Chapter 27

62 2 0
                                    

Nakauwi ako sa bahay na sobrang pagod ang nararamdaman syempre sobrang saya din.

Sinalubong ako ni mommy ng yakap pagkapasok ko sa bahay. Hinatid lang ako ni Zyon at pinauwi ko nadin siya agad kasi alam ko namang pagod din yon.

"How's your day, anak?" Tanong ni mommy. Nilapag ko sa mesa ang bag ko bago naupo.

"Sobrang saya mom. Si daddy?" Ani ko sabay ngiti ng matamis. Natawa naman siya saka tumabi sakin.

"Glad to know. Nasa study room ang daddy mo. Anyway kakatawag lang ng ate mo. Mag online ka sa skype miss kana daw niya" Sabi niya na ikinatango ko.

Pagtapos ko mag paalam kay mommy na papanik na ako humiga agad ako sa kama saka ko kinuha ang laptop ko.

Ang lagkit lagkit ko na pero mamaya na ako maliligo dahil pagod pa ako.

I logged in my skype then search for my ate's account. Mabuti at online siya. Sabagay umaga nga pala doon.

"BABY!" Pang bungad na sigaw ni Ate Dahlia. Humagikhik ako bago ngumiti sakanya. Nasa kusina siya ngayon at nakain ng fruits. Kumindat lang sakin si Kuya Trevor na dumaan sa likod niya at umalis din.

"Ate, I miss you. Sorry di na ako nakakapag skype masyado. Busy sa school eh" Kumuha ako ng unan at nilagay iyon sa likod ko bago ako sumandal sa headboard ng kama.

"I miss you too. Naiintindihan ko" Sagot niya bago kumagat sa apple.

"Kamusta kana? You're glowing" Ate wiggles her eyebrows when she muttered that. My cheeks immediately turn into red.

Bigla siyang tumawa sa naging reaction ko kaya ako napanguso.

"Ate Lia naman eh!"

"Oo na. Bakit ba kasi blooming ang bunso namin?" Hindi padin mawala wala ang ngisi sakanyang labi.

"Natural na yan ate. Mana ako sayo eh"

Mabuti nalang at tinigilan din niya akong tuksuhin dahil napag usapan namin kung kailan sila uuwi dito.

Dito nalang daw kasi gagawin yung kasal nila. Beach wedding ang theme at nakahanap na agad siya ng venue.

"Basta by January uuwi kami. Alam na ni mommy at daddy iyon" Aniya.

"January? So 2 months preparation lang ang mangyayari?" I asked her. First week kasi ng April ang kasal.

"Sobra na nga iyon. Habang nandito kasi kami inaayos na namin unti unti" Sagot niya. Napangiti ako.

I adore Ate Lia and Kuya Trevor's relationship. Simula high school mag boyfriend girlfriend na sila. Ang akala nga nila hindi sila mag tatagal kasi si Kuya Trev babaero dati. Tumino lang ng takutin ni ate na iiwan siya pag hindi umayos.

They love each other unconditionally. Ilang years nadin sila at ngayon lang naisipang mag pakasal.

At oo nga pala. May anak na sila, 4 years old na. Si Alexander. Nagalit pa nga si daddy nung una kasi bakit nag anak daw muna bago nag pakasal.

"Ate, kamusta na si Alex?" Tanong ko sakanya.

"Nako sobrang lusog at kulit. Natutulog pa nga eh"

"Makikita ko nadin ang pamangkin kong pogi" Natatawa kong sabi. Napatigil kami ni ate sa pag uusap ng mag ring ang phone ko.

Bigla akong pinamulahan ng pisngi ng mapagsino ang tumatawag.

"Who's that?" Tanong ni ate. Ng sulyapan ko siya hayun at nakangisi na ng nakakaloko.

"Wait lang ate huh?" Untag ko saka sinagot ang tawag.

"Hello" Tugon ko. Narinig ko ang hininga niya sa kabilang linya.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon