"SIMULA"--------------------------------------------
Peter: "Mahal kita,pananagutan ko ang batang iyan"
Isabel: "pero pano si daddy? Tutol siya satin"
Nagbunga ang pagmamahalan ni Peter at Isabel ngunit tutol sa kanilang pagmamahalan ang pamilya ni Isabel.
Si Isabel ay mula sa mayamang pamilya kabaliktaran naman nun si Peter. Kaya tutol na tutol sakanila ang pamilya nito.
Nagpunta sila sa Bicol at duon nanirahan ng tahimik. Tinakasan nila si Don Digo.
Pangalawa sa tatlong magkakapatid si Isabel. At siya ang paborito ng kanyang amain na si Don Digo isa sa pinakamayamang negosyante ng Bansa.
Patulo'y naman ang paghahanap ni Don Digo sa kanyang anak.
Sa Bicol narin ipinanganak si Kate. ang panganay na anak ni Isabel at Peter.
2taon na sa Bicol ang mag-asawa ngunit wala paring permanenteng trabaho si Peter at Isabel . tanging pangangalakal na lang ang kanilang ikinabubuhay.
Isang linggo bago ang ika-2 kaarawan ni kate ipinanganak ang kanyang kapatid na si Mica.
Hirap na hirap na sa buhay ang dalawa naubos narin kasi ang naitatagong pera ni Isabel maging mga mamahalin niyang alahas ay ubos narin.
"Nais kong lumuwas ng Maynila upang maghanap ng mahihingan ng tulong" wika ni Isabel sa asawa.
Ngunit tutol dito si Peter dahil bukod sa delikado iniisip niya rin na dapat siya ang maghanap ng trabaho para sa kanyang pamilya ngunit wala siyang magawa. Highschool lang ang natapos niya at wala siyang makitang trabaho sa Bicol.
Hanggang sa mapag kasunduan din ng dalawa na aalis si Isabel upang makapaghanap ng trabaho at may makain silang mag anak.
Naiwan kay Peter ang dalawa nitong anak.
"Alagaan mo sila ipangako mong hindi mo sila pababayaan"
"Pangako, basta ipangako mo ring babalik ka."
Hinalikan ni Peter ang asawa sa labi at sabay nagyakap.kasabay nito ang pagluha ng dalawa.
"Paalam"
"Paalam" iyan ang huling salitang narinig ni Peter sa asawa.
Lumipas ang tatlong linggo.................
Hindi parin nag paparamdam si Isabel.
Kapitbahay 1: "hindi na babalik yon,malamang may iba ng lalaki yon hahahaha"
Kapitbahay 2: "o kaya naman kinuha na ng ama para ilayo sa impyernong buhay nila dito sa Bicol hahaha"
Sabay na nagtatawanan ang dalawa na tila ba nang-iinis .
"Magsitigil nga kayo mga tsismosa!"
Kapitbahay 2: "o e bakit? Totoo naman a ?
Nagpatuloy sila sa pagtatawanan.
Pumasok nalang si Peter sa loob ng kanyang bahay bitbit ang sanggol na si Mica.
Lumipas ang tatlong buwan............
Hanggang ngayon wala padin silang nababalitaan tungkol kay Isabel.
"Mukang hindi na tayo babalikan ng mama nyo"
Malungkot na sabi ni Peter sa mga walang muwang niyang mga anak.
"ISABEL"---------------------------------------------
"Ama hayaan mo na akong makabalik sa pamilya ko!."
Pagmamakaawa ni Isabel at siya'y lumuhod pa sa ama.
"Tatlong buwan na ng hindi ko sila nakikita sabe mo'y tutulungan moko?"
"Oo tutulungan kita . Tutulungan kita na lumayo sa lalaking iyon".
"Sinungaling ka!."
"Ihanda mo ang gamit mo magpupunta tayo sa Amerika!"
Walang nagawa si Isabel kundi sundin ang ama dahil nagbanta ito na papatayin ang kanyang mag -ama kung hindi sila susunod dito..
At ng makarating sila sa Amerika mayroong tinawagan si Don Digo sa kanilang telepeno.
"Don Digo ano? Itutuloy ko na ba ang plano?"
"Oo,siguraduhin mong magiging malamig na bangkay si Peter at ang mga bata iwan mo sa kung saan mo gusto!"
"Masusunod!"
Sinunod ni Marco si Don Digo pinatay nga nito si Peter at ang mga bata ay iniwan ni Marco sa harap ng Mansion ng kapatid na panganay ni Isabel na si Alena .
*dingdong*
Agad na lumapit ang punong kasambahay na si Joana.
"Aruy jusko panginoon ko. Bakit may mga bata dito?"
Kinuha ni Joana ang magkapatid at dinala sa kaniyang silid.
"Jusko mga bata kanino kayo anak?"
Hindi nagsasalita ang 2 taong gulang na batang si Kate. Dahil sa trauma na inabot nito matapos masaksihan ang pagbaril sa kanyang ama.
"Joana! Joana!" -Alena
"Maam ano po iyon? "
Nakita ni Alena ang dalawang bata.
"Bakit may mga bata dito?"
"Maam mga anak ko po"
"Ngayon ko lang nalaman na may anak ka pala.!"
"Opo maam"
Inutusan ni Alena si Joana na akyatin ang anak niyang sanggol na si Filea dahil aalis siya kasama ang 10 taong gulang na panganay na anak na si Casandra.
Pagpasok ni Joana sa kwarto ni Filea nakita niyang nakabagsak sa sahig ang bata duguan ang ulo.
Sakto namang may nakalimutan si Alena sa kwarto at nakita niyang hawak ni Joana si Filea na duguan.
"FILEA!!!!!!!"
Pasigaw na pagtatangis ni Alena .
Buong akala niya ay pinatay ni Joana ang anak niya.
Kaya naman nag dilim ang paningin nito at itinulak si Joana sa mataas nilang hagdan.
Parehong dinala sa ospital si Filea at Joana . pareho ding pumanaw ang dalawa.
"Hayop ka Joana walang laban ang anak ko pero pinatay mo!!"
Patuloy ang pagluha ni Alena na may puot at galit sa kanyang puso.
Dumating din si Casandra at Pio sa ospital at niyakap ang isat isa.
At sobrang galit ang naramdaman ni Pio.
Dumating ding si Don Digo at ang asawa nitong si Dona Aba.
"sunugin ninyo ang bahay ni Joana!"
Buong galit na sinabe ni Don Digo. Inutusan niya ang mga tauhan niya.
Ganun ngat sinunog ng mga tauhan ni Don Digo ang tahanan ni Joana sa Probinsya.
Puno ng pagtatangis naman ang buong pamilya ni Joana ng malamang patay na si Joana.
At sinunog pa ang naipundar ni Joana sa halos 30 taong paninilbihan sa mga amo.
BINABASA MO ANG
Bad Princess "Ang Paghihiganti"
RandomStorya tungkol sa babaeng maghihiganti sa mga taong sakanya'y nang api. Hanggang saan hahantong ang kanyang paghihiganti? Mapagbabago kaya siya ng lalaking makikilala niya?. Sana po magustuhan niyo ang story na to feel free to comment and suggest p...