Dali daling tumakbo si Mike para puntahan ang nabanggang kaibigan.Nakahilata si Kate sa daan habang pinagtitinginan siya ng mga tao sa kanyang paligid.
Sa Ospital.......................
"Kamusta po siya Doc?"
"Mabuti naman hindi naman masyadong malala ang nangyare sa kanya."
"Salamat naman sa Diyos"
Nakahinga ng maluwag si Mike matapos malaman na ligtas si Kate.
Sa kwarto ni Kate..............................
"Mike salamat."
Nanghihinang sinabe ni Kate sa kaibigan.
"Wala yun kaibigan kita."
"Hindi ko alam bakit ko dinadanas lahat ng to ,Bakit puro nalang hirap?".
"Manalig ka lang dika pababayaan ng Diyos."
"Salamat at andiyan ka at sa wakas malayo na ko sa pagpapahirap nila sa akin."
masaya si Kate na malayo na siya sa mga nang api sakanya .
Pero sinumpa niyang babalikan niya ang mga ito.
Lalo't sila ang dahilan ng pagkamatay ng kaniyang kapatid.
"Wala akong matitirhan."
"Isasama kita sa Probinsya sa Bataan"
"Ganun ba may pamilya kaba duon mike?"
"Oo, kaso 10 taon narin ng hindi ako nakakauwi dun kaya sumama ka sa akin at dun tayo pupunta."
"Salamat sayo."
Sa Terminal............................................
"Totoo naba to?. Makakalayo na ako sakanila?."
"Oo totoo ito,magbabago na ang buhay mo"
"Sana nga, ito ang pangarap namin ng kapatid ko."
Hinawakan ni Mike ang kamay ni Kate at nginitian ang kaibigan.
Inalis din naman agad ni kate ang paghahawakan nila ni Mike.
Ikinuwento ni Kate kay Mike ang nangyare sa kanya sa kamay ng kaibigan ni Alena na si Castro.
Awa at galit din ang naramdaman ni Mike para sa kaibigan .
Mayaman ang pamilya ni Alena, Castro at Joe kaya hindi niya pa ito mapa pulis sa ngayon.
"Magpapayaman ako ,kaya humanda sila sa akin" - may galit na sabi ni Kate kay Mike.
"Basta nandito lang ako. Kaya pala inalis mo agad ang kamay mo. Dahil pala sa sinapit mo kay Castro."
"Kaya pagpasensyahan mo na ako kung medyo mailap ako ngayon lalo sa lalake"
"Naiintindihn ko" -tugon ni Mike.
Bataan..........................................................
"Mike ikaw pala hindi na kita makilala"
Dali daling niyakap ng mga kamag anak nila si Mike.
At nagtaka ang mga ito dahil nakita nila na may kasama si Mike.
Wala naman kasi silang balita na may asawa na ang binata.
"Kaibigan ko nga pala si kate."
"Mukang laspag na ang babaeng iyan" -pabulong na sabe ng pinsan ni Mike na si Dianne.
"Halika at pumasok na tayo sa loob"
Masayang sabe ng tiyahin ni Mike na si Berta.
Pumasok na nga ang dalawa sa loob.
Ng biglang.
*Kring *kring *kring *kring
"Hello sino to?" -Mike
"Mike nasan ka? Kailangan ka ng nanay mo dito." -Kasambahay sa mansion ni Alena.
"Po?. Anong nangyare sa nanay ko?."
"naksidente ang nanay mo!"
"Pero????! Pano?!??. sige sandali pupunta na ako diyan."
Binaba na niya ang telepeno at dali daling kinausap si Kate.
"Kate kailangan ko na bumalik sa Mansion".
"Maiwan nalang ako dito,puntahan mo na ang nanay mo."
"Sigurado ka?."
"Oo"
Umalis na din agad si Mike matapos ibilin si Kate sa kanyang mga kamag anak.
At naiwan nga si kate sa Bataan.
"Wag po kayo mag alala tutulong po ako sa gawaing bahay ,marunong po ako sa lahat ng gawain."
"Abay dapat lang palamunin ka namin dito kaya dapat lang na pagsilbihan mo kami."
Pataray na sabe ni Dianne.
"Siguraduhin mo na malinis ang banyo,kusina, o para mas madali sayo buong bahay ang linisin mo pati labas ! Naiintindihan mo?" -Berta
Pagkatapos ay binato ni Berta ang Damit niyang marumi at pinalalabhan kay Kate.
"Labhan mo ito ngayon na! At pagkatapos isisin mo ang inidoro!"
Isang linggo na ang lumipas ng matira si Kate sa Bataan.
At isang linggo narin siyang inaalipin ng pamilya ni Mike.
At sa kabilang banda masaya siya dahil tumawag sa kanya si Mike.
*kring *kring
"MIke?,mike kamusta ang nanay mo?"
"Hindi maganda. Nasa ospital padin siya . hindi padin siya nagigising hanggang ngayon."
Malungkot nitong sabi kay Kate.
"A ganun ba?. Huwag ka mag alala hindi siya papabayaan ng Diyos. Ako lang naman ang pinapabayaan ng Diyos e."
"Huwag ka magsalita ng ganyan, ngapala mukang matatagalan pa bago ako makabalik diyan. Ayos kalang ba diyan"
Napatingin naman bigla si Kate kay Berta na nakikinig sa usapan nila at nilalakihan siya nito ng mata.
"Oo naman ayos naman ako".
"Pero bakit parang ang lungkot mo?"
"Nalulungkot lang ako sa nangyari sa nanay mo."
"A ganun ba sige ibababa ko na ang telepeno."
Pagkababa ng telepeno agad na sinabunutan ni Berta si Kate.
"At plano mo pang ilaglag kame?!"
"Hindi po parang awa mo napo nasasaktan ako."
"Mas matitindi pa ang sasapitin mo samin babae ka."
Napapangiwi na sa sakit si kate ng may biglang......
*kring *kring
"Hello sino to?" -Berta
Binitiwan na ni Berta ang buhok ni Kate.
"Si Clea po ito tita kaibigan po ni Mike. Uuwe po pala ako diyan sa susunod na araw."
"A ganun ba ikaw pala yan Clea matagal tagal nadin ng hindi kita nakita."
"Kaya nga po tita 10 taon din."
"Nako welcome na welcome ka dito."
"Salamat tita."
Ibinaba na niBerta ang telepeno.
"Bakit kay Clea ang bait mo?" -kate
"Bakit nakekeelam ka? E sa nabwibwisit ako sayo e ha? Lumayas ka nga sa harap ko at maglinis ka ng bahay"
Dali daling naglinis si Kate .
BINABASA MO ANG
Bad Princess "Ang Paghihiganti"
SonstigesStorya tungkol sa babaeng maghihiganti sa mga taong sakanya'y nang api. Hanggang saan hahantong ang kanyang paghihiganti? Mapagbabago kaya siya ng lalaking makikilala niya?. Sana po magustuhan niyo ang story na to feel free to comment and suggest p...