Nakahiga padin sa kama ang dalawa habang nakahubad.At bigla namang pumasok sa kwarto si Daizel
"OH MY GOD, WHAT'S HAPPENING IN THIS COUNTRY? SIR?MAM? "
Nagulat silang dalawa sa biglaang pagpasok ni Daizel.
Agad agad na tinakpan ni Daizel ang mata niya at dali dali namang nagbihis si Zach at Mica.
Matapos itong magbihis ay kinausap nila si Daizel.
"Daizel, ito ang tatandaan mo wala kang nakita ngayong araw nato! Naiintindihan mo ba?!"
"Opo Sir Zach"
Napayuko nalang si Daizel.
Si Mica naman ay nagpunta agad sa kwarto ni Baby Dianne dahil sa sobra niyang hiya.
Sinundan siya ni Zach.
Nakaharap si Mica kay baby Dianne at hinihimas himas niya ito sa ulo.
Samantala si Zach naman ag unti unting lumapit sakanya at hinawakan ang balikat niya at hinalikan ang ulo nito.
"Wag ka mag-alala alam kong mapagkakatiwalaan si Yaya Daizel"
"Zach, mapapatawad kaya tayo ni Ate Kate? At ni Drek sa ginawa natin?"
"Hindi naman nila malalaman."
"Sa ngayon. Oo di nila malalaman pero pano sa susunod? Siguradong babalik na naman ako niyan sa putikan."
"Ano?"
"A wala wala"
"Diba mayaman ka nung nakilala ka ni Drek?"
"O-o-o pe-pero mahirap lang ako nung umpisa"
Pautal utal niya itong sinabe at tila may tinatago ito.
Nagpaalam si Mica na uuwe muna siya sa mansion nila ni Drek dahil may kukunin siyang papeles.
Sa Mansion ni Drek........................
Tinawagan ni Mica si Drek.
"Drek?"
"O ano na ang balita?"
"Napaibig ko na si Zach!"
"Paano?"
"May nangyare samin kanina at diko alam bakit parang may iba kong naramdaman?"
"Gago ka pala e! Diba ang plano paiibigin mo lang sya!? Pero hindi ka magpapakantot sa lalaking yon?"
"Alam ko alam ko pero di na namin napigilan!"
"Hindi ka pwedeng mainlove sa lalaking yan! Masisira ang plano natin . Kailangan makuha natin ang yaman ni Kate at Zach!"
"Alam ko! Susubukan ko!"
"Kaya ayusin mo ang pagpapanggap bilang Mica!"
Si Drek ay kaibigan din ni Gab at nakwento ni Gab kay Drek kung paano namatay si Mica nung nabubuhay pa si Gab.
Naikwento kasi ni Kate kay Gab ang buong paghihirap niya.
Kaya nagawan nila ng kwento ang pagkabuhay ni Mica pero ang totoo ay patay na talaga ang tunay na Mica.
Ang nagpapanggap na Mica ay Pinsan ni Drek na ang tanging gusto ay mas lalo pang yumaman at siya ay si Kristel.
Nababaon na din kasi sa utang ang mga kumpanya nila kaya higit nilang kailangan ng pera dahil maghihirap sila kapag bumagsak ang kanilang negosyo at dahil mawawala sakanila ang lahat ng dahil sa utang.
Kaya gumagawa sila ng paraan para makuha ang yaman ni Kate at Zach.
"Baka nakakalimutan mong maghihirap tayo kapag pumalpak tayo sa plano!"
"Alam ko! At ayokong maghirap kaya kailangan matupad ang plano natin kela Zach"
"Mabute"
Hindi alam ni Zach na magpinsan pala si Kristel at Drek.
Kinuha na ni Kristel ang gamit na kukunin niya at muli itong bumalik kela Zach.
Sinalubong naman siya ni Zach.
"Bakit ang tagal mo?"
"Wala nagpahinga lang ako saglit"
"Napagod kaba sa sarap?"
Napangiti lang si Kristel at pumasok na sila sa loob.
Nagpatuloy ang pagtatalik ni Mica at Zach ng makailang ulit halos araw araw nila itong ginagawa.
Kasabay ang pag-aalaga kay Dianne.
Lalo silang naging malapit sa isat isa pumapasyal pa sila sa kung saan saan kasama si Baby Dianne.
Masaya sila na para bang isang buong pamilya.
At parang nakalimutan na ni Kristel ang plano niya kay Zach at Kate.
Dahil naging masaya ito ilang buwan ang lumipas na kasama niya ang mag-ama.
Ngunit Masisira ito dahil sa pag uwi ni Drek ng Pilipinas.
BINABASA MO ANG
Bad Princess "Ang Paghihiganti"
RandomStorya tungkol sa babaeng maghihiganti sa mga taong sakanya'y nang api. Hanggang saan hahantong ang kanyang paghihiganti? Mapagbabago kaya siya ng lalaking makikilala niya?. Sana po magustuhan niyo ang story na to feel free to comment and suggest p...