ANG PAGBABALIK NG INA

142 8 1
                                    


Sa Amerika............

Isabel: "Sa wakas makakabalik na ko ng Pilipinas at mahahanap ko na ang pamilya ko.!"

Lira: "naku friend yung inutusan mo na hanapin ang anak mo sa Pilipinas ayun wala pading binabalita sayo."

Isabel: "kaya nga ako na mismo ang maghahanap sa pamilya ko!"

Lira: "pano kung malaman ito ng Papa mo?"

Isabel: "hindi niya malalaman, dahil ang alam niya sa Brazil ang punta ko."

Balak na nga umuwi ng Pilipinas ng tunay na ina ni Kate.

Mansion ni Don Digo....................

Sa mansion ni Digo dumiretso si Isabel at sinalubong siya ng kasambahay duon.

"Mam welcome back po. Ang tagal niyo pong nawala"

"Kaya nga at marami akong dapat itama"

Naghire agad si Isabel ng mga investigator para hanapin ang anak.

At sakto namang naghahanap ng trababo ang nautusan ni Don Digo na pumatay sa kanyang asawa.

"mam Isabel ? Ano po bang ipapa imbestiga nyo?"

"Hahanapin mo ang mag-ama ko"

Napaisip agad si Marco ang pumatay kay Peter na asawa ni Isabel at ang dahilan kung bakit nawala si Kate at Mica.

"Mam magkano ang ibabayad mo sa akin kung sakaling masabe ko sayo ang impormasyong alam ko."

"Ibig sabihin alam mo na kung nasan ang mag -ama ko?.magsalita ka!"

"Opo,kailangan ko ng pera! At kailangan bago ko masabe sayo ang lahat ng nalalaman ko ay paaalisin mo ako sa bansang ito dalhin mo ako sa malayo. Malayo sayo at lalo kay Don Digo."

"At anong kinalaman ni Papa dito?"

"Kailangan muna natin magkalinawan."

"Sige dadalhin kita sa ibang bansa at bibigyan kita ng 10 Milliong piso sabihin mo lang sakin kung nasan ang mag ama ko."

"Paano ako makakasigurado?"

"Mayroon akong isang salita"

"Diko mapanghahawakan ang salitang yan. Sa isang araw iwan mo ang pera sa lugar na itetext ko sayo .at duon ko sasabihin sayo kung nasan ang mag ama mo."

Nakipagkasundo nga si Isabel kay Marco.

Dumating ang araw na makikipagkita na si Isabel kay Marco at dala na nito ang pera.

Iniwan niya ang pera sa basurahan gaya ng napag-usapan nila ni Marco.

May tao ng kumuha ng pera at dinala sa sasakyan ni Marco at itoy umalis agad.

Ngunit nag iwan ito ng sulat kay Isabel . isang liham na naglalaman ng mga kaalaman ni Marco sa mag ama nito.

Liham ni Marco

"Isabel, gaya ng napag-usapan sasabihin ko sayo kung ano ang nangyari sa iyong mag-ama. Ikinalulungkot kong sabihin na patay na si Peter. Inutusan ako ng iyong ama na patayin ang buo mong mag-anak ngunit naawa ako sa mga bata kaya naman iniwan ko sila sa Mansion ng iyong kapatid na si Alena.
Hindi ko na alam ang kung anong nangyari sa iyong mga anak. Patawarin mo ako kung napatay ko ang iyong asawa nautusan lang ako ni Don Digo . ilang taon din akong nakokonsensya sa aking ginawa kaya patawarin mo ako"

Habang binabasa iyon ni Isabel tuloy tuloy ang pagtulo ng kanyang luha . at halong paghihinagpis at galit ang kanyang nararamdaman.

"Hayop ka papa!"

Umiiyak na sabe nito.

Patuloy ang kanyang pagdadalamhati.

Ngunit sa kabila nito may konti siyang galak dahil alam niya kung saan pupuntahan ang mga anak.

"Sandali bakit hindi sinabe sakin ni ate Alena na nasakanya ang mga anak ko. Gayung nagkita naman kami sa Amerika"

Dali daling tinawagan ni Isabe si Alena.

*kring kring*

*kring kring*

"Ate! Alam kong nasayo ang dalawa kong anak! Ilabas mo sila! Bakit mosila tinago sa akin! Magkasabwat kayo ni Papa!"

"Anong pinagsasasabe mo?!"

"Wag kana magkaila!"

Bad Princess "Ang Paghihiganti"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon