Chapter 37

89 1 0
                                    

Pagkahatid sakin ni Zyon sa bahay agad king kinontak ang number ni Lily para ipaalam na nagkita kami ni David.

Hindi na ako nagulat ng puro mura ang lumabas sa bibig niya at sabi pa nitong hahambalusin niya daw si David pag nakita niya. Hindi ko tuloy maiwasang matawa nalang.

Matapos siya, si David naman ang tinawagan ko at himala na hindi off ang phone niya. Inaasahan niya siguro talaga ang text o tawag ko.

"Hello Dave"Narinig ko ang kanyang pag tikhim.

"Oh Ash" Aniya sa kabilang linya. Bahagya kong narinig ang pag tama ng baso at pag lunok niya.

"Itatanong ko lang kung anong oras alis mo bukas? Hindi mo kasi natext eh. Nakalimutan mo ata. And also natawagan ko na din si Lily" Sunod sunod kong sabi. Ilang sandali siyang natahimik at napaawang ang bibig ko sa naging sagot niya.

"I love you so much.." Hindi masyadong klaro ang kanyang pagkakasabi.

"D-david are you drunk?" I asked worriedly. Oh God. Kung lasing siya nababaliw na ito! Alam niyang may flight siya bukas.

"I love you Haha I love you so much" He chanted. Napapikit ako ng malaman ang sagot.

"David listen. Matulog kana. May flight kapa bukas" Mahinahon kong sabi sakanya. Nagulat ako ng humalakhak lang siya.

"Ash.. Ash.. Yan ang problema sayo eh. Ang dali daling naming mainlove sayo. Napakabilis. Alam mo yon? You're too lovable honey.. Haha Napaka bait mo. At sa sobrang bait mo di mo alam na nagiging pafall kana" Wala sa sarili niyang sinabi. Natahimik ako.

"Dave.. L-lasing ka lang" Huminga ako ng malalim.  Napa palatak siya.

"I love you Ash" Huli niyang sinabi bago pinatay ang tawag. Napahiga ako sa kama at natulala.

Totoo kaya? Na ganon ako? Pero masama bang maging mabait?

Lumaki akong nabubuhay sa sakit ko at wala akong karapatan na maging masama. Bakit ba pansin ko nagiging problema sakanila ang pagiging mabait ko? Hindi ko maintindihan. Pafall ba talaga ang tawag doon?

Gusto ko siyang awayin! But I can't..  I just can't. Life is very short to argue and fight.

Kasalanan ba talaga na maging ganto kabait? Oh Jesus.. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Nagguilty ako sa di malaman na dahilan.

Sobrang lalim ng iniisip ko kaya halos mahagis ko na ang phone ko ng bigla itong mag ring. Kinagat ko ang labi ko saka iyon sinagot.

"Your line is busy. Sinong kausap mo kanina?" Pang bungad niya. I can almost imagine his face right now. Frowning like an old man.

"Hey" Tawag niya muli ng di ako sumagot. Wala sa sariling napangiti ako. It’s amazing how one word from the right person can make you feel better in a second.

"Si David. Tinanong ko lang k-kung anong oras flight niya bukas" Humina ang boses ko sa huli ng mapag tantong hindi ko nalaman ang oras ng alis ni David dahil sa iba nitong pag sagot.

"Tsk. That boy again" Mariin kong nakagat ang ibaba kong labi para maiwasang isipin na baka nag seselos siya. Oh come on Ashnelle!

"David is my good friend Zyon" Sagot ko sakanya. Napakurap ako ng makarinig ng pagkaskas ng gitara.

"I know angel. Hindi ko lang maiwasang mag selos. I can't help it. Mas matagal mo na siyang kilala kaysa sakin"

"Wait.. Is Zyon Celestial is having an insecurities?" Hindi ko maiwasang mamangha. Kumalabog nanaman ang mahina kong puso.

"Well I guess so.. Yeah.." Mahina niyang sabi. Malapad akong napangiti at umiling iling. Great. I can't believe this!

Parehas kaming dalawa na di umimik. Napapikit ako ng marinig nanaman ang pagkaskas ng gitara sa kabilang linya. Zyon cleared his throat. Mas bumilis ata ang pag tibok ng puso ko ngayon.

To Heal Your Heart (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon