Nakahanap si Kate ng matatambayan .isang lugar na tahimik at siya lamang ang naroroon.Pinupuntaham niya ito sa tuwing nais niyang mapag isa .
At kapag natapos na niya ang gawaing bahay at mga inuutos ng kapamilya ni Mike.
Ang lugar na ito ay may magandang tanawin.
Payapang kalangitan.
Mabangong simoy ng hangin.
Mga namumukadkad na bulaklak.
Karagatang tangin hampas ng alon ang maririnig.
Isang paraiso kung tawagin.
"Mabuti pa sa lugar na to payapa,pero yung buhay ko puro gulo at paghihinagpis kelan ba ako tutulungan ng Diyos? Kelan niya ba ititigil ang paghihirap na to?.
Ipinapangako ko sa sarili ko na humanda silang lahat sa akin dahil gaganti ako!.
Iisa isahin ko silang lahat hindi ako papayag na hindi magulo ang buhay nila.
Sinira nila ang buhay ko,ng kapatid ko pati ang Nanay at tatay ko! Kaya magbabayad sila"
Binubulong ito ni kate sa sarili.
Ang alam niyang dahilan kung bakit namatay ang nanay Joana at tatay niya ay dahil pinatay ito ni Alena .
Naikwento ito sakanila ng kaibigan ni Joana na kapwa nito kasambahay.
Habang nakaupo si Kate sa buhanginan .
May isang lalaki na lalapit sa kanya.
"Miss pwede ba kitang tabihan?"
Napatingin si Kate sa lalaki . matipuno at gwapo ang lalaking ito maputi ang balat at matangkad.
Muka ding mayaman at ang bango bango.
"Magandang binibini?".
"Oo naman halika."
Nang tumabi na ang lalaki napailag si Kate .
Sumumpong na naman ang takot niya sa mga lalaki pero hindi niya ito pinahalata.
"Are you ok?."
Tanong ng misteryosong lalake.
"Oo"
"Albert. Albert nga pala"
Iniabot ng lalaki ang kamay niya sa dalaga.
"Sobra mong ganda,puti at sexy"
"Salamat"
Napangiti na lang si Kate sa sinabe ni Albert.
"Ako nga pala ang anak ng may-ari ng tinatayuan mongayon,madalas kita makita dito pero ngayon lang ako naglakas ng loob na lapitan ka."
"Ganun ba"
Tila may hiya pa si Kate na nararamdaman sa mayamang binata.
"Huwag ka mahiya"
Sabay ngiti nito at labas pa ang dimples na talaga namang nagpa inlove kay kate sakanya.
Haalos malusaw nanga si Kate sa kakatitig kay Albert.
Mabilis ang tibok ng puso ni Kate. At ngayon lang niya naramdaman ito.
Tumayo si siya at huminga ng malalim.
Hmmmmmmmmmmm.........
Tumayo narin si Albert .
"Kailangan ko na umalis, baka hinahanap na ako samin"
"A ganun ba osige bukas ulit dito tayo magkita ."
Sabay kindat nito sa dalaga.
Napangiti naman si Kate at sabay umalis pabalik sa bahay ni Berta.
At ng siya'y makauwi.
"At saan ka na naman galing ha?"
Pagmamataray ni Dianne kay Kate.
Hindi naman kumibo si kate kaya napag initan na naman siya ni Dianne .
"Hindi bat kinakausap pa kita? Pinalaki kabang bastos ng nanay mo?"
Nanlisik ang mata ni Kate at dinuro si Dianne.
"Wag na wag mong madadamay ang nanay ko dito. Kung maka question ka sa nanay ko .ikaw pinalaki ka ng nanay mo na impokrita."
Sinampal siya ni Dianne. At duon nagtuloy ang away nila nagsabunutan ang dalawa.
Sakto namang dumadating si Berta.
"Walang hiya kang babae ka".
Sinabunutan din nito si Kate.
"Tama na yan!. "
Wika ng pinsan pa ni Mike na si Kelly.
Sinubukan niyan awatin ang tatlo ngunit matindi ang kapit nito sa buhok ng isat isa.
Mabuti dumarating Clea.
Nabitawan pa nito ang bitbit na pasalubong .
"Kate,Tita anong ginagawa nyo."
Napatigil nalang ang tatlo.
"Wala nag bibiruan lang kami!" -Berta
At sabay umalis si Berta.
"Dianne!. Bakit niyo sinasabunutan si Kate?."
Sabay sa pagtanong niyang iyon hetot bumabalik si Berta bitbit ang damit at gamit ni Kate.
"Lumayas ka bahay nato! Walanghiya ka!. "
Ibinato ni Berta ang gamit kay kate nasapul naman si Kate sa mukha.
Sinamahan na ni Clea paalis ang kaibigan. Bitbit ang mga gamit nila.
BINABASA MO ANG
Bad Princess "Ang Paghihiganti"
RandomStorya tungkol sa babaeng maghihiganti sa mga taong sakanya'y nang api. Hanggang saan hahantong ang kanyang paghihiganti? Mapagbabago kaya siya ng lalaking makikilala niya?. Sana po magustuhan niyo ang story na to feel free to comment and suggest p...