Chapter 33

103 3 0
                                    

Agad nangunot ang noo ni Zyon ng madatnan si Luke na nakaupo sa labas ng room ni Ashnelle kasama si Edward.

Hindi na nagulat si Zyon ng pukulan siya ng matalim na titig ni Edward pero tumango din ito sakanya kaya pumasok na siya sa loob.

Mabilis siyang napansin ng mga kaibigan niya dahil sa mabibigat niyang hakbang. Hindi niya alam kung bakit bigla siyang nairita ng makita ang lalaking nakasama noon ni Ashnelle.

Nadatnan niyang nag uusap usap ang mga tao sa loob ng kwarto. Masyadong malaki ang inaakupang kwarto ng dalaga kaya di na kataka takang kasya sila rito.

"Saan ka galing, Celestial?" Tanong sakanya ni Joshua bago siya nakipag apiran sa mga ito.

"Office. Hinatid ko si ate" Sagot niya bago tumitig sa babaeng nakahiga sa kama na ngayon ay nagkukusot ng mata. Napangiti siya ng maisip na nagising ito dahil narinig ang kanyang boses.

"Kararating mo lang?" Medyo garalgal pa ang bose ni Ashnelle ng mag tanong ito. Tumango siya bago tinulungang makaupo ang dalaga na sumulyap sa wall clock.

"Dalawang oras din pala akong nakatulog" Bulong niya sakanyang sarili. Umayos ng tayo si Zyon ng makitang kumportable na ang upo nito.

"Nabobored kana ba dito? I can take you to the rooftop if you like" Nakangiti niyang aya sa dalaga. May gusto din kasi siyang sabihin rito. He received a text from Megan saying she will get him back by hook or by crook.

Hindi niya maiwasang matakot. Hindi para sakanyang sarili kundi para kay Ashnelle. Kilalang kilala niya na si Megan and he knows that girl will do anything to manipulate him again.

Agad namang nagningning ang mata ng dalaga. It's too tempting. Ilang linggo na siyang naka buro sa kamang iyon at gusto niya namang makalanghap muli ng sariwang hangin.

"Yes please" Sagot ni Ashnelle sakanya. "Can you walk? Or do you want me to get you a wheelchair?" Aniya at maglalakad na sana palabas ngunit napigilan siya agad.

"I can walk, Zyon. Hindi naman ako baldado" Natatawa nitong sagot bago sumulyap sa paligid. Ngayon niya lang ata napansin na wala ang mga kaibigan niyang babae. Tanging sila Joshua, Brent, Henry, Steven at Sebastian lang ang nasa loob.

"Kuya sila Lily?" Tanong niya kay Brent dahilan para tumingin ito sakanya dahil kausap nito si Sebastian.

"Lumabas sis. Sila naman daw ang kakain" Agad sumimangot si Ashnelle sa sagot ng kanyang kapatid.

"So ungentleman. Hindi niyo manlang sila binilhan ng pagkain?" Nakangusong sabi ng dalaga bago tumayo ng alalayan siya ni Zyon. Kita niya ang pag sulyap ng kanyang kapatid sa kamay ni Zyon na nasa bewang niya para sa suporta.

Biglang humalakhak sila Henry. "Ash, Believe me. We did. Kulang pa daw kasi yung pagkain and Eliz also want to eat some pizza. So" Kibitbalikat na sagot nito.

Oh boy. The great Elizabeth Sandoval. She really can't live without her pizza. Sa isip isip ng dalaga kaya napangiti na siya.

"Saan punta niyo?" Tanong ni Brent sakanila. Natikom niya ang kanyang bibig at napatitig sa kapatid.

"Rooftop bro" Si Zyon na ang sumagot rito. Wala ng nagawa si Brent kundi tumango nalang. Hinawakan ng binata ang stands ng dextrose at tuluyan na silang lumabas ng kwarto. Bigla namang tumayo sa pagkakaupo ang dalawang lalaki sa labas ng kwarto ng makita sila.

Ngumiti si Ashnelle sakanyang kuya at kay Luke. "Kuya, Sasaglit lang kami sa rooftop huh?" Aniya. Tumitig muna ang kuya niya sa lalaking nasa tabi niya.

"Ingatan mo" Tanging sabi nito kay Zyon. Ashnelle can feel the tension. Tumingin siya sa binata at nakitang nakaigting na ang panga nito habang nakatitig kay Luke. Ano kayang problema? Bakit mukhang galit to?

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon