PAGSILANG KAY DIANNE

112 5 2
                                    


Habang nakaupo sa sufa si Mica at Drek ay pinag uusapan nila si Kate.

"Ano kayang mga pinagdaan ng ate ko nung wala ako?"

"Siguro puro pasakit, hindi naman mababaliw yun kung hindi dahil sa depression"

"Tama ka. Pero bakit parang mahal naman siya ni Zach bakit naging ganun padin buhay niya?"

"Hindi bat nasabe ni Zach na may unang asawa yung ate mo?"

"Oo pero. Hay bahala na kakausapin ko nalang si ate kapag ayos na sya.

Sa Mental........................

Ilang buwan na ang lumipas at nakatakda ng manganak si Kate.

Mabuti at hindi nagwawala at walang sumpong ngayon si Kate at maayos siyang pinapaanak.

Nanduon naman si Mica at Zach.

Hindi nakasama si Drek dahil mayroon itong inasikaso.

At matagumpay na nailabas ang bata mabuti at malapit lang ang mental sa ospital kaya may doctor agad na nakadating upang paanakin si Kate.

Masaya namang nasaksihan ni Zach ang anak nila ni Kate.

Binihisan muna ang bata bago ipahawak kay Zach

At pinangalanan na niya ito.

Habang buhat buhat niya ito.

"Simula ngayon ikaw si DIANNE ang anak namin ni Kate. Maligayang pagdating sa mundo anak"

Masayang masaya si Zach at Mica ngunit habang masayang magkakadikit sina Mica,Zach at Dianne ay masama ang tingin ni Kate.

Ng bigla nalang ito nagwala at pinaghahampas si Zach at nagsisigaw.

Agad na nilayo ni Zach ang bata kay Kate.

"Papatayin ko kayo! Papatayin ko kayo! Mga hayop!"

Puro mura ang inabot nila kay Kate at tinurukan naman agad ito ng pampakalma.

Inuwi naman na ni Zach si Dianne sa Mansion nila.

At si Mica ay kasama niya muna sa pag aalaga kay BABY Dianne.

Sa Mansion...............

"Napaka gandang bata"

Daizel: "Sir kamukang kamuka ni Mam Kate ang anak niyo pero nakuha niya ang mata sayo."

Si Daizel na bagong kasambahay ni Kate ay kinuha ni Zach para maging katulong sa kaniyang Mansion.

At upang makatulong din niya sa pag aalaga kay Baby Dianne.

Mica: "Zach, pwede bang dito muna ko para mabantayan ko si Baby Kate?

"Oo naman gusto mo isama mo pa si Drek"

"Nagpaalam nako sakanya at pumayag naman siya, kaso di siya makakasama dito dahil pupunta siya sa ibang bansa at matagal pa bago siya bumalik ng Pinas"

"Ganun ba ? Sige dumito ka muna para lagi mo ding makita si Baby Dianne na sobrang cute at ganda"

Hinihimas himas ni Zach ang baby niya.

"Ang swerte ni Baby Dianne dahil nakasama niya ang daddy niya."

Bigla namang nalungkot si Mica.

"Wag kana malungkot Mica simula ngayon andito ako para sainyong tatlo nila Kate"

Napangiti naman si Mica.

Isang buwan na ang lumipas at icecelebrate nila ang 1st month ni Baby Dianne.

"Happy 1st month baby"

Pagbati ng lahat.

Nandun ang mga kaibigan ni Zach at Kate. Pati mga kasambahay at mga kapitbahay at ilang kamag anak ang dumalo sa isang buwan ni Baby Dianne.

Napakaraming pagkain.

Pagkatapos ng Party ay nagsiuwian na ang mga bisita at mga kasambahay na ang umayos ng lahat.

Pumasok na sa loob ng kwarto ni Baby Dianne si Zach at Mica.

Mica: "Napakasaya ng Party mo baby Dianne"

Zach: " haha at salamat sayo Mica"

Nagtitigan ang dalawa.

Bad Princess "Ang Paghihiganti"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon