Chapter 9

104 6 0
                                    


Ilang minuto nadin ang nakakalipas ng umalis sila ng biglaang may tumawag sa phone ni Kuya Edward na sinagot niya naman agad ng di lumalayo

"Hello, Dad. Hmm.. Yeah. She's with us... Yes dad-- What?!.. That's too fast.. I mean.. Opo.. Hmm.. Okay dad. Yeah right bye" Pabagsak na nilapag ni kuya sa lamesa ang phone. Napakunot ako.

"What's wrong kuya?" I asked. Umiling siya at bahagyang napasabunot.

"Dad wants me to handle the company in manila. Sa lunes na daw ako mag sisimula. Damn it!" Frustrated nitong sabi bago sumandal.

"Oh. That's a great news brother!" Mapang asar na sabi ni Brent.

"Goodluck with that man" Ngisi naman ni Josh bago nakipag apiran kay Brent. Nakatitig ako kay Kuya Edward ng mapabaling siya sakin.

"Help me to convice him to cancel it. I bloody don't want to fucking handle anything" Lumipat naman ako sa tabi niya bago ako ngumiti.

"Kuya think twice, this is the right time for you. You're getting older. Pano mo mabubuhay ang magiging pamilya mo kung puro asa ka lang?" Nakita kong lahat sila laglag panga sa sinabi ko.

"What the hell" Nasabi lang ni Brent habang titig na titig sakin.

"Dude! Mas matured pa mag isip bunso niyong kapatid! Damn. Tularan niyo si Ashnelle ko!" Sigaw ni Josh sabay tawa.

"Moron! She's not yours" Sita ni Brent. Napangiti ako

"Tsk. Fine." Sagot ni Kuya Edward bago ako akbayan at bumuntong hininga.

"Kuyu, Trust me. You can do it" Pang iincourage ko sakanya. Ginulo niya naman ng bahagya ang buhok ko bago ngumiti at tumango.


Lumipas ang dalawang araw ng sobrang bilis. Lunes na ngayon at kasalukuyang nasa kotse ako ni Brent dahil papunta na kami sa school at muntik ko ng makalimutan na doon na pala sila mag aaral. I wonder kung lahat ng tropa nila lilipat din.

"Nakaluwas naba ng manila si Kuya Edward?" Natanong ko habang busy siyang nag dadrive. Tumango naman siya bago niliko ang kotse.

"Anong oras uwian niyo?" He asked while maneuvering the car on the parking lot

"4 pm pag MWF pag TT naman 6 pm" Sagot ko bago mag tanggal ng seatbelt. Ganoon din ang ginawa niya at sabay kaming lumabas

Kita ko agad ang ilan ilan  na estudyanteng napatigin samin ni Kuya. Everybody knows na kapatid ko ang Monticello brothers. Ewan ko kung bakit sikat na sikat sila maski si Kuya Cedric eh. Well, maybe because of their looks. Ang gagwapo kaya ng mga kuya ko. I smiled on my thought.

Nakita kong di lang pala samin napabaling ang mga estudyante dahil titig na titig din sila sa dalawang lalaki na nasa main gate at nag hihintay samin. Ng makalapit kami kila Zyon may mangilan ngilan akong narinig na bulungan.

"Shit. Ang gwapo ng Kuya ni Ashnelle. Sana naging kapatid nalang nila ako"
"Boba. Edi bawal yon. Incest ka masyado"
"Ay oo nga"
"Si Celestial dito na mag aaral? Omgggggg~"

"Nakakinlove tumitig yung singkit na mata ni Joshua"

Seriously? Kilala na sila agad?

"Goodmorning, Beautiful" Nakangising bati ni Josh sakin. Natawa naman ako bago tumango.

Napalingon ako at nakita si David na papalapit sa pwesto namin. Bagong gupit ito at gwapong gwapo ang ayos. Napangiti ako dahil nakita kong sinusundan din siya ng tingin ng mga babae. Kinawayan ko siya bago tumakbo ng konti at yakapin ito ng mahigpit.

"Oh my God. I miss you Dave!" Ani ko. Agad niya naman akong ginantihan ng yakap at natawa ng bahagya.

"And I miss you too, Ash. Nagkakaka laman kana oh" Ngisi niya bago pisilin ang aking pisngi. Ngumiti ako ng matamis bago siya hilahin palapit kila kuya.

"Nasan nga pala si Lily?" Natanong ko ng mahalata na di niya ito kasama

"Nasa bahay pa. Sinundo ng manliligaw niya" Tipid nitong sagot na agad kong nilingon.

"Manliligaw?! How come na di ko iyon alam?" Nakanguso na ako. Bakit di sinasabi ni Lily yon?

"Maski ako ngayon ko lang nalaman. You're not alone anyway" Halakhak niya. Ng makalapit kami kila Brent agad akong kumapit sa braso niya dahil kita kong nakakunot na ang noo nito.

"Kuya Brent this is David. Lily's cousin and also my bestfriend. Remember? Guys, David." Pakilala ko sakanila. Tumango ng tipid si Josh samantalang si Zyon naman ay seryosong tinitigan ng matagal si David. Si Brent naman nakipag kamayan pa.

"Brent. His brother" Maikling saad ni Brent.

"Ah David. Sila Josh at Zyon pala" Turo ko isa isa sakanila. Ngumiti lang si Dave at tumango tango.

"Can we go?" Paalam niya kay Brent. Napasulyap naman siya sa wrist watch niya bago tumango.

"Go on. May hinihintay pa kami. Ashnelle, Behave hm? Kuya's watching you" Sabi nito at tinuro ang dalawa niyang mata gamit ang dalawa niyang daliri bago iyon ituro sakin. Napahagikhik ako at tumango. Humalik muna ako sakanyang pisngi.

Bumaling ako kay Josh at saka ito niyakap at bahagya pa siyang natigilan dahil sa gulat. Kumalas na ako at medyo nangatal.

"We're g-going" Nasabi ko nalang.

"That's it? What about me? Where's my hug?" Nakasimangot na sabi ni Zyon Napasinghap ako at tinignan siyang nanlalaki ang mata. Narinig kong humalakhak si Brent at Josh.

"Baho mo daw bro" Pang aasar ni Joshua. Halos malaglag ang panga ko ng biglang hilahin ni Zyon ang siko ko at niyakap ako ng mahigpit. Napasubsob tuloy ang mukha ko sa dibdib niya. I felt his hand gently caressing my hair. Muntik na akong mapapikit kung wala lang umubo. Napahiwalay ako bigla at kita ko ang lahat na samin nakatingin. Maski ang ibang mga estudyante.

"Ash. Let's go" Malamig na bigkas ni David na agad kong tinanguan. Napatitig ako ng ilang sandali kay Zyon at ganoon din siya. Malamlam ang matang pinukol niya sakin. Umiwas na ako ng tingin at nag madaling sumunod kay David na nauuna ng maglakad.

Ng maabutan ko siya agad kong tinampal ang braso nito.

"Hindi mo na ako hinintay"

"Busy ka lang makipag titigan kaya di ka nakasabay" Nakasimangot nitong sabi. Uminit naman ng bahagya ang aking pisngi at di na nag reklamo

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon