Nadala sa Ospital sina Zach,Migz at Migo.Si Migz at Migo ay kasalukuyang nagpapagaling.
Si Zach naman ay hindi parin gumigising hanggang ngayon.
Sa simbahan.............................
Maraming tao na ang nagtataka dahil hindi pa dumadating si Zach at ang best man nito. Gayung lagpas na sa oras.
Maya maya naman ay dumadating na ang bride . Habang nasa loob ng limusin ay kinakabahan itong bumaba . Pero inexpect niya na nandun na sa altar ang pinakamamahal nitong si Zach.
Pagbaba niya ng sasakyan ay naglakad papunta sa pinto ng simbahan.
Ngunit ang mga tao duon ay parang bubuyog na nag uusap.
Pinag uusapan nila na bakit nauna pa ang bride sa groom.
Kinausap naman ni Daizel si Kate.
"Mam nasan na si sir Zach?"
"Hindi ko alam. Hindi kami nag usap simula kahapon.bakit wala pa siya?"
Naiiyak iyak naman na si Kate ng mga oras nayun. Sinubukan nilang tawagan ang magkakaibigan ngunit walang sumasagot.
2 oras na naghihintay sina Kate ngunit wala pading dumadating na Zach sa Simbahan.
Kung ano ano na ang naiisip ni Kate
"Di kaya hindi pa niya kayang magpakasal? Baka di niya nako mahal? Baka may iba sya?"
'Daizel: " mam wag ka mag isip ng ganyan."
Sa Ospital..........................
2 oras na ang lumipas ngunit wala pading malay si Zach. Si Migz naman ay medyo naging maayos na at kinuha ang cellphone niya sa bulsa at tinawagan sina Kate.
Nakita niya na ang daming missed calls ni Kate sakanya.
*Kringgg kringgg*
Agad na sinagot ni Kate ang tawag.
"Migz nasan na kayo? Nasan na si Zach?"
"Kate sorry! Sorry pero nasa hospital kami ngayon. Nabangga kami kanina 2 hours ago. Andito kami sa st.joseph hospital "
Bigla namang tumulo ang luha ni Kate at nabigla sa sinabi ni Migz.
Hinimatay naman ito bigla.
Mabuti at sinapo siya ng mga tao sa paligid niya.
Sa Simbahan................
Pinapaypayan nila si Kate dahil hinimatay ito at hinilamusan pa ng tubig.
At ng mahimasmasan na ito ay agad na tumayo.
"Si Zach!si Zach! Daizel isama mo si Dianne pupunta tayo sa hospital sa st.joseph nandun si Zach"
Nagulat naman ang mga tao sa sinabe ni Kate.
Dali dali silang magpunta sa St.joseph hospital.
At pagpunta nila dun ay hinanap agad nila ang room ni Zach .
Si Migz pa lang ang ayos sa tatlo kaya sinalubong niya si Kate.
"Migz nasan si Zach! Kamusta siya?"
Mataranta taranta naman si Kate. Sa sobrang kaba ay di niya na alam gagawin niya.
Dinala na siya ni Migz sa pwesto ni Zach.
At humagulgol ng iyak si Kate at Dianne ng makita nila si Zach na puro sugat sa muka at itoy hindi pa gumigising.
Migz: " matindi ang bangga namin kaya lubos na matindi ang tama kay Zach. Si Migo din ay nagpapagaling pa. Pero si Migo nagising na kanina pero si Zach mula kanina hindi pa siya gumigising"
Mahigpit naman ang yakap ni Kate kay Zach.
"Zach gumising ka! Zach wag mo kaming iiwan ng anak mo. Mahal na mahal ka namin. Diba sabe mo magandang ala ala yung gagawin natin? Diba? Kaya gumising kana. Lumaban ka. Alam kong kayang kaya mo yan. Diba sabe mo matatag ako? Kaya gusto ko maging matatag kadin para samin ng anak mo."
"Daddy gising na"
Umiiyak naman din ang kaawa awang si Dianne.
Hinihimas naman ni Migz ang likod ni Kate.
Hindi umuwi ng Mansion si Kate at nagpakuha lang ng gamit kay Daizel.
BINABASA MO ANG
Bad Princess "Ang Paghihiganti"
De TodoStorya tungkol sa babaeng maghihiganti sa mga taong sakanya'y nang api. Hanggang saan hahantong ang kanyang paghihiganti? Mapagbabago kaya siya ng lalaking makikilala niya?. Sana po magustuhan niyo ang story na to feel free to comment and suggest p...