BUONG PAMILYA

114 5 1
                                    


Agad na nagbakasyon sina Kate,Zach,Dianne at Daizel.

Sa Beach nagbakasyon ang mag-anak kasama ang kasambahay nilang si Daizel.

Nakapakaganda ng Beach na napuntahan nila napaka asul ng karagatan at maputi ang buhangin, malamig ang simoy ng hangin at humuhuni ang mga ibon, may mga naglalakihang mga puno.

Gumawa ng tent si Zach at duon nila balak mag overnight.

Si Daizel naman ay abala sa pag aayos ng gamit at paghahanda ng pagkain.

Nakahiga naman sa buhanginan si Zach at Kate. At nakapatong ang ulo ni Kate sa braso ni Zach.

Si Dianne naman ay naglalaro lamang ng lupa malapit sa tabi nila.

Pinagmamasdan nila ang langit at dinadama ang simoy ng hangin at ang alon ng dagat ay pinapakinggan nila.

Ito na yata ang pinakamagandang araw ni Kate sa buong buhay nya na puno ng paghihirap at pasakit.

Nandung nagkukulusan silang mag anak at nagkakasiyahan nakikitawa naman si Daizel habang nag aayos ito ng gamit.

Medyo naiinggit ito sa nakikita pera masaya naman ito dahil nakikita niyang masaya ang kanyang mga amo.

Napakabuting bata ni Dianne at masyahin pa ito palagi niyang pinapatawa ang ama at si Kate.

Lumapit si Dianne kay Kate

"Mommy"

At niyakap ni Dianne ang mommy nya at labis naman iyong kinatuwa ni Kate lalot alam niyang tanggap siya ng kanyang anak kahit 2 taon itong di siya nakasama.

Niyakap naman ni Zach si Kate.

"Mahal, simula sa araw na to .puro masasayang memories ang gagawin natin"

"Oo mahal, hindi nadin ako magpapadala sa galit"

Daizel: "naku sir mom magsikain na tayo bago pa tayo langgamin dito"

Pagbibiro nito sa mga amo niya.

Masaya silang nagkainan ng biglang may dumating.

"Zach"

Pagtingin ni Zach ay nakita niya si Rein.

"Anong ginagawa mo dito? Pwede ba tigilan mo na ako at lumayo kana? Wag mo ng sirain ang buhay ko! Humanap kana ng taong para talaga sayo."

"Ang dami mo naman sinabe hindi naman kita guguluhin, nagkataon lang na natanaw kita mula sa malayo."

Kate: "Rein pls umalis kana ayaw namin ng gulo."

"Kate nabalitaan ko nga na magaling ka na pala. Mabuti yan para sayo sa anak mo."

Zach: "salamat sa concern mo Rein makakaalis kana"

"Nandito ko para makipag ayos at hindi para makipag away o mang agaw. Sa totoo nga kasama ko yung boyfriend ko. Gusto ko siya ipakilala sayo Zach"

Lumapit ang boyfriend ni Rein na kasing kisig ni Zach. Malaki din ang pangangatawan nito.

"Si Onald nga pala boyfriend ko"

Nangiti naman si Zach at nakipagkamay pa nga ito sa bagong boyfriend ni Rein.

"Zach sorry sa mga kasalanan ko. Nakapag move on nako satin. And ready nako mag move forward sa relation namin ni Onald."

"Maging maganda sana pagsasama niyo." Wika naman ni Zach.

Umalis na agad si Rein at Onald at nagpunta na sa Tent nila medyo malayo iyon sa pwesto nila Zach.

Natanaw lang nila ang mga ito dahil naglalakad lakad silang dalawa.

"Buti naman nakapag move on na si Rein" sabi ni Kate kay Zach

"Buti narealize niya na hindi kami para sa isat isa. Dahil ikaw at ako ang para sa isat isa."

Hinalikan ni Zach si Kate sa labi.

"Yiiiiij mam Sir ang sweet"

Umextra na naman si Daizel.

"Sir mam magpakasal na kayo!"

Nagtinginan si Zach at kate.

Zach: "Hindi pako ready"

Pagsisinungaling ni Zach dahil tumalikod ito at sabay kinindatan si Daizel.

May pinaplano kasi si Zach para mag propose kay Kate.

Bad Princess "Ang Paghihiganti"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon