PAALAM Part II

108 3 0
                                    


Dinala niya ang bangkay ni Zach sa isang beach ang beach nayon ang lugar kung saan pinatay niya ang mga nang api sakanya.

Habang nasa pampang si Kate at ang bangkay na si Zach kinakausap ito ni Kate. Habang tumutulo pa ang luha nito at yakap yakap ang bangkay ni Zach.

"Bakit mo ko iniwan? Bakit? Pinaasa mo lang ako. Ginawa mo kong tanga. Pero kahit ganun mahal padin kita. Ako padin ang pinakamaswerteng babae sa buong mundo.Tayo ang destiny kahit madaming naging hadlang. Mahal na mahal kita bebe ko.hahahahahahahaha"

Sabay tumawa ito ng pagka lakas lakas.

Wala na nga ito sa sarili.

Hinalik halikan niya si Zach at niyakap ng mahigpit.

"Sasama ako sayo! Sasama ako! At Hindi ako papayag na iiwan moko dito sa impyernong buhay ko! Mahal kita kaya walang iwanan papatunayan nating may forever! Sasamahan kita sa langit magpakailanman at duon walang mang gugulo sating mga demonyo sa paligid."

Tumitingin tingin pa ito sa paligid niya.hanggang sa

Hinatak ni Kate si Zach hanggang sa mapunta sila sa mismong dagat hinila niya ito papunta sa tubig.

Unti unting lumalalim ang nilalakaran nila.

Hanggang sa bitbit na ni Kate ang bangkay at unti unti naman silang napapalayo sa pampang

Patuloy padin sa paglakad si kate at unti unting lumalalim ang tubig hanggang sa lumubog na ang buo nilang katawan.

At tuluyang nalunod si Kate. Nabitawan niya si bangkay ni Zach.

Duon niya tinapos ang kanyang buhay .

Namatay siyang puno ng paghihirap at paghihinagpis.

.................................................................

Tatlong araw ang lumipas

Laman naman ng diyaryo ngayon ang pagkawala ni Kate at ng bangkay ni zach hanggang sa makarating ito kay ALING YAN na siyang katulong ni Kate noon sa paghihiganti.

Nagtago lang pala siya sa Bohol at dun nanirahan ng tahimik.

Napag isip isip niya at nakonsensya sya kaya nais niya ng sabihin sa mga pulis ang lahat. Hindi siya makatulog ng ayos sa mga pinag gagagawa nila ni Kate noon.nais niya nading malibing ng maayos ang mga bangkay na tinapon lamang sa bangin.

Nakita niya sa diyaryo na hinahanap ni Rein si Kate at si Zach.

At agad namang pinuntahan ni Aling Yan si Rein at binigay ang maaaring puntahan ni Kate.

Hanggang sa magkita na sila

"Mam Rein may alam po akong lugar kung saan matatagpuan si Kate at Zach."

"Saan?"

"Magsama po tayo ng mga pulis"

Sinamahan ni Aling Yan sina Rein,Onald,Migz,Migo at Daizel sa pagpunta sa Resort kung saan nila pinatay at tinago ang mga bangkay ng pinaghigantihan ni Kate noon.

Kasama din nila ang mga pulis.

At bumungad sakanila ang mabahong amoy. At tinuro agad ni Aling Yan ang bangin kung saan tinapon ang mga bangkay.

Nakita nga nila na napakaraming mga bangkay sa bangin at napakabaho pa.

Nandun ang bangkay nina Castro, Alena, Pio at ng napakarami pang iba.

Habang naglalakad lakad naman si Rein at Migz ay may natanaw silang bangkay na nasa pampang.

Tinawag nila ang iba pa at pagkita nila ay ang bangkay ni Zach at ilang hakbang lang mula kay Zach ay ang bangkay naman ni Kate na lobong lobo na ang tiyan.

Masuka suka naman sila sa nakita.

Ngunit di nila naiwasang maiyak sa mga nakita nila.

Hindi nila akalain na ganun ang dadatnan nila.

Naisip ni Rein na baka nagpakamatay si Kate at nagpakalunod dahil sa sinapit ni Zach.

Ayun din ang palagay ng mga kasama niya.

Bumalik na ng Mansion sila Rein at pinaubaya na sa mga pulis ang gagawin sa mga bangkay.


Bad Princess "Ang Paghihiganti"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon