KATE ❤ ZACH

113 7 2
                                    


Nagkita na sa mall si Kate at Zach at nagulat si Zach dahil yumakap sakanya ang kaibigan habang umiiyak.

Mahigpit na yakap habang humahagulgol ito.

"Anong nangyare? Kate anong nangyare?"

Tiningnan niya si Zach.

"Patay na si Mike, yung kaibigan ko simula bata pa ko.wala na siya. Wala na siya Zach"

Sa pagkakataong ito si Zach naman ang yumakap kay Kate.

"Wag ka ng malungkot andito lang ako. Andito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan"

Inaya naman ni Zach si Kate sa Mansion nila upang duon ay makapag-usap sila ng maayos.

Pinagtitinginan kasi sila sa Mall dahil sa umiiyak si Kate.

Habang nasa Kotse medyo nahimasmasan na si Kate at nahinto na sa pag iyak ngunit ramdam padin ni Zach na sobrang lungkot at pagdadalamhati ang nararamdaman ngayon ni Kate.

"Kate, (inabot ni Zach ang panyo)."

"Salamat"

Natahimik sila saglit habang nagmamaneho si Zach ngunit maya maya ay mayroong tinanong si Kate.

"Zach, bakit ganun. Bakit lahat nalang ng paghihirap naranasan ko na? Bakit kailangan ako laging namamatayan? Una si Tatay Peter, pangalawa si Mica, tapos si Gab , ngayon naman si Mike?"

"Kate, ganyan talaga ang buhay. Hindi natin alam kung kelan babawiin satin yung buhay natin,siguro oras na nila."

Nasa isip ni Kate ay kung sasabihin ba niya kay Zach ang kasamaang ginagawa niya sa mga paghihigantihan niya.

Ngunit pumasok sa isip niya na huwag nalang ito sabihin dahil baka mapahamak lamang ito kung idadamay niya pa sa kalokohan niya.

"Salamat Zach ha! Dahil nandito ka para damayan ako."

"Wala yun. Kaibigan mo ko kaya tutulungan kita sa mga problema mo."

At nakarating na ng Mansion ang dalawa.

Nagpakuha ng miryenda si Zach sa katulong nila.

At nakaupo naman sila sa lamesa sa tabi ng garden ng Mansion.

"Napakaganda naman dito."

"Si mommy ang mahilig mag plant diyan sa Garden siya ang mahilig magpaayos ng mga bulaklak diyan. Pero nasa ibang bansa siya ngayon."

"Alam mo sana kasing ganda ng bulaklak nayan yung buhay ko. Pero hindi, dahil para kong damo na tinatapak tapakan at pilit na nilalayo sa magagandang bulaklak. At ngayon isa akong damo na dapat ng bunutin"

Lumapit ng bahagya si Zach sakanya at hinimas himas ang likod ni Kate habang tumutulo ang luha ng kaibigan.

"Para sa akin , isa kang Paru-paru! Para kang uod na puno ng paghihirap sa umpisa ngunit dumating ang araw na maglalabas ka ng isang magandang pakpak.Magiging matayog ang iyong paglipad. At magiging sing ganda mo ang mga Paru Paru."

Napangiti si Kate sa sinabe ng kaibigan.

Dumating naman na ang miryenda nila at sabay silang kumain.

Pagkatapos kumain ay nagkwentuhan muna ang dalawa.

At hanggang sa napag isipan na ni Kate na kailangan na niya umalis.

"Mauuna na ko Zach,marami pa akong aayusin."

"Sige, ihahatid na kita at minsan dadalaw ako sa Mansion mo"

"Mansion namin ni Gab. Pero wag mo na ako ihatid at nandiyan naman yung Driver ko pinasunod ko siya satin. At wag ka ng dumalaw sa Mansion siguradong panay akong wala duon, hayaan mong ako nalang ang dumalaw sayo dito."

"Sigurado ka?"

"Oo sige mauna nako."

Umalis na si Kate ng Mansion .

Naiwan naman ni Kate si Zach na nakangiti habang nakatitig sa kaibigan.

Bigla namang ginulat si Zach ng kanyang kasambahay.

"Siiiiiiiir!"

"Uyyy nakakagulat ka naman manang"

"Ipagpaumanhin mo sir, pero matanong lang sir mahal mo ba yang si Kate"

"Pano mo naman yan nasabe?"

"Iba kasi ang titigan niyo sa isat isa. Parang may bituing kumikislap pag nagtatama yung mga mata niyo?"

Tumayo si Zach sa pagkakaupo at umiling iling at hindi na pinansin ang sinasabe ni Manang at pumasok sa loob.

Napangiti naman ang kasambahay niya sa kilig.

Bad Princess "Ang Paghihiganti"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon