Pitong taon ang lumipas.................Hindi na umuwe ng Pilipinas si Gab at Kate nanatili sila doon sa loob ng pitong taon at magpasa hanggang ngayon ay matibay padin ang samahan ng dalawa.
Sa pitong taon nayun naaalala padin ni Kate ang sinapit nito sa kamay ng mga nang-api sakanya at ikinuwento niya na lahat ito kay Gab.
Wala ng sikreto si Kate na hindi alam ni Gab.
Ganun din si Gab kay Kate wala silang tinatagong sikreto sa isa't isa.
Ngunit may isang sikreto si Kate na hindi alam ni Gab.
Lubos ang pagmamahal ni Gab kay kate ngunit ganun din ba si Kate sakanya?
Nagkaroon ng kaibigan si Kate sa Peru at ito ay si Kath naging bestfriend niya ito ng 4 na taon sa PERU.
Si Kath ay isang Pilipino na duon na lumaki sa Peru ngunit mahusay padin ito sa pag tatagalog.
Nakilala niya ito sa isang mall kung saan naging maganda ang simula ng kanilang pagkikita.
Tapat ang dalawa sa isat isa at kay Kath nagsasabe ng saluobin itong si Kate.
"Kath, tama ba to na tumagal kami ng 7years tapos ni hindi ko siya minahal?"
"Alam mo gaga ka! Hindi mo pa siya mahal sa lagay na yun? Pano pa kaya kung mahal mo na siya edi Forever na yun?"
"Alam mo naman sino gusto ko diba si Mike!"
Palaging magkatawagan si Kate at Mike sa telepono at masaya si Kate sa tuwing kausap niya ito.
"Jusko sigurado tapos ka kay Gab niyan lalo pag nalaman niya"
"Alam na ni Gab pagkatao ko. Pero alam kong magagalit siya ! Pero ano magagawa ko kung mahal ko si Mike?"
"Bat di mo pa kasi siya hiwalayan?"
"Gaga ka ba? Magpapakasal na nga kami e. So pag nangyare yun yayaman na din ako tapos boom makakaganti na ako sa mga hayop na nang-api sa amin"
"Alam mo mala BAD PRINCESS na ang dating mo!"
"Well ginawa nila akong ganto kaya humanda sila!"
"Natatakot na ko sayo girl ha?"
Biglang dumating si Gab at ang isang kasama nito at agad na binaba ni Kate ang telepono.
"O Gab. Naayos mo na ba yung mga kailangan para sa kasal natin?"
"Oo naman ang gagawin mo lang ay maghintay at mamili ng kung anong bagay sa kasal natin."
Hinalikan ni Gab si Kate sa labi.
"Sino yang kasama mo?"
"A ito! Siya si Zach"
Zach: "hello ako si zach(nakipag kamay ito kay Kate at nakipag beso)"
"Kaibigan ko si Zach galing siyang Brazil dahil may inasikaso siya dun"
Napatitig nalang si Kate kay Zach.
Si Zach Ibarro ay mula sa mayamang pamilya half Brazillian half Pilipino siya.
Matikas ito at may makisig na pagmumuka. Mas makisig pa kaysa kay Gab , malaki ang kanyang pangangatawan at astig kung pumorma.
Mabait ito lalo sa mga babae.
Si Zach, lapitin siya ng babae . pero hindi pa daw kasi niya nakikita ang the one.Pero ang totoo di pa siya maka move on sa ex niya
"Ganun ba masaya ako at nakilala kita Zach"
"Ako din masaya. Maganda pala ang mapapangasawa ng kaibigan ko."
"Siyempre magaling ako pumili at ngapala zach ikaw ang best man ko sa kasal."
"Oo naman pare! Ikaw pa malakas ka sakin"
Inasikaso na nga nila ang kasalang Kate at Gab.
BINABASA MO ANG
Bad Princess "Ang Paghihiganti"
RandomStorya tungkol sa babaeng maghihiganti sa mga taong sakanya'y nang api. Hanggang saan hahantong ang kanyang paghihiganti? Mapagbabago kaya siya ng lalaking makikilala niya?. Sana po magustuhan niyo ang story na to feel free to comment and suggest p...