Habang nakahiga si Kate at Gab sa kama ay nag-uusap sila tungkol sa kasal.
Nakaakbay si Gab kay Kate habang nakayakap naman si Kate kay Gab.
Gab: "Sino ang mga papupuntahin mo sa kasal natin mula sa Pilipinas?"
Biglang nalungkot si Kate.
"Si Mike at Cleah lang naman ang mga kaibigang meron ako sa Pilipinas, Wala man akong pamilya alam mo yun"
"Sorry kung natanong ko pa ,Parehas naman tayong walang pamilya e ang bawat isa lang ang meron tayo"
Dinikit ni Gab ang mukha nya kay Kate.
"At itong tandaan mo,hindi hindi kita iiwan at pababayaan sisiguraduhin kong ligtas at magiging masaya ka kapag ako kasama mo."
"Salamat Gab! Kung alam mo lang kung gano ako kasaya na ikaw mapapangasawa ko."
"Mas maswerte ako sayo. Mahal na Mahal kita"
Ngumiti lang si kate at hinalikan niya si Gab ,hindi man lang siya nag i love you too .
Niyakap nalang ni Gab si Kate at hinalikan sa ulo.
Magkasamang natulog ang dalawa.
Sa Mansion ni Isabel.............................
Habang kasama ng nagpapanggap na Kate ang mga kaibigan niya sa Pool sa harap ng Mansion pinaghahanda naman sila ng pagkain ng maid nila.
Cleah: "Matagal pa ba yan Yaya?"
"Mam Kate eto na po"
Naglalakad na papunta sa amo ang maid nila bitbit ang miryendang pinahanda ni Cleah.
Samantala pinapanuod naman sila ni Tania malayo sa pwesto nila Cleah.at hindi siya nakikita ng mga ito habang pinagpapasdan niya ang magkakaibigan.
Si Tania ay Pinsan ni Isabel.
Binaba na ng Maid ang miryenda sa lamesa.
"Hey you!"
Dire diretso lang ang Maid palayo kay Cleah.
"Hoy!(binato ng tinapay ang maid) Hindi bat tinatawag kita?"
"Sorry po mam hindi ko po kayo narinig"
"Ano ka tanga? O tanga tanga?"
"Pasensya napo"
Sinabunutan ni Cleah ang Maid nila.
"Stop it my Friend"
Sinubukang pigilan ng mga kaibigan ni Cleah siya ngunit hindi nagpapigil si Cleah.
Nabigla naman si Tania sa nakita niyang pag-asta ng kinikilala nilang Kate.
"Eto ang tatandaan mo yaya ka lang dito!"
"Opo mam"
"Lumayas ka na nga sa harap ko"
Tinulak ni Cleah ang Maid at halos madapa dapa ang katulong.
"Ang bad mo ha friend"
"Alam mo Mikee ganyan talaga pag maganda at mayaman! Lahat nagagawa! Diba girls?"
Nag-agree naman ang dalawa pa nilang kasama.
Gie: "Oo naman and alam mo Mikee as part ka na ng Group namin dapat hindi ka naaawa sa mga katulad nilang Poor."
Aina: "tama si Gie"
Mabait si Mikee naiimpluwensyahan lamang siya ng mga kaibigan niya.
Wala namang magawa si Mikee kundi makisama sa mga ito dahil kung hindi siya ang pagtritripan ng magtrotropa.
Kaya mas pinili niyang makisama sa mga ito.
"Girl halika uminom kayo ng juice"
Pag aaya ni Cleah sa mga kaibigan.
Samantala umalis na si Tania sa pwesto niya at dali dali siyang pumunta kay Isabel .
Nais niya kasi itong makausap.
Hindi niya lubos akalain na ganon ang pag uugali ni Kate na anak ni Isabel dahil sa bait ng kanyang ina ay hindi niya man lang ito namana.
Mabuting tao si Isabel maging mga katulong ay ginagalang at nirerespeto nito kaya ganun na lang ang pagtataka ni Tania.
Close si Tania at Isabel nung hindi pa nakikilala ni Isabel si Peter na kanyang asawa.
Bago pa nagka asawa si Isabel madalas silang magkasama.
Madalas sila kumain sa labas at mamasyal kasama ang mga kaibigan.
BINABASA MO ANG
Bad Princess "Ang Paghihiganti"
RandomStorya tungkol sa babaeng maghihiganti sa mga taong sakanya'y nang api. Hanggang saan hahantong ang kanyang paghihiganti? Mapagbabago kaya siya ng lalaking makikilala niya?. Sana po magustuhan niyo ang story na to feel free to comment and suggest p...