Habang kumakain ay inaya ni Gab si Kate na sumama sa kanya sa PERU kung saan nakaburol ang kanyang ina na si Dona Lira.
"Kate,sasama ka ba sa akin kapag pumunta ako sa Peru?"
"Ha? Peru? Diba malayo dun?
"Oo,kaya pls. Pls. Kate"
Hinawakan ni Gab ang kamay ni Kate.
"Papayag ka na?"
"Sige"
tuwang tuwa si Gab sa narinig at agad nitong niyakap si Kate ng mahigpit.
"Ipapaayos ko na sa abogado ko ang mga papel na kailangan mo."
"Iwan muna kita dito? May pupuntahan lang ako saglit"
Umalis na si Gab at si Kate pumasok naman sa kwarto niya.
At habang nasa kwarto siya iniisip niya ang nangyare sa kanyang kapatid
Malinaw parin sa kanyang ala ala ang sinapit ng kapatid.
Naalala niya ang kapatid at ang isang pangyayare na di niya makakalimutan.
Ito ang naalala ni Kate.
*PAGHIHIRAP*
[Ibinaba ni Alena si Kate sa washing machine pagkatapos ay tinulak niya ito sa putikan.
"Iyan ang nararapat sa anak ng mamamatay tao!" -Alena
"Hindi mamamatay tao ang nanay ko ! Kayo ang masasamang tao!"
Paiyak na sabi ni kate na tila puno ng paghihinagpis ang kanyang puso.
"Alam mo hindi kana sana dito nakatira pero dahil may utang sakin ang nanay mo . ikaw ang magbabayad"
"Wag nyo pong saktan ang kapatid ko" -Mica
"Magsama kayo! Mga letse!"
Tinulak din ni Alena si Mica at sabay umalis kasama ang anak na si Casandra.
"ate bakit hindi ka lumaban?"
"Pano ko lalaban e ang laki nila? Hayaan mo pag laki ko humanda sila sa atin"
"Talaga ate ? . "
"Oo"
Napapangiti na lang ang dalawa sa kabila ng hirap na dinadanas nila sa kamay ni Alena.]
Iyan ang pangyayare na naalala ni Kate.
Lalo niyang ikinaiyak ang sinabe sakanya ng kanyang kapatid na bakit hindi siya lumaban.
Habang umiiyak
"Huwag ka mag-alala Mica pangako ! Pangako ko sayo na lalaban ako! Maghintay ka lang! Humanda silang lahat sa akin!"
Patuloy ang pag iyak nito.
Dumating na ang araw ng pag-alis ni Kate at Gab patungo sa Peru.
Habang hinahanda nila ang sarili nila sa pag -alis ay tinawagan muna ni Kate si Mike
*kringg*
"Mike, Aalis na ako"
"Kate sorry kung hindi ka na naman maihahatid ni Cleah busy kasi ako dito sobrang daming pinapatrabaho tapos bawal pang mag absent at si Cleah naman busy daw siya ewan ko ba dun kung anong ginagawa niya"
"Ok lang sinubukan ko din siya tawagan pero di siya sumasagot , at ok lang din na di nyo ako ihatid mamimiss ko kayo! Sobra"
"Mamimiss din kita kate"
Natapos ang pag uusap nila dahil sinabe ni Gab na kailangan na nila umalis.
At umalis na nga sila.
Sa Peru........
Pagdating nila duon ay tagaktak na luha ang binuhos ni Gab sa pagkamatay ng kanyang ina.
Ilang araw din matapos ay agad na inilibing si Dona Lira.
At pagkauwe nila ng Bahay sa Peru ay agad na sinuyo ni Kate si Gab.
"Gab, nandito lang ako sa tabi mo, hindi kita iiwan"
"Salamat ! Salamat sayo , masaya ako na dumating ka sa buhay ko"
Bigla bigla ay dumarating ang abogado ni Dona Lira at agad kinausap si Gab.
"Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Bilang ikaw lamang ang natatanging tagapagmana ni Dona Lira sayo ipinamamana ang lahat ng ari arian at ng mga naipundar niya.Kung kailangan mo ng mga katanungan tawagan mo lang ako . kailangan ko na umalis marami pa ako kailangang asikasihin, nakikiramay ako sa iyo at sa iyomg pamilya."
"Salamat! Salamat"
Umalis din agad ang abogado at matapos nito ay muling kinausap ni Gab si Kate.
"Ok ka lang ba kate?"
"Gab! Makinig ka parang hindi tayo bagay lalo na at mayaman ka!"
"Kate wala sa yaman ang pagmamahalan , at alam ko namang hindi mo ako lolokohin."
Naghalikan ang dalawa. At niyakap ang isat isa.
BINABASA MO ANG
Bad Princess "Ang Paghihiganti"
AcakStorya tungkol sa babaeng maghihiganti sa mga taong sakanya'y nang api. Hanggang saan hahantong ang kanyang paghihiganti? Mapagbabago kaya siya ng lalaking makikilala niya?. Sana po magustuhan niyo ang story na to feel free to comment and suggest p...