Chapter 41

89 1 0
                                    

Lahat kaming nasa table nila ay napatitig sakanya at sinundan siya ng tingin dahil sa pag takbo niya. Pagbaling ko saking likuran ay biglang lumakas ang tibok ng puso ko. Papalapit sa gawi namin si Zyon. Naka board shorts na siya at itim na sando. His broad shoulder showed up and his tight muscles on the arms are revealing. God! Why do he have to be this so hot?

Nakangiti siya habang sinasalubong ang pagtitig ko. Napahawak tuloy ako saking dibdib dahil feeling ko anytime ay lalabas na ang puso ko doon dahil sa sobrang kalabog nito.

"Oh my gosh!" Napunta sa isang babae ang kanyang titig at kitang kita ko ang gulat na rumehistro sakanyang mukha. Maski ako. Laglag ang aking panga at bahagyang nanlaki ang mata ko ng makitang hinalikan ni Megan sa labi si Zyon.

Para akong nawalan ng lakas. Napakapit ako sa braso ni Luke dahil sa panghihina. Ang kaninang nagsasaya kong puso ay biglang nawasak. Parang biglang nagputukan ang kaninang bula na nakapaligid sakin.

Kitang kita ko ang galit sa mata ni Zyon ng itulak niya si Megan. Hindi iyon malakas pero tama lang para tumigil sa pag halik ang babae. Muling nag tama ang titig namin sa isa't isa. Kumurap ako at siyang pag landas ng isang luha saking mata bago ako tumalikod at tumakbo paalis doon.

Mabigat na mabigat ang loob ko ng makalabas sa lugar na iyon. Patuloy ako sa pagtakbo habang nagpupunas ng luha. Narinig ko pa ang sigaw at pag tawag nila Lily sakin pero hindi ko iyon pinansin.

I'm not mad at him. I know wala siyang alam. Hindi niya ginusto iyon. Kitang kita ko ang galit, guilt at pagsusumamo sakanyang mata ng tignan niya ako. I'm also happy dahil nakita ko namang di niya tinugon ang halik na iyon at agad na lumayo kay Megan.

Hindi ko alam kung bakit ako lumayo at umalis doon. Dahil ba pakiramdam ko konti nalang may magagawa akong di maganda?

Tumigil ako sa pag takbo ng makalayo at naghabol ng hininga. Napasulyap ako saking kamay na nakakuyom ng mahigpit. Kinabahan ako para saking naramdaman at pilit kinalma ang sarili. Jesus.. Hindi ko kailanman naramdam ang ganitong pakiramdam. Hindi ako kailanman nakaramdam ng sobrang galit na konti nalang gusto ko ng manakit.

Natutop ko ang aking bibig dahil sa naisip. No! Hindi ako ganong tao! Hindi ako ganon.. Pumikit ako at patuloy padin sa pag habol sa paghinga.

*

Z Y O N

I was so damn guilty as I felt Megan's lips pressed on mine. Hinawakan ko siya sa balikat saka marahang tinulak. My gaze immediately darted on Ashnelle and there I saw a tear fell on her cheek. Fuck shit! I felt furious lalo na ng makita ko siyang tumalikod at tumakbo paalis.

Tumakbo ako ngunit may pumigil sa kamay ko. Marahas kong hinawi iyon bago binalingan si Megan. Nagdidilim ang paningin ko at ayokong saktan siya.

"Zyon, What's wrong?" She asked at akmang susundan ako ng huminga ako ng malalim.

"You fucking stay here. Brent! Help me bro" Sabi ko saka tumingin kay Brent. Tumango siya kaya mabilis na akong tumakbo.

Holy fuck, angel. Don't run shit! Kitang kita ko siyang nakakalayo na kaya mas binilisan ko pa ang pag takbo.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nagalit siya. Oh damn! Hindi ko ginusto ang halik na iyon.

Bumagal ang takbo ko ng makita siyang tumigil. I stared at her for a moment. Ang kanyang nakalugay na buhok ay sumasabay sa paglipad ng kanyang suot na damit. She's indeed beautiful like an angel. I can even live like this. She's looking at the world while me busy watching my own world.

Dahan dahan akong nag lakad palapit sakanya. Dumako ang titig ko sakanyang kamay na nakakuyom. Ngumiti ako. Kinuha at hinawakan iyon. I felt her flinched because of my touch.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon