PAGHIHINAGPIS

121 6 2
                                    


Umalis na sila Kate sa Resort iniwan na nila ito ng tuluyan.

At ang mga tao ni Kate ay binayaran niya ng malaking halaga upang ang mga ito ay manahimik at tatawagan niya na lamang ito kapag kinailangan niya.

Si Aling Yan naman ay naging mayordoma ng Mansion ni Kate.

Dati ay isa lamang siyang mababang katulong.

Malaki ang pasasalamat ni Kate dahil kay Aling Yan.

Ito ang nakasama niya sa paghihiganti niya.

Ngunit napag isip isip ni Kate.

Na sa plano niyang paghihiganti marami din ang mga binawian ng buhay.

Hindi lamang ang mga kaaway niya kundi maging mga kaibigan at minamahal niya ay nadamay.

Ngunit binalewala iyon ni Kate dahil ang tanging nasa utak niya ay ang makapaghiganti.

Bigla naman naisip ni Kate ang tunay niyang ina.

"Magpapakilala ba ko sa tunay kong ina?"

"Mam Kate , karapatan mong makilala ka ng iyong tunay na mommy!"

"Alam ko! Pero si Cleah na ang kinikilala niyang anak niya"

"Dapat kang pumunta sa Mansion nila Cleah at kunin mo ang nararapat na saiyo. Isa kang prinsesa prinsesa Kate na inalisan ng korona kaya dapat ay kunin mo ang korona mo."

"Aling Yan! Tama ka! Humanda si Cleah sakin! Humanda siya! Dahil magbabalik na ang tunay na Kate S. Gober"

"Tama yan!"

Dali daling nagpunta si Kate at Aling Yan sa Mansion nila Isabel.

At ng makarating sila nakita nilang may nakaburol at nakalagay sa tarpaulin na si Isabel S. Gober ang nakaburol.

Biglang natigilan si Kate at tumulo na ang luha nito.

"Kate bakit ka natigilan? Halika pumasok na tayo sa loob."

Habang sumisinghot singhot pa si Kate at patuloy ang pagluha niya.

"Hindi na! Hindi na kailangan! Wala na ang mommy ko! Hindi ko na kailangan pang magpakilala sakanila!"

"Ha?"

"Aling Yan may idadagdag po ako sa mga paghihigantihan ko"

"Ha sino?"

"Ang punot dulo ng lahat ng ito! Si Dong Digo! Ang lolo ko na siyang dahilang ng lahat . siya ang naglayo samin kay mommy at siya ang nagpapatay sa tunay kong ama at siya din ang dahil kung bakit iniwan ako sa kamay ni Alena. Lahat ng ito ay dahil sa kanya! "

Umalis na sila sa lugar na iyon at bumalik sa kanilang mansion.

Mula sa kotse hanggang sa makarating sila sa Mansion ay patuloy ang pag iyak nito.

"Hindi ko man lang nakilala ang tunay kong ina, hindi ko man lang siya nayakap. Kahit boses niya ay hindi ko narinig,parang ang tunay kong ama. Parehas nila kong iniwan ng hindi ko man lang sila nakikilala."

"Nakikiramay ako sayo mam"

"Salamat sa pagdamay pero mas kailangan ko ang pagdamay ni Zach kaya maiwan ka dito Aling Yan. Pupuntahan ko si Zach sakanila."

Ng akmang lalabas na ng pinto si Kate ay bigla niyang nakaharap si Zach .

Kanina pa pala ito nakikinig sa usapan ng dalawa.

"Zach?"

Niyakap agad ni Kate si Zach ng mahigpit habang umiiyak.

Humahagulgol si Kate sa sobrang kalungkutan.

"Zach bakit lahat nalang ng mahal ko nawawala? Bakit lahat sila iniiwan ako? Bakit kailangan ko laging magdusa?At Zach ayoko na ikaw naman ang mawala sa akin. Hindi ko yun hahayaan dahil hindi ko na kakayanin kung may isa pa sa mahal sa buhay ko ang mawala At ikaw nalang ang natitirang meron ako Zach , ikaw nalng"

Muli niyang niyakap si Zach.

"Kate hindi ako mawawala! Pangako yan sayo! Nandito lang ako.Nandito kami ni Aling Yan para damayan ka."

Hinalikan ni Zach si Kate .

Nabigla naman si Kate at muling hinalikan si Zach.

Hinawakan ni Zach ang muka ni Kate at nilapit pang lalo ang kanyang muka matapos siyang halikan nito.

"Salamat at nandito ka para damayan ako."

"Gaya ng sabe ko sayo andito lang ako."

Niyakap nila ang isat isa.

Bad Princess "Ang Paghihiganti"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon