ANG PEKENG KATE

121 7 2
                                    


Nagpunta si Alena at Cleah sa Lugar kung nasaan si Isabel.

Sa lugar kung saan pinatira ni Casey si Isabel.

Habang nakatayo si Isabel malapit sa Pool ng Mansion ay biglang may darating

"Mam may bisita po kayo !" -Yaya

Paglingon ni Isabel ay nakita niya si Alena na kanyang kapatid at si Cleah.

"Isabel,Isabel kapatid ko"

Niyakap ni Alena si Isabel.

Ngunit inalis agad ito ni Isabel.

"Bakit nilihim mo sa akin na nasayo pala ang anak ko!"

"Isabel! Inutusan lang ako ni Papa!"

"Kapatid kita pero natiis mong hayaan na mawalay sakin ang mga anak ko!"

"Anak lang ako ni Papa kaya sumunod ako!"

"At ngayon dahil sayo! Dahil sayo hirap na hirap akong hanapin sila!"

"Wag ka mag alala kapatid ko. Nakita ko na si Kate na anak mo."

Biglang nabuhayan si Isabel sa narinig niya na sinabe ng kanyang kapatid

Nilapitan niya si Alena at hinawakan sa braso.

"Totoo ba? Totoo ba Alena?"

"Oo at kasama mo na siya ngayon."

Napatingin si Isabel kay Cleah.

"Mommy?"

Agad na niyakap ni Cleah si Isabel.

Nabigla din si Isabel sa pagyakap ng akala niyang anak niya talaga.

Niyakap niya na rin ito ng mahigpit at napaiyak pa sa tuwa.

"Anak ko! Kay tagal kitang hinanap at hinintay.!"

Hinawakan ni Isabel sa Pisngi si Cleah.

"Kate anak ko! Patawarin mo ako.patawarin mo ko dahil kailangan ko kayong iwan"

"Mommy tumingin ka sakin,wala kang kasalanan ,kasalanang lahat ito ni Don Digo kaya wag mong sisihin ang sarili mo"

Lumingon lingon naman si Isabel sa paligid.

"Sandali, bakit ikaw lang ang nandito ? Nasan ang kapatid mong si Mica?"

"Mommy matagal ng patay si Mica dahil noong sanggol pa lamang ito ay nagkasakit ito at di kinaya ng katawan niya"

Nabigla si Isabel sa sinabe ni Cleah na nagpapanggap na Kate .

Hindi niya akalaing patay na ang bunso niyang anak na si Mica.

"Hindi!"

Muli siyang niyakap ni Cleah at hinimas pa ang likod ni Isabel.

"Saglit paano ka nakita ni Alena? Sabe ni Castro nawala ka daw? Ibig sabihin nag sinungaling siya sa akin?"

"Ganun na nga mommy! Ang mahalaga nandito na ako."

"Babawi ako sa lahat ng pagkukulang ko sayo anak ko."

Habang nag uusap sila ay sumingit sa pag-uusap si Alena.

"Kailangan ko na umalis marami pa akong aasikasuhin."

Nilapitan ni Cleah si ALENA at binulungan niya ito .

"Wag ka mag-alala ako na ang kikilalaning Kate ".

Sabay ngiti nito bigla ng palihim at agad na lumapit kay Isabel at niyakap ito

Sa pag-alis ni Alena ay siya naman pagdating ni Casey.

"Isabel sino siya?"

"Siya ang anak ko si Kate"

"Ano? Pero papano?"

Hindi makapaniwala si Casey na nahanap na ng kaibigan ang nawawala nitong anak.

"Ikukuwento ko sayo ang lahat at magkukuwento din sa atin si Kate , halika sa loob"

Pumasok sa loob ang dali at duon ay nag usp usap.

Pawang kasinungalingan lahat ng ikinukuwento ni Cleah kay Isabel at Casey .

Paniwalag paniwala naman sa kwento ang dalawa.

Wala silang kaalam alam na pekeng Kate ang kanilang kaharap.

Bad Princess "Ang Paghihiganti"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon