PAGDUKOT KAY JESSA

135 6 1
                                    


Iniwan ni Zach si Kate sa kwarto nito na nakatulog na sa kakaiyak.

Kinailangan niyang umalis dahil mayroong pa siyang aasikasuhin.

"Ikaw muna ang bahala sakanya Aling Yan. Babalik ako!"

"Sige sir ako na ang bahala"

Umalis si Zach at hinintay naman ni Aling Yan na magising si Kate.

At ng magising ito agad niyang hinanap si Zach.

"Nasan si Zach?"

"May kailangan daw siyang ayusin pero babalik din siya."

"Ganun ba"

"Mam Kate! Kailangan mo na parusahan si Jessa , Cleah at Don Digo."

"Maghintay ka lang Aling Yan dahil iisa isahin ko sila at mauuna si Jessa."

Nagbihis agad si Kate at dali daling pumunta sa bahay nila Jessa .

Isinama niya ang tatlong tauhan niya at si Aling Yan.

Nadatnan niyang nagkakasiyahan si Jessa at ang tropa nito.

"Mukang nagkakasiyahan kayo!"

Tumayo si Jessa at nakita niya si Kate.

"Kamusta na kabit ng dati kong boyfriend?"

"Baka nakakalimutan mong ako ang unang minahal ni Albert at hindi ikaw Kate!"

"At niloko ninyo akong dalawa kaya magbabayad kayo."

Pinakuha ni Kate ang tatlong magkakaibigan sa tatlo nitong tauha.

Tagi tagisa sila ng hawak at pinasunod sila ni Kate sakanya.

Ang bahay ni Jessa ay malapit sa isang ilog.

At duon nagpunta si Kate.

"Lunurin ang tatlong yan!wag iaahon ang ulo nila hanggang mayroon pa silang hininga!"

"Masusunod po mam!"

Inilublob sa ilog ang ulo ng tatlo at hindi ito inahon hanggang sa humihinga pa ang mga ito.

Ilang minuto ang lumipas ay binawian ng buhay ang tatlo.

Isinilid sila sa sako at nagpahukay si Kate ng malalim ba bangin at dun ilalagay ang bangkay ng tatlo.

Habang naghuhukay ang mga tauhan niya ay nauna na itong umalis kasama si Aling Yan.

"Tila matigas na ang puso mo mam Kate?"

"Sing tigas na ng bakal Aling Yan!"

"Kaya kailangan mo ng tapusin ang dapat mong tapusin para wala ka ng problema"

"Tama ka kaya wag ka mag-alala isusunod ko na si Cleah, isusunod ko na ang traydor kong kaibigan!"

"Ipaubaya mo siya sakin mam"

"Hindi Aling Yan! Ako ang bahala sa kakahinatnat niya at sisiguraduhin ko na ibibigay ko ang nararapat na parusa sa babaeng yan! Hahahahahah hahahahaha hahahaaha"

Tawa lang ito ng tawa na para bang nababaliw na ito.

Sa Mansion ni Kate...........

Kapitbahay 1: "aling yan! Diba nakakatakot yang amo mo ? "

Aling Yan: "ha? Bakit namn? At bakit mo yun nasabe?"

"Kasi nung isang araw nakita ko yan nagsasalita mag-isa! E wala naman siyang kausap? Tumatawa panga ng pagka lakas lakas. Natatakot na nga ako e. Tapos nung minsan pa ay nakita kong umiiyak naman siya!"

"Ganun ba? Wag mo nalang siyang pansinin."

Umalis na ang kapitbahag nilang kasambahay.

Samantala napag isip isp naman si Aling Yan.

At sinasabe niya ito sa isip niya

"Paano kung ako ang sunod na patayin ni mam Kate matapos niyang maghiganti? Kaya kailangan ko na lumayo! Kailangan ko na lumayo sa baliw kong amo!natatakot na ko sa pwede niyang gawin"

Habang mahimbing na natutulog si kate ay agad na nag empake ng gamit si Aling Yan at umalis ito ng walang paalam.

At walang nakaka alam kung saan ito nagpunta at kung sino ang kanyang pupuntaham.

Nagising nalang bigla si Kate na wala na si Aling Yan at ang mga gamit niyo ay wala nadin sa mga lalagyan niya.

Sinubukang hanapin ni Kate si Aling Yan pero di niya na ito nakita.

"Denand hanapin mo si Aling Yan!"

Si Denand ay tauhan ni Kate at ito ang pinaka boss sa mga tauhan ni Kate.

Denand: "opo mam , ako na ang bahalang humanap sakanya."

Bad Princess "Ang Paghihiganti"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon