May roong isang masamang balita ang bubungad kay Gab sa kanyang pagbabalik sa kanilang Mansion.
At si Para pa mismo ang magbabalita nito sa kanya.
Ngunit bago niya malaman ang lahat ay kinausap muna nito si Kate at humingi siya ng tawad sa nangyari sa kanila ni Jessa .
"Kate sorry kung nag pang abot pa kayo ni Jessa ng dahil sa akin".
"Wala kang kasalanan."
Akmang aalis na si Kate at ng bigla siyang pinigilan ni Gab.
Kinuha ang kanyang kamay
At sa pagharap ni Kate.
"Sino si Jessa sa buhay mo at sino ang lalaking pinag-awayan nyo?"
"Wag na natin siyang pag-usapan"
"Pero gusto ko malaman"
Biglang sumingit sa usapan si Para.
"Sir ! Sir! Si Mam po tumatawag"
Inabot ni Para ang telepono kay Gab.
"Hello mommy?"
"Ikaw na si Gab? Anak ni Doña Lira?"
"Ako nga? Nasaan ang mommy ko?"
"Masamang balita. Wala na siya ! Patay na ang mommy mo"
Biglang natulala si Gab at may pumatak agad na luha sa kanyang mga mata.
"Hindi totoo yan! Hindi totoo!"
"Pinatay ang mommy mo. Ako ito si Iza kaibigan ng mommy mo."
"Tita Iza! Sabihin mong hindi totoo ang mga sinabe mo sakin?"
"Sorry Gab . wala na siya "
Parehas tumatangis ang dalawa habang nakatingin lang kay Gab sina Kate at Para at hindi nila ang pinag uusapan ni Gab at ng kausap nito.
Napasigaw ng malakas si Gab .
Pinagsusuntok nito ang pader.
"Mommy!"
Sigaw ni Gab.
Samantala hinihimas naman ni Kate ang likod ni Gab.
"Anong nangyare?"
"Patay na si mommy! Patay na siya!"
Nabigla si Para at Kate sa narinig.
At agad na niyakap ni Kate si Mike ng mahigpit habang patuloy ang pag iyak ni Gab.
"Nakikiramay ako. Sige lang at umiyak ka sa balikat ko."
"Salamat Kate ,Salamat"
Sa kwarto ni Gab.......
Nagbibihis si Gab ng pang-alis.
Sakto naman ang pagpasok ni Kate.
"Saan ka pupunta?"
"Wala! Dito ka lang!"
"Hindi! Sasama ako sayo."
"Hindi sabe!"
"Oo sabe, kaya halika na".
Wala naring nagawa si Gab at isinama narin niya si Kate sa kanyang Pag - alis.
Sumakay sila ng Kotse at nagpunta sa isang Bar at duon ay planong mag paka lasing si Gab.
"Aano tayo dito?"
"Obvious ba? Gusto kong kahit sandali makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko! Nais kong makalimutan ang paghihinagpis ko kahit sandali lang, kahit sandali lang."
Napatulo ang luha ni Gab sa sakit na nararamdaman niya.
Umupo na sila at umorder na ng alak.
Matatapang na inuming nakakalasing ang binili nila.
"Hindi ba matapang ito?"
"Wag ka ng uminom hayaan mo lang ako".
"Hindi talaga ako iinom at alam mo bang hindi yan sagot sa problema mo."
"Alam ko! Pero kahit papano makakalimot ako sa sakit."
Tinungga agad ni Gab ang alak .
Tinitingnan lang siya ni kate at minsan ay pinipigilan niya ito.
Marami na ang nainom ni Gab at halos hindi nanga ito makasalita ng maayos
"Bakit kailangang mamatay pa ang mommy ko? Kung kelan ipapakilala na kita sakanya(hinawakan ang mukha ni Kate) Bakit kelangan niya kong iwan?"
"Lasing ka na Gab umuwi na tayo?"
"Hindi! Uubusin ko pa to! kate ikaw iiwan mo din ba ako? Iiwan mo din ba ko gaya ng ginawa ng Mommy ko?
BINABASA MO ANG
Bad Princess "Ang Paghihiganti"
NezařaditelnéStorya tungkol sa babaeng maghihiganti sa mga taong sakanya'y nang api. Hanggang saan hahantong ang kanyang paghihiganti? Mapagbabago kaya siya ng lalaking makikilala niya?. Sana po magustuhan niyo ang story na to feel free to comment and suggest p...