Chapter 51

74 3 0
                                    

Hindi mawala wala ang ngiti saking mga labi. I feel like a real photographer habang kinukuhanan sila ng litrato.

This is my last two shots para sa second set. Nakasuot sila ng p.e uniform namin. Hindi sila mahirap kuhanan dahil alam na alam nila kung paano ang gagawing pose para gumanda ang kuha. They are really a professional models. Alam nila kung paano iaangat ang kanilang sarili. Nakakatuwa silang pag masdan. Napaka gwapo nilang lahat. Di ko tuloy maiwasang mag fangirling sakanila kahit pa nasa gitna kami ng photoshoot.

"Haaay ang gwapo talaga nila"
"Hindi lang gwapo yummy pa"

Mamaya pagtapos ng lahat na ito ay uuwi na ako para makapag pahinga dahil kanina pa tong pakiramdam ko na parang pagod na pagod ako. Di ko lang pinapahalata sa lahat lalo na kay Zyon dahil ayokong mag alala nanaman siya.

Matapos ang huling kuha ko sakanila ay nagtungo na ulit sila Jedred sa dressing room para magpalit naman ng suit for our last set.

"Excuse me kuya. Have you seen Zyon?" Tanong ko kay Kuya Mond habang naghihintay.

"Hayun. May kausap na babae" Sabay turo niya sa bandang gilid. Tinignan ko iyon at nakita ngang may kausap siyang babae. Hindi ko pa masyadong maaninag kung sino iyon dahil natatakpan siya ni Zyon na nakatalikod sa gawi ko. Pero ng gumalaw ang babae saka ko lang nakumpirma kung sino iyon.

"Weng?" Bulong na tanong ko saaking sarili. I almost didn't recognize her. Hindi naman siya kasi nakasuot ng uniform nila tulad sa mansion nila Zyon. She's wearing a mini micro skirt and a fitted white shirt. Hindi ko tuloy maiwasang pasadahan ng tingin ang suot ko na balot na balot kumpara sakanya. Nakasuot ako ng jumper pants and a red shirt inside.

Napatingin akong muli sakanila at agad din namang napaiwas ng tingin dahil nahuli kong nagtatatalon siya sa tuwa at bigla nalang niyakap si Zyon. Kumirot ang puso ko at parang may nagbara doon.

"Ash oh" Tumikhim ako bago nilingon si Kuya Jay na nag abot ng bottled water. Kinuha ko iyon saka ngumiti.

"Thanks kuya" Ani ko bago naglakad patungo sa dressing room habang umiinom. Hindi ko na inabalang tignan pa ulit sila Zyon dahil di ko gusto ang ideya na may nginingitian siyang iba tulad ng ngiti na binibigay niya saakin. God.. I sounded so selfish..

Pagpasok ko sa loob ng dressing room ay halos lumabas sa ilong ko ang iniinom kong tubig. Buti at naibuga ko lang iyon kaso dapat ay di ko din ginawa dahil napaka unlady ng dating ko.

"Hala.. S-sorry. I forgot! A-akala ko tapos na kayo" I stammered as I turned my back to them. I totally forgot na nagbibihis pa nga pala ang NYMPHS dito! Gosh Ashnelle nakakahiya ka.

Hindi naman sila nakahubad talaga. Hindi pa kasi nila nasasara ang butones ng mga polobnila. Nakakahiya padin. Baka isipin nila sinadya kong pumasok rito.

"Oh hell. She's cute!"

"Yeah she is. Hey Ash. It's okay. Sanay naman kaming may makakita sa katawan namin" Hindi ko na malaman kung sino ang nagsasabi noon. Pulang pula na ang pisngi ko kaya tumango nalang ako kahit pa nakatalikod padin ako sakanila.

"I'll go ahead. I'm r-really sorry guys" Hiyang hiya tuloy ako pagkalabas ko roon. At dahil nakayuko ako bumangga tuloy ako sa isang bagay. Pagtingala ko hindi pala bagay kundi tao.

"What happened?" Tanong ni Zyon. Sinulyapan ko saglit ang babaeng nasa gilid niya na nakahawak pa sa kanyang braso. Nandyan nanaman ang pag angat niya ng kilay sakin kaya tinuon ko nalang ang pansin sa ibang direksyon.

"Nothing. Doon na ako" Mahina kong sabi saka naglakad palayo sakanila. Yung pagod na pagod kong pakiramdam nadagdagan pa ng pagkalito at pagkainis. Bakit ba nandito siya?

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon