Nagpunta naman sina Albert at Kate sa simbahan."Anong pinagdarasal mo Kate?"
"Sana'y matahimik na ang kaluluwa ng yumao kong kapatid."
"Yumaong kapatid?"
"Oo, si Mica pinatay sya matapos gahasain."
Galit na galit ang pananalita ni Kate na tila gusto niyang patayin ang gumawa nito sa kapatid niya.
"Darating ang panahon, ako ang magbibigay hustisya sakanya.Humanda ang mga nang-api samin"
"Wag ka mag alala darating ang panahon ikaw naman ang nasa ibabaw" -Albert
"Salamat at naniniwala ka na kaya ko."
"Kate may tatanong ako sayo?"
"Ano yun?"
"Pano pag nagkasala ako sayo ng matindi? Paghihigantihan mo din ba ako?.
"Oo! Oo Albert sisiguraduhin kong gagapang ka sa hirap kapag ako ang naghiganti sayo!"
Nanginig sa takot si Albert na tila namutla at nahalata ito ni Kate.
"Bakit Albert gagawan mo ba ako ng kalokohan?"
"Syempre hindi ,mahal kita kaya diko magagawang lokohin ka."
"Ikaw naman biro lang naman yun siyempre mahal kita at mahal mo ako kaya alam kong di mo yun gagawin sakin."
Napalunok nalang si Albert at napangiti kay Kate
Sa Resort........................
Nasa likod ng puno si Kate at patagong pinagmamasdan si Albert.
Nais niyang gulatin ang kasintahan ngunit dumating si Jessa kaya hindi muna siya nagpakita.
Habang nakahiga si Albert sa isang duyan dumating naman si Jessa papalapit sa kanya.
"Kamusta mahal ko,nasabe mo na ba sa laspag na babaeng yon na hindi mo sya mahal at pinaglalaruan mo lang siya? Na ako talaga ang mahal mo at hindi siya?"
"Tumigil ka! Baka may makarinig sayo!"
Hindi inakala ni Kate na maririnig niya iyun.kaya patuloy ang pagpatak ng kanyang luha.
"Narinig ko ang lahat!" -Kate
Lumapit ito kay Albert at sinampal ito.
"Walang hiya ka!"
Pinaghahampas niya ang kasintahan.
Walang ginagawa si Albert kundi tanggapin ang galit ni Kate.
"Sorry"
"Sorry"
"Sorry patawarin mo ko."
Makailang ulit humingi ng tawad si Albert.
Habang patuloy padin sa paghampas at pag iyak si Kate .
Dumarating naman ang mommy ni Albert , si Dona Ida.
"Anong kaguluhan to!" -Dona Ida
"Tita! Kate is Fake isa siyang mahirap na naglayas lang sa pamilya niya." -Jessa
"Jessa stop!" -Albert
"That is true tita" -Jessa
"Oo! Oo mahirap ako ! At mga h*yop kayo !"
Sinabunutan ni Dona Ida si Kate.
Dona Ida: "Walang hiya ka! Ikaw pa ang malakas ang loob ang kapal ng mukha mo!"
Nagsabunutan ang dalawa sinusubukan naman silang pigilan ni Albert.
Nahirapan pigilan ito ni Albert dahil nakisali si Jessa sa pagsabunot kay Kate.
Dumating naman si Clea at tinulungan ang kaibigan.
Tumawag naman na ng mga guard si Albert .
At ng dumating na ang mga ito.
"Guard kaladkarin ang babaeng yan palabas ng resort na to!" -Jessa
"Wala akong ginagawa sayo Dona Ida! Pero niloko ako ng anak mo!."
"Ikaw ang manloloko sinabe mong anak ka ng isang mayaman!." -Dona Ida
Albert: "Tama na!. Kasalan ko ang lahat ng to.Kate sorry di kita minahal. Sorry mom kasi niloko ka namin ni Kate at pinalabas na mayaman sya."
Dona Ida: "no ! No Albert that woman ang dahilan ng lahat ng ito. Ilabas ng Resort ang dalawang babae na yan, wal silang ibang dadalin kundi ang sarili nila mga mapagbalat kayo!.
Jessa: "Now Guards oras na para hubaran ang dalawang yan.!"
Hinubaran na nga ng mga guard si Kate at Clea.
Walang nagawa ang dalawa pinalayas silang hubad.
Kate: "Pinapangako ko humanda kayo! Magbabalik ako ! Lintik lang ang walang ganti!."
Clea: "magbabayad kayo mga mayayamang sing sama ng muka ang mga ugali!"
Tuluyan na ngang nakalabas ng resort sina Kate at Clea.
Mabuti may nakita silang sampayan na puro damit .
May malapit kasing bahay sa resort.
Kaya madaling kumuha ang dalawa ng susuotin nila at dali daling nagtatakbo.
At sinuot nila ang mga damit na nakuha nila
Kate: "Humanda sila!"
"Hindi ka man lang tinulungan ni Albert." -Clea
"Dahil hindi niya ko mahal ! Hindi niya ako minahal!"
"Saglit kailangan nating humanap ng tindahan na mayroong telepono para makausap natin si Mike."
BINABASA MO ANG
Bad Princess "Ang Paghihiganti"
RandomStorya tungkol sa babaeng maghihiganti sa mga taong sakanya'y nang api. Hanggang saan hahantong ang kanyang paghihiganti? Mapagbabago kaya siya ng lalaking makikilala niya?. Sana po magustuhan niyo ang story na to feel free to comment and suggest p...