to your sister! I don't like that attitude young man" Mariin na saway ni mommy. Lumunok ako.

"Okay lang mom. Papahatid nalang ako kay Mang Elmer" Bulong bago tumakbo na palabas ng bahay. Saktong naabutan ko ang family driver namin sa may garahe habang may kinakalikot sa hood ng kotse.

"Mang Elmer!" Tawag ko. Tumingin sakin ang matanda bago nagpunas ng kamay. Ngumiti ako at lumapit dito.

"Papahatid ka Ash?" Tumango ako bilang sagot kaya binuksan niya na ang backseat para sakin.

This is the first time that my brother shouted infront of me. No one had ever shouted at me like that. They used to be so sweet, caring at maingat sa pananalita lalo na pag nasa harapan nila ako. Kaya di ko naiwasang matakot bigla sa pag sigaw ni Brent.

Pagkarating sa school lumabas na ako ng sasakyan at nag dirediretso na papasok sa gate. I even heard someone called my name pero di ko na napansin dahil sa pag mamadali ko. Late nadin kasi ako.

Pag pasok ko sa room saktong dumating na ang teacher namin. Buti nalang!

Naupo ako sa gitna nila Lily at Francine. Parehas silang nakasimangot habang pinapanuod ako.

"Bakit ka pumasok? Kakagaling mo lang sa sakit! Baliw kaba talaga?" Lily hissed. Ngumiti ako bago bumulong.

"Okay na ako no" Saka ako bumaling sa unahan dahil nag umpisa ng mag salita si Ms. Pacala. Ang ganda talaga ng teacher namin na to. Nag tataka padin ako kung bakit wala parin siyang asawa. Pero sabagay bata pa naman si Ma'am.

"Okay class, makiki-join in tayo sa isang grupo ng mga seniors. Dahil may gagawin tayo. They need our help and we need their help too. It's a give and take" Saad ni Ma'am samin na ikinatango  lahat.

"Ma'am anong gagawin?" Tanong ng isa kong classmate.

"Mamaya ko na iyan sasagutin. Sa ngayon iggroupings ko muna kayo"

Mukha namang nasiyahan ang mga kaklase ko dahil grouping ang mangyayari. And in this case alam ko na naman kung sino ang kagroup ko.

Nag umpisa na si ma'am na ihati ihati ang lahat group by group. Since thirty kaming lahat lima bawat isang grupo ang nangyari.

"And for group five. Francine  Romasanta, Ashnelle Monticello, Lily Gregory, Jericho Macapagal and Tristan Choi"

Ng ma- announced na ang group six agad na kaming tumayo. Lilipat daw kami ngayon sa gym dahil nandon na daw ang mga seniors na makakasama namin.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon