Dumilim na ang paligid sa beach at mahimbing din ang pagtulog ni Kate.Katabi niyang nakahiga si Dianne at Zach sa Tent si Daizel naman ay nakahiga na sa buhanginan.
Ginising ni Zach si Daizel.
"Daizel tulog na si Kate halika na"
Agad namang tumayo si Daizel at kinuha ang mga gamit nilang gagamitin.
Inayos na nila ang mga dekorasyon at kung ano ano pang abubot.
Inumaga na nga sila sa pag aayos ng surpresa nila kay kate.
At ng matapos nila ay kinuha ni Zach si Dianne ng dahan dahan upang hindi magising si Kate.
Umalis na sila at nagpunta sa dulo ng ginawa nila.
Maliwanag na sa paligid ng Beach.
Inunat ni Kate ang kamay niya at sakanyang pagdilat ay napakatahimik at wala ng tao sa paligid.
Paglabas niya ng tent ay nakita niya ang mga masusurang bulaklak na nakahalera palayo sa tent. Pinulot niya ito isa isa.
Dire diretso lang si Kate hanggang sa may dead end at may isang sobreng nakalapag sa buhanginan.
Nakakuha naman ng 50 na masusurang bulaklak si Kate sa pagpulot niya sa daan.
Binasa niya ang sulat.
"Napaka dami mong napagdaanan. Napakadaming paghihirap ang iyong naranasan pero nandito ka padin at nabubuhay ng matatag at buong tapang na hinaharap ang anumang pagsubok na iyong maranasan. May mga kaibigan kang naging kaaway, may pamilya kang sayo'y nawalay. May mga taong nawawala sa iyong buhay ngunit may mga taong dumarating upang punuan ang iyong pangangailangan.Ikaw na ang pinaka matapang na babae na nakilala ko. Naranasan mo na ata lahat ng hirap
. naging isang katulong,laging sinasaktan at pinapahirapan, napagsamantalahan,namatayan ng napakaraming mahal sa buhay,nawalan ng kaibigan,tinraydor,nabaliw at kung ano ano pa. Humahanga ako sa pagiging matatag mo dahil sa kabila nun hindi mo iniisip na bawian ang iyong buhay.napakatatag mo para harapin ang pagsubok nayon. Mahal na mahal kita hindi dahil naging matatag ka hindi dahil matapang ka hindi dahil maganda ka hindi dahil sexy ka hindi dahil mayaman ka. Minahal kita dahil ikaw si Kate.minahal kita dahil ikaw ang tinitibok ng puso ko at Mamahalin kita maging sino kaman o maging ano kaman. Bubuo tayo ng napakasayang pamilya,malayo sa anumang naranasan mo noon. Papalitan natin ng saya ang malungkot mong mga ala ala. Magiging masaya ka sa piling ko at ni dianne at ng magiging mga anak pa natin. At parehas nating haharapin ang mga darating pang pagsubok. Sabay tayong mangangarap at sabay din natin iyong aabutin. Masaya ako dahil ikaw ang napili ko at alam kong magiging masaya ako sayo. Sa anu mang pagsubok sama sama tayo at walang bibitiw satin."Matapos basahin ni Kate ay napaluha ito at may biglang lalaking lumapit sakanya.
"Mam panyo po.(iniabot ang panyo) halika po at sumakay tayo ng bangka may nag iintay sainyo sa kabilang isla."
Sumama si Kate sa lalaki dahil ang bangkang sinakyan nila ay mayroon ding mga bulaklak gaya ng mga hawak niya.
Ng nasa kalagitnaan na sila ng biyahe ay iniabot ng lalake ang pangalawang sulat.
"Itapon mo sa karagatan ang mga bulaklak nayan na napulot mo sa bawat nadaanan mo at iwan mo ang sa tingin mo ay pinakamaganda. Sa bawat bulaklak na ihahagis mo ay kahulugan na kinakalimutan mo na ang masasamang ala ala mo sa buhay. At mga taong nakilala mo sa iyong buhay.
At ang napili mong pinakamaganda ay itago mo at saka mo malalaman ang dahilan bakit iyon naiwan."Ginawa nga iyon ni Kate matapos maihagis ang mga bulaklak ay nagdasal ng taimtim.
At ng makarating na sila sa isla ay muli siyang nakakita ng mga bulaklak.
Sa pagkakataong ito ay napakagandang mga bulaklak ang nakkta niya at muliy pinulot niya ito.
"Napakagandang bulaklak"
Napangiti ito at inamoy ang bulaklak.
Nakakuha siya ng 50 magagandang bulaklak. At hawak niya ito kasama ang isang maduming bulaklak.
Pagdating sa dulo ay nag-aabang si Daizel .
"Mam Kate(iniabot ang sulat)"
"Salamat"
"Itanim mo ang mga magagandang bulaklak na nakuha mo at muli magtira ka ng isang bulaklak."
May mga paso sa paligid at duon tinulungan ni Daizel si Kate magtanim.
At ng matapos sila ay dumiretso muli si Kate ngunit nakapiring na ang mata nito ng panyo.
Tinakpan ni Daizel ang Mata niya at ng makarating sila ay napakagandang hardin malapit sa dagat ang inayusan ni Zach at ng mga kasamahan niya.
Pinaganda nila ito at mukha tuloy silang mga prinsipe at prinsesa sa lugar na iyon.
Napakaganda at tahimik sa paligid tanging alon ng dagat ang maririnig at huni ng mga ibon.
Pagbukas ng mata ni Kate at pag alis ng panyo sa mata niya ay nakaluhod si Kate.
Pagdilat niya nakita niya ang magagandang halaman at napakagandang pagkakaayos ng lugar.
Naiyak naman lalo si Kate ng makitang nakaluhod si Zach.
"Kate, mahal na mahal kita. Ikaw na ang huling babaeng mamahalin ko.(hinawakan ang kamay ni Kate) Sunod sa ating anak at magiging mga anak. Ikaw na ang babaeng pinangarap ko.
Ang hawak mong masurang bulaklak ay sumisimbolo sa akin. Dahil sa mga pagsubok at paghihirap na dinanas mo ay nakilala mo ko. At ako ang natira sa mga masusurang bulaklak na napulot mo.na nangangahulugan na ako lamang ang natirang nandito sa tabi mo simula ng nadanasan mo ang hindi maganda ala ala ng buhay mo.
Ang masusurang bulaklak na tinapon mo ay ala ala mong hindi magaganda na dapat mo ng kalimutan.
At ang magandang bulaklak ay nangangahulugan sa mga magagandang ala alang gagawin pa lang natin .
Natira sa kamay mo ay kumakatawan kay Dianne dahil siya ang simula ng magiging magandang buhay mo.
At ang mga itinanim mo ay mga ala ala na aanihin natin sa darating pang mga panahon.
Sa madaling salita. Itapon at kalimutan ang masamang nakaraan at ngayon ay magtanim ng magandang mga ala ala para sa kinabukasan.
Magsisimula tayo ng bago at masayang buhay."
Patuloy ang pagluha ni Kate at naiiyak din si Zach. Habang si Daizel at Dianne ay magkatabi sa gilid at pinagmamasdan lamang ang dalawa.
"Kate, (nilabas ang maliit na box at binuksan niya ito na naglalaman ng gintong singsing) will you marry me?"
Itinayo ni Kate si Zach.
Hinalikan nito ang kasama at niyakap ng mahigpit.
"Yes! Yes Zach!"
"Talaga?talaga?"
"Oo Zach! Oo!"
Binuhat ni Zach si Kate at inikot ikot sa sobrang saya.
Nagtatatalon din sa tuwa si Daizel at Dianne.
Binuhat din ni Daizel ang batang si Dianne.
Napakasaya nila at naglabasan din ang mga tao sa paligid at nagpalakpakan.
May mga nagsaboy ng bulaklak sa dalawa at may kumakanta pang mga musikero.
Ito na yata ang pinakamasayang araw ni Kate sa buhay niya.
BINABASA MO ANG
Bad Princess "Ang Paghihiganti"
RandomStorya tungkol sa babaeng maghihiganti sa mga taong sakanya'y nang api. Hanggang saan hahantong ang kanyang paghihiganti? Mapagbabago kaya siya ng lalaking makikilala niya?. Sana po magustuhan niyo ang story na to feel free to comment and suggest p...