Ilang buwan din naghanda sina Kate at Zach para sa kanilang kasal.Napaka garbo ng pagkakahanda nila mamahalin lahat.
Gown palang ay milyon na ang ginastos. Maging mga pinaka mahal na bulaklak ang gagamitin sa kasal.
Mayayamang mga tao din ang mga imbitado.
Buhat buhat ni Zach si Dianne at masaya itong nilalaro ang anak.
"Daddy I love you"
"I love you too anak"
Hinalikan niya sa pisngi ang anak.
Sobrang malapit na ang dalawa sa isat isa.
"Nako daddy's girl na yang si Dianne"
Pagseselos ni Kate.
"Dapat lang. Hahaha"
Hinampas ni Kate sa balikat si Zach at niyakap niya ang kanyang mag-ama.
Bago ang araw ng nakatakda nilang kasal......................................
Magkaiba ng tinulugan sina Kate at Zach upang sa kasal na nila makita ang isat isa.
Sa hotel natulog si Zach at si Kate at Dianne ang sa Mansion.
Kasama ni Zach si Migz at Migo.
Si Daizel at mga security guard maging mga kasambahay naman ang kasama ni Kate at Dianne sa Mansion
"Napakasaya ko at bukas na ang kasal na hinihintay ko. Mabuti at naayos namin agad ang kasal namin nuon ni Gab."
"Naku mam siguradong ikaw ang magiging pinakamaganda at pinaka masayang babae bukas."
"Nambola kapa Daizel"
"Nako mam totoo naman"
Nangiti lang sila .
"Mam matulog kana. Kailangan mo na magpahinga para bukas. Sabay na tayo mag beauty rest."
"Daizel Rest lang ang sayo walang beauty hahahahaha"
"Mam naman e"
Tinawanan lang ni Kate si Daizel.
"Si Dianne tulog na ba?"
"Opo mam natulog na sa kwarto niya kaya ikaw din mam . Sige goodnight."
Natulog na sila sa Mansion.
Sa hotel naman kung nasaan si Zach nandun at hindi pa makatulog.
Migz: "brad bakit hindi kapa natutulog ? 9pm na maaga kapa mag aayos bukas"
"Hindi ko alam pare pero excited ako na kinakabahan"
Migo : "pare ganyan talaga ang pakiramdam . Nung kinasal din kami ng misis ko ganyan ang naramdaman ko."
"Pare pano ba ko makakatulog neto."
Migz: "gusto mo shot ka munang konti."
"Sige pare para makatulog ako"
Uminom si Zach at ang mga kaibigan at ng matapos sila ay kusa nadin silang nakatulog.
Marami rami din ang nainom nila.
ARAW NG KASAL.....................
Maagang nagising si Kate. At hinintay niya na dumating na ang mga mag-aayos sakanya.
Daizel: "mukang excited na excited ka madam"
Dianne: " mommy nasan na po si Daddy? Bakit wala siya dito?"
"Anak ang daddy mo ay nag iintay satin sa church . Dun tayo magkikita kita."
"Mommy namimiss ko na agad siya"
Daizel: "parang di kayo nagkita kahapon a baby Dianne"
"Don't call me baby. Malaki na ako."
"No. Youre still a baby."
Sinungitan ni dianne si Daizel.
Kate: "tumigil na nga kayo. Daizel paghanda mo ng pagkain ang mga mag aayos sakin"
"Yes mam. Isasama ko po sa kusina si Dianne"
"No way."
Kate: "dianne sumama kana kay Daizel at para dika makagulo dito ok? "
"Ok mommy"
Sumama si Dianne kay Daizel kahit ayaw pa nito.
Sa hotel.................
Gising narin ang mga lalaki at si Zach ay nag aayos nadin.
Maaga silang natapos at agad na nagpunta sa simbahan.
Habang papunta sila ng simbahan ay biglang nahilo si Zach at may kasalubong silang truck.
Iniwasan niya iyon ngunit nadaplisan ang kotse niya sa gilid ng truck kaya napatagilid ang kotse at dire diretsong bumangga sa puno at nahulog sa mababaw na bangin.
Duguan sina Zach at ang dalawa nitong kaibigan.
Nagising si Migz kahit pa duguan ang ulo.
Ginigising niya ang mga kaibigan ngunit di ito magising.
May mga tao naman sa paligid na sumaklolo sakanila at tumawag agad ng tulong.
Dumating ang ambulansya at dali daling sinakay sina migz,migo at Zach.
Sa Mansion........................
Habang inaayusan si Kate ay bigla itong.
"Zach"
Bigla niyang naalala si Zach at kumabog ang kanyang dibdib.
"Bakit po mam?"
"Naalala ko lang si Zach."
"Naku mam excited lang kayo kaya mo siya naalala."
"Pero bakit kinakabahan ako?"
"Natural lang po yan dahil ikakasal ka mam."
"Ganun ba? Sana nga."
"Wag muna kayo mag isip isip ng kung ano ano. Masasayang yang ganda nyo dapat lagi ka pong nakangiti."
Ngumiti naman si Kate at patuloy siyang inayusan.
BINABASA MO ANG
Bad Princess "Ang Paghihiganti"
RandomStorya tungkol sa babaeng maghihiganti sa mga taong sakanya'y nang api. Hanggang saan hahantong ang kanyang paghihiganti? Mapagbabago kaya siya ng lalaking makikilala niya?. Sana po magustuhan niyo ang story na to feel free to comment and suggest p...