PATAGONG KAAWAY Part II

132 6 1
                                    


Nag-iisip si Cleah ng paraan kung paano siya kikilalaning Kate ng mga Sandoval.

"Tama! Si Mam Alena ang malalapitan ko."-Clea

Nagpunta si Cleah sa Mansion ni Alena at duon ay madali lang siya nakapasok dahil kilala siya ng mga katulong duon.

At duon din siya nagtrabaho at duon din niya nakilala si Kate at Mike simula bata pa sila.

"Ate Selya pwede ko ba kausapin si Madam Alena?"

"Ha ? Nako nasa Amerika mukang hindi magpapa istorbo yun"

"Importante tong sasabihin ko!"

"A sige sandali,halika tawagan natin sa telepono."

*kringgggg*

*kringgggg*

"Yes?"

"Madam Alena may kailangan ako sainyo at alam kong kakailanganin mo din ako."

"And who the hell are you para istorbohin ako?"

"Ako si Cleah at kikilalaning Kate Sandoval Gober ng inyong pamilya."

"At anong kabaliwan ang pinagsasasabe mo?"

"Alam kong hinahanap na ni Madam Isabel si Kate at siguradong lagot ka sakanya kapag nalama niyang inalipusta at binigay mo sila kate at Mica sa kaibigan mo.!"

"What?!"

"Alam ko ang buong buhay ni Kate bestfriend niya ako. Kaya madali na na maging ako si Kate"

"Uuwe ako ng Pilipinas at saka tayo mag-usap"

"Osige at isama mo si Castro dahil malaki ang parte niya dito."

Binaba na ni Cleah ang telepono.

Ngumingiti pa ito na tila magtatagumpay ang plano niya.

Samantala si Alena naman ay dali daling inasikaso ang kakailanganin niya pabalik ng Pilipinas .

At tinawagan na din niya si Castro.

Sumang-ayon naman si Castro na makipagkita kay Cleah.

Sa Amerika .................

"Don Digo gusto niyo po ba ng kape?"
-kasambahay ni Don Digo

Itinaboy ni Don Digo ang kape kaya ito natapon.

"Galit sakin ang anak ko dahil nalaman na niya ang ginawa ko sa mag-anak niya"

"Don Digo alam kong mapapatawad din kayo ni Mam Isabel"

"Sana nga,sana nga dumating ang araw patawarin ako ng anak ko at mga apo ko"

Mahal na mahal ni Don Digo ang anak.

Ito kasi ang paborito niyang anak.

Patagong umiyak si Don Digo at buong pagsisisi niya sa nagawa niya sa kanyang sariling mga kapamilya.

"Marahil isinusumpa na ako ng mga apo ko ngayon"

Patuloy ang pagluha ni DON Digo.

Sa Mansion ni Alena...........................

Tatlong linggo ang lumipas kaya naman dumating ang araw ng pagdating ni Alena at Castro mula sa Amerika.

Naiwan naman duon si Casandra na anak ni Alena at si Pio na kanyang asawa.

Dona na Dona ang dating ni Alena sa suot nitong damit at may hawak pang malaking pamaypay.

"Cleah anong kalokohan itong plano mo?"

"Uulitin ko pa ba ang sinabe ko sayo sa telepono?"

"Aba ayusin mo ang pananalita mo! Baka nakakalimuta mo kung sino ang kausap mo?"

"Oo! Kilala kita ikaw si Alena na nagpahirap kay Kate at Mica ng halos 15 taon simula pagkabata nila at ikaw(tinuro si Castro) Na gumahasa at pumatay kay Mica at nagpahirap kay Kate"

"Sandali! Anong ibig mong sabihing patay na si Mica?!"

"Oo ginahasa at saka niya binaril si Mica!"

"Wag na tayo magsisihan,harapin na natin to dahil parehas lang tayong may kasalanan Alena."

Nabigla si Alena sa narinig na patay na si Mica .

Nanlambot din ito matapos malamang ginahasa ito ni Castro ang magkapatid.

"Kaya dapat matuloy ang plano ko para makaligtas kayo sa mga kasalanan niyo, sundin niyo lang ang plano ko."

Taas noo si Cleah sa sinasabe niya.

"Castro ipapakilala mo si Cleah kay Isabel bilang Kate."

"Ganun nga ang gagawin ko."

Alena: "Kailangan walang makaalam nito."

Castro: "Pero pano si Kate? Ang tunay na Kate?"

"Ako na ang bahala sakanya, nakaplano na ang lahat"


Bad Princess "Ang Paghihiganti"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon