ANG PAGBABALIK NG INA Part II

132 10 1
                                    


Nanginginig sa galit si Isabel sa kanyang kapatid at ama ngunit patuloy padin sa pagtanggi si Alena.

"Wala akong alam sa sinasabe mo!."

"Ilang taon ang lumipas iniwan sa Mansion mo ang dalawa kong anak si Mica at Kate!"

Biglang nanlaki ang mata niAlena ng malaman na ang inalipustat pinahirapan niya ay sarili niyang mga pamangkin.

"Ano?! Si Kate at Mica ay anak mo?"

"Oo! Nasan sila?"

"Nandun sila sa kaibigan ko!"

Agad na naisip ni Alena ang ginawa niya sa kanyag mga pamangkin.

"Hindi dapat malaman ni Isabel ang ginawa ko sa mga anak niya kailangan ko tawagan si Castro."

Bulong ni Alena sa sarili.

Pinatayan ni Alena ng telepono si Isabel at dali daling tinawagan si Castro.

*kring kring*

*kring kring*

"Castro?"

"Alena napatawag ka?"

"Asan si Kate at si Mica?"

Bigla din nanlaki ang mata ni Castro at kumabog ang kanyang dibdib

"Hindi ko alam tumakas siya sakin".

"Tumakas? At anong siya sakin? Dalawa silang hinahanap mo!"

"Patay na Mica, naaksidente siya nabangga siya ng kotse"

Buong pagsisinungaling ni Castro.

"At si Kate sa sobrang dalamhati naglayas sya at di ko na alam kung saan nagpunta."

"Ano? Hindi to pwede! Pamangkin ko ang dalawa na yan!"

"Ano? Hindi bat anak siya ng kasambahay mo?"

"Pamangkin ko sila anak sila ni Isabel at ngayon ko lang din ito nalaman"

Binaba na ni Alena ang telepono at tinawagan din agad si Isabel.

*Kriiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiing*

"Isabel masamang balita nawawala si Kate at Mica!"

Hindi pinaalam ni Alena ang sinabe sakanya ni Castro.

"Ano?!"

Lalo naman ngayon naglungkot si Isabel sa nabalitaan.

Isabel: "Gagawa ako ng paraan para hanapin ang mga anak ko!"

Dali dali nagpunta si Isabel sa Police Station upang ipahanap ang mga nawawalang anak.

Balak niyang halugurin ang buong bansa makita lang ang mga anak.

Ngunit hindi parin mawala sa isip niya ang sinapit ni Peter.

"Peter,mahal ko ipinapangako kong mabibigyan ka ng hustisya. At hahanapin ko ang mga anak natin"

Sa Mansion ni Don Digo...................

Dumating ang kaibigan ni Isabel mula sa Amerika.

"Isabel ano na ang balita sa mag -ama mo?"

Ikinuwento ni Isabel ang lahat sa kaibigan.

At ng biglang tatawag si Don Digo

*krinnnnnng*

"Papa!"

"Nabalitaan kong nasa Pilipinas ka!"

"Oo at alam ko na na pinapatay mo ang mag-aama ko! Hayop ka Papa! Hayop ka!"

"Anak!"

Nabigla si Don Digo sa narinig.

"Anak huwag mo akong isumbong sa pulis at alam mong makakalaya din ako!"

"Alam ko kaya ang Diyos na ang bahala sayo at kalimutan mo na din na anak mo ako!"

"Isabel!"

"Oo Papa este Don Digo hindi mo na ako anak at hindi narin kita ama! Wala kang awa pinapatay mo ang sarili mong kadugo!"

Pinatayan ni Isabel ng telepono ang kanyang Papa .

"Casey tulungon mo ako mag ayos ng gamit hahanap ako ng bago kong matitirhan"

"Osige halika"

Nag ayos na nga ng gamit sina Isabel at Casey.

At may itinuro namang bahay si Casey sa kaibigan na pwedeng tirhan ni Isabel.

Isa sa bahay ni Casey na wala ng tumitira kaya duon muna niya pinatuloy ang kaibigan.

"Salamat Casey buti nalang andito ka"

"Wala yun., ano na ang plano mo sa mga anak mo?"

"Alam ko makikita ko din sila, alam ko may awa ang Diyos."




Bad Princess "Ang Paghihiganti"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon