2 TAON ANG LUMIPAS

126 5 2
                                    


2 taon na ang lumipas at mas naging malalalim ang samahan ni Mica at Zach.

Si Drek naman ay nasa ibang bansa padin at naghihintay lang ng balita kay Mica.

Si Kate naman ay unti unting gumaling dahil nadin sa nabigyan agad siya ng pansin at hindi na lumala ang kanyang kalagayan.

Naging normal na ang pagtugon nito sa ibang tao. Hindi narin ito nagwawala gaya ng dati.

Tila hindi naman siya nabaliw at nakatakda nasyang ilabas ng mental sa lalong madaling panahon.

At pinaghandaan naman ni Zach ang araw na iyon kahit pa pinagtaksilan niya si Kate ay mahal padin niya ito.

Si Zach ang sumundo kay Kate at hinintay nalang sila ni Mica at Dianne sa bahay.

At ng makarating na sila sa Mansion ay napakaraming handa ang bumungad sakanya at agad na yumakap sakanya ang kanyang anak na si Dianne.

Pumatak naman ang luha ni Kate at niyakap ng mahigpit ang anak.

Si Mica naman ay akmang yayakap na kay Kate.

"Sandali"

"Ate? Bakit? Hindi mo ba ako nakikilala?"

"Sino ka?"

"Hindi mo ko kilala? Ako ito si Mica yung kapatid mo? Diba kinuwento ko na sayo nangyare sakin?"

"Wag mo ko lokohin dahil kilala ko ang kapatid ko!"

"Ako ito nabago lang ang itsura ko sa tagal ng panahon ate at nagparetoke din ako ng ibang bahagi ng katawan ko kaya siguro dimoko makilala"

"Naalala ko nung nasa mental ako at narinig ko ang kwento mo! Pero di ako naniniwalang ikaw ang kapatid ko! Wag mo sabihing pati yang likod mo retokada?"

"Hindi wala akong pinabago sa likod ko!"

"Pwes tumalikod ka!"

Tumalikod si Mica at ibinaba ni Kate ang damit niya sa likod at tiningnan kung may balat ito sa likod.

"Hindi ikaw ang kapatid ko mapag panggap! May balat sa likod ang kapatid ko at ikaw ay wala!"

"Pero pero"

Nabigla naman si Zach.

"Oo at nabaliw ako pero hindi ako nagka amnesia"

Nagpunta si Mica sa likod ni Zach .

"Diba Zach mahal mo ko! Magsarili na tayo! Mahal na mahal kita"

"Inahas mo pa pati si Zach"

Nagsabunutan si Kate at Mica.

"Baliw ka Baliw!"

"Ikaw ang baliw!"

Pinapili naman ni Mica si Zach.

"Zach mamili ka! Ako ba o si Kate?"

Tumingin ang dalawa kay Zach.

At di nagdalawang isip si Zach na piliin si Kate kaysa kay Mica.

Niyakap nito si Zach ngunit sinampal siya ni Kate.

"Pinadala moko sa mental para gumaling o para makapaglandian ka sa iba?"

"Kate mahal kita!"

Agad nagtatakbo papasok ng kwarto si Kate.

Samantala si Mica naman ay umalis na ng Mansion at nagtatakbo palayo.

Nasira lahat ng plano niya at ni Drek.

"Daizel bantayan mo muna si Dianne"

"Opo Sir"

Sinundan agad ni Zach si Kate sa kwarto.

Nakalock ang pinto pero patuloy niya itong kinakatok at kinakausap si Kate.

Si Kate naman ay umiiyak lang sa loob.

"Kate mahal kita! Ikaw ang pinili ko!"

"Kung mahal mo ko dika hahanap ng iba!"

"Kate lalaki lang ako naghanap ako ng lambing"

"Naghanap ka ng iba dahil ayaw mong lambingin ka ng baliw?!"

"Kate hindi ka baliw.Ako ang baliw. Dahil baliw na baliw ako sayo"

Binuksan na ni Kate ang pinto at agad niyakap si Zach.

Hinalikan naman siya ni Zach at nag ngitian.

Samantala nakasilip naman si Daizel at ang dalawang taong gulang na si Dianne.

At kinikilig pa.

Nakita sila ng dalawa kaya pinalapit nila ito.

Nagyakapan ang magpapamilya.

Si Daizel naman ay bumalik na sa kusina at hinayaan sila.

Naupo naman sila sa sala upang duon ay mag-usap.

"Masaya ko na buo na ang pamilya natin. Masaya ko dahil kasama ko na ang pinakamahalagang mga babae sa buhay ko"

"Masaya din ako kasi kasama ko na ang mag ama ko"

Si Kate ay biglang umiyak.

"Kate bakit?"

"Wala masaya ko kasi sa dami ng pinagdaanan ko. Masaya ko at nakabawi pako . At tama ang sinabe sakin ng madre sa mental na hindi Paghihiganti ang sagot sa nangyareng masama sa buhay mo kundi dapat hayaan mo ang batas ng tao at Diyos ang magparusa sa kung sino mang nagpahirap sayo"

"Madami ka sigurong natutunan dun."

"Kaso nagsisisi ako sa mga nagawa ko"

"Wala ka sa katinuan ng mga oras nayon kaya hindi mo yun alam. Wag mo na yun isipin ang isipin mo buo na tayo at magiging masaya tayo"

"Sana patawarin ako ng pamilya ng mga napatay ko."

Tinakban naman ni Zach ang tenga ni Dianne.

Bad Princess "Ang Paghihiganti"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon