Muling pinuntahan ni Kate si Zach sa Mansion nito at naabutan niya itong naliligo sa swimming pool.Naka trunks lamang ito at kitang kita ang malaki nitong pangangatawan.
Nakatitig lamang si Kate sakanya ng bigla ng mapalingon si Zach.
"Kate! Nandiyan ka pala?"
Parang medyo nataranta si Kate.
"A-a-a o-o! Kadarating ko lang".
"Halika"
Umahon si Zach sa Pool kaya mas lalong namangha si Kate sakanya.
"Halika maupo ka"
Umupo si Kate katabi ni Zach.
"Salamat pala at niligtas mo ko sa plano sakin ni Rein."
"Wala yun. May tatanung lang. Mahal mo paba yun?"
"Hindi, hindi ko na yon mahal.wala nako nararamdaman sakanya."
"Mabuti"
"Ha?"
"A wala wala"
Ngumiti lang si Zach at ganun nadin si Kate.
"May iba na kasi akong mahal."
"Ha? Sino?"
Tumingin si Zach kay Kate at kinindatan niya ito.
"Ikaw"
Namula naman ang pisngi ni Kate. At para siyang natulala sa sinabe ni Zach.
"Wala ka man lang sasabihin sakin?"
Nilapit din ni Kate ang muka niya at hinalikan niya si Zach.
"Gusto din kita"
"Talaga?"
Di din makapaniwala si Zach.
Niyakap nila ang isa't isa.
At napagdesisyunan nilang dalawa na sabay silang maligo sa pool.
Hinubad ni Kate ang Suot niyang dress hanggang sa Bikini at bra nalang ang suot niya.
Hinawakan naman ni Zach ang kamay niya at dinala siya sa tubig.
Nadulas si Kate pero nandun si Zach para saluhin siya, nagkatapatan ang kanilang muka at nag ngitian.
Kinikilig naman ang yaya ni Zach na nakatanaw lang sakanila mula sa malayo.
Nagkakatuwaan ang dalawa habang naliligo sila. Nandung naghabulan, nag yakapan, nag buhatan, nagpisikan at naghalikan.
Di maitatago ang pagmamahal nila sa isa't isa.
Sa Mansion ni Isabel..........
Isabel: "anak Kate,kamusta kana? Pasensya na kung lagi akong wala ha?busy kasi ako sa business natin."
Cleah: "ayos naman po ako mommy"
"Mabuti, ngapala gusto mo bang mamasyal tayo?"
"Ayoko mommy busy ako! Kasama ko ang mga friends ko this week may out of town kami."
"A sige anak, saka nalang tayo mamasyal"
"Titingnan ko kung may time ako."
"Anak?"
"Baket?"
"Alam kong malaki ang pagkukulang ko sayo bilang Ina, pero sana hayaan mo kong bumawi sayo"
"Mommy di na kailangan.ibigay mo lang lahat ng gusto ko ay masaya na ko. At dun palang bawing bawi kana."
"Hindi iyan ang gusto kong ibawi kundi ang pagmamahal ko sayo."
"Pagpapakita nayon na mahal moko. Kailangan ko na umalis"
Umalis si Cleah at nagpunta ito sa mga kaibigan niya.
Nilapitan naman ni Tania si Isabel.
Si Tania ay pinsan ni Isabel na nakakita ng maling pagkilos ni Cleah.
"Insan, alam mo ang layo ng ugali niya sayo."
"Oo alam ko. At kasalanan ko yun dahil hindi ko siya nagabayan habang lumalaki sya"
"So yung nagpalaki sakanya hindi mabuti? Kaya nahawa siya dun?".
"Hindi, wala siyang kinilalang ina kundi si Pia na napatay ni Alena.kinuwento yun sakin ni Alena at Kate. Puno ng paghihirap ang dinanas ng anak ko dahil siya lang mag isa ang tumayo sa sarili niyang paa."
"Kaawa awang Kate"
"Kaya babawi ako sakanya, susundan ko siya sa bahay ng kaibigan niya. Alam kong dun siya pupunta."
"Aano ka naman dun?"
"Sasabihin kong sakanya aalis kami ng Bansa upang magbakasyon, siguradong matutuwa yon."
"Tama yan Isabel kailangan kayo lang dalawa ang mag bonding"
Nagbihis muna si Isabel at pagkatapos ay
Pinuntahan nito si Cleah sa kaibigan nito upang sunduin.
BINABASA MO ANG
Bad Princess "Ang Paghihiganti"
RandomStorya tungkol sa babaeng maghihiganti sa mga taong sakanya'y nang api. Hanggang saan hahantong ang kanyang paghihiganti? Mapagbabago kaya siya ng lalaking makikilala niya?. Sana po magustuhan niyo ang story na to feel free to comment and suggest p...