Chapter 2

162 7 0
                                    

"He's here" Sabi ni Brent bago nagtungo sa pintuan. Humikab ako at pumikit. Niyakap ko ang braso ni Kuya Ced.

"Bango bango naman ng kuya ko" Hagikhik ko. I heard Kuya Ced chuckled bago niya ako hilahin pa palapit. Napangiti ako.

"Celestial" Rinig kong sabi ni Kuya Edward habang nakapikit ako. Nandito na ata yung kaibigan nila

"Monticello" Sabi nito sa isang malalim na boses. Last name basis sila? Surname namin ang Monticello. Pero habang nag mumuni muni. Napakurap ako sa sinabi ni Kuya Ced.

"It's been so long, Zyon" Wika nito. Napadilat ako at napaupo ng maayos bago tiningala ang lalaking nakausap ko lang kanina. Nakita kong nakatitig siya sakin habang naka ngiti ng tipid. Signature smile niya ata yan.

"Z-Zyon?" Nasabi ko. Biglang natahimik ang tatlo kong kapatid at kita ko pang nag pabalik balik ang titig nila Kuya Edward at Brent sakin at kay Zyon.

"Magkakilala na kayo?" Nag tatakang tanong ni Kuya Ed. Napatango ako.

"Nagkita kami kanina sa may shore. Tapos nag bigayan ng pangalan. Nothing to worry about" Nakangiti kong saad bago balingan ang tatlo kong kuya. Napatango naman sila at nag simula ng mag ingay sila Kuya Ed well, except kay Kuya Ced na nagpaalam na pupunta ng kwarto niya dahil inaantok daw siya.

Agad na tumabi saakin si Zyon habang nagkekwentuhan silang tatlo. Halos di ako makagalaw sa kinauupuan ko. Napasandal nalang ako sa couch bago ulit pumikit.

"Who's with you bro?" Rinig kong tanong ni Brent.

"Friends. Naisip nilang dito na namin sulitin ang summer. Since mag papasukan na naman" Agarang sagot ni Zyon

"Nandito pala ang mga gago" Tawa ni Kuya Edward. Napadilat ako ng dumikit ang braso ni Zyon sakin. Napalingon ako sakanya pero di niya naman alintana ang lapit namin sa isa't isa dahil nakikipag tawanan siya kila Kuya. Am I the only one who's making a big fuss about it? Well maybe. And I don't even know why.

Nagulat ako ng mag ring ang aking phone. Napatayo ako ng wala sa oras bago nag excuse sakanila at lumayo ng kaunti.

"Hello?" Sagot ko ng di tinitignan ang caller

["On vacation ka padin?"] Boses palang alam ko na kung sino

"Oo eh. Pero after 2 days uuwi nadin kami" Sagot ko sa aking kaibigan na si David.

["David ano ba! Pakausap nga sa bestfriend ko!~ Shut up, Lily."]  Magbabangayan nanaman tong mag pinsan na to. Napangiti ako ng marinig na makuha ni Lily ang phone sakanyang pinsan.

[" Hoy Ashnelle Monticello! Uwi kana! I miss youuuuuu"] Natawa ako ng pahabain nito ang huling salita.

"Ohhh. I miss you too Lily Gregory"

["Kelan ka uuwi? Putek mag hintay ka nga David!~"]

"After 2 days Ly. Bakit? Atsaka tumigil nga kayo sa pagbabangayan" Tawa ko

["Sakto. So sa Friday nandito kana sa Cavite?"]

"Probably. Bakit ba?"

["Mag papasama ako. Sa mall. Bibili ako ng gamit"]

"Sus. Yon lang ba? Sure!" Naligayahan ako dahil balak ko din mag mall pagkauwi ko.

["Yes! Take care Abo!"] Tawa nito. Napatawa nadin ako dahil tinawag nanaman ako nitong abo imbes na Ash.

"Take care din bulaklak. See ya!" Ngiti ko bago ibaba ang tawag. Lumapit na ako kila Kuya at nahuli ko nanamang nakatitig saakin si Zyon. Di manlang umiwas ng tingin. Ngumiti ako bago bumaling kila Kuya.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon