Pahina 2: The Boy Chick

834 10 11
                                        

Beatrix's POV

"Dana, kakaibang trip talaga nais mo, ano?" Tawang-tawa kong sabi dahil sa nangyari kanina. Kawawa naman yung apat na lalake. Ang pogi pamandin nung tinitigan ko kanina.

Tumatawa rin sina Dana at Cia dahil sa sinabi ko. Napansin ko namang tahimik lang si Celes habang nakatitig sa drumsticks niya. "Celestine Mariano, nasa Earth ka pa ba?" Sabi ko sakanya habang yinuyugyog siya. Pansin ko namang nagulat siya.

Maya-maya ay bigla nalang siyang ngumiti nang nakakaloko kay Dana, "May crush ka don, ano?" Natatawa niyang tanong kaya nagtawanan kami. Si Dana, may crush?! Hahahahaha.

"Eww ha! Asa! Dibale nang tumanda akong dalaga!" Sus. Defensive. Hahaha yes naman, I know na walang gusto yan. Pano ba naman kase, parang lalake kung pumorma. Pero di siya tomboy ha? Nasanay lang siyang puro lalake ang kasama niya sa bahay nila.

Naningkit ang mga mata ko dahil nakita kong nakatutok na naman si Cia sa salamin niya. Jusko.

"Hey, Cia. Hindi ka ba nagsasawa sa mukha mo?" Tanong ko kaya natawa si Dana. "Bakit naman ako magsasawa? Ang ganda ko nga eh." Sabi niya at nagflip pa ng buhok. Hay nako. Here goes Ms. Perfect.

Napasulyap ako orasan ko. Nako naman. "Alas onse na nang gabi, wala ba kayong balak magsiuwian!?" Automatiko akong napatayo nang marinig ko ang landlady ng dormitory'ng tinitirhan ko. "Jusko naman Ateng! 10:59 palang huwag kang OA!" Binato ko nang masamang tingin si Dana. Kahit kailan talaga!

"Aba't napakapilosopo mo talagang bata ka, umuwi ka na nga! Beatrix! Pauwiin mo na mga kaibigan mo!" Napakamot ako ng ulo habang nakatingin sa mga kaibigan ko. Nginangatngat ni Celes ang dulo ng kuko niya kaya agad itong tinampal ni Cia. "Dirty yan, Celes what the heck?" Suway nito.

Hinila ko sila patayo at tinulak-tulak hanggang sa makarating sa pintuan. "Dali na, tatakas pako mamaya utang na loob naman." Bulong ko. Naramdaman ko ang sunud-sunod na vibration sa bulsa ko. Deym. Narinig ko ang mahinang tawa ni Celes. "Magka-AIDS ka niyan ha."

Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran. "Fyi, hindi ako nakiki-one night stand noh." Irita kong sabi kaya nagtawanan sila. Aysh. Kahit kailan talaga. "Hoy, Ciara. Yung sundo mo nasa labas na! Umuwi na nga kayo." Taboy ko hanggang sa tuluyan na silang magsialisan.

Dana's POV

"Gising na, Dana!!!"

Nakaramdam ako ng pagbigat sa likuran ko. "Asdfghjkl-mmm!!!" Tinataas-taas ko ang kamay ko para mahila ang buhok ni Kuya. Ahhh!!! Nakakainis naman. "Kuya, ano ba!" Irita kong sigaw at siniko siya. Tumayo naman siya habang tatawa-tawa. Sabay kaming bumaba ng hagdan at agad na tumambad sakin ang apat pang lalake sa bahay.

I'm living with five men. Si Papa, mga pinsan kong si Kuya Kiko at si Kuya Harry, mga kapatid kong si Kuya Dylan, at ang lalakeng gumising sakin na kapatid ko rin, si Kuya Dan. Hindi na siguro kay nagtatakha kung bakit ganito ako kumilos.

Sinuot ko ang sumbrero ko at dumiretso sakanila. "Ayan na pala ang prinsesa natin e!" Sigaw ni Papa. "Kumain kana, at marami ka pang babaeng paiibigin. Pft." Sinamaan ko ng tingin si Kuya Dylan kaya sila nagtawanan. What the heck. Hindi ako tibo!

Kumain na ako at matapos yon ay nagpalit na ako ng uniporme. Napangiwi ako sa itsura ng uniform namin. Takte ang iksi! Lumabas ako sa kwarto at naabutan sina Kuya Kiko at Kuya Dan na nanonood sa salas. Si Papa naman ay nagluluto sa kusina samantalang naglilinis at naglalaba si Kuya Harry at Kuya Dylan.

"Pft."

Napatingin ako sa dalawang lalakeng nanonood sa salas. Nakanguso akong nakatingin sakanila. "Oh ano ihahatid naba--" Napatingin ako kay Kuya Harry na may bula pa sa kamay dahil sa paglalaba niya. Dalawang segundo silang nakatitig sakin kaya napapikit ako sa inis.

"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"

Inis kong kinuha ang backpack ko at nagsimulang magdabog palabas. Nakakainis naman kasi tong uniform na to! Three inches above the knee kaya sobrang iksi, aysh! "Hoy hahahahaha hahatid--hahahahahaha hahatid ka namin!" Rinig kong sigaw ni Kuya Dylan kaya mas binilisan kong maglakad. Rinig na rinig ko rin ang tawa ni Papa mula sa loob.

"WAG NA! WAG NIYO KONG SUSUNDAN...mga gago kayo!" Sigaw ko pero syempre hininaan ko yung mura HAHAHAHAHAHAHAHA. Ayokong mamatay ng maaga. Kahit irita ako ay nagpatuloy ako sa paglalakad. Napatingin ako sa orasan. Male-late nako. So what's the point na magmadali e malelate ka rin naman.

Pupunta nalang ako sa may bus station papuntang school. Maglalakad-lakad nalang ako. Habang naglalakad ay may naaninag akong pamilyar na lalake sa may waiting shed ng bus stop.

Kier's POV

Napatingin ako sa orasan ng cellphoen ko. Inangyan, iniwan ako nung tatlong ugok! Hindi manlang sila marunong maghintay. Malelate tuloy ako. Aysh. Napatingin ako sa kararating na babaeng nakasumbrero dito sa bus stop. Teka. Parang pamilyar tong isang to ah.

"Miss, have we met?" Tanong ko pero tumingin siya sa kabilang side ng daan. Weird. Narinig ko ang busina ng bus kaya agad na akong sumakay. Napatingin ako sa uniporme ng babaeng nakasumbrero. Pareho kami ng papasukan? "Hey, miss. Halika na. Eto na yung bus." Sabi ko pero dire-diretso na siyang sumakay.

Aba walang manners yon ah. Pagkapasok ko sa loob ng bus ay nakita kong sa tabi nalang niya yung bakante kaya dun ako nagtungo. Akmang uupo na ako nang nilagay niya don ang backpack niya. "May nakaupo dyan. Bawal ka dito." Nakaiwas tingin niyang sabi. Naningkit ang mga mata ko para masulyapan ko ang mukha niya.

Hindi ko pinansin ang sinabi niya at tumabi parin sakanya. "Ano ba sinabi nang bawal umupo--" Pinutol ko agad ang sinabi niya at tinuro siya. "Ikaw yung nagbintang samin kahapon ah!" Sigaw ko. Pansin ko ang pagkabalisa ng mukha niya pero agad niya akong sinamaan ng tingin.

"Wag ka ngang epal e di nga kita kilala e!" Bulyaw niya sakin. Napatakip ako ng tenga. Ang lakas naman ng boses ng babaeng--teka, babae ba to? HAHAHAHAHAAHAHAHAHA. "May kasalanan ka sakin kaya ikaw magbayad ng pamasahe ko sa bus." Nakangisi kong sabi sakanya. Nagulat ako nang batukan niya ako bigla.

"Aray bakit ba nananakit ka!?" Sigaw ko. Tumayo naman siya agad habang nakapamaywang pa. Maya-maya ay biglang pumreno ang bus kaya nawalan siya ng balanse. Napaupo siya sa lap ko kaya napatitig ako sakanya. "M-manyak!" Sigaw niya at agad tumayo habang pinapagpag ang palda niya. Umupo siya ulit.

"Hoy asa ka namang mamanyakin kita. Magpapakamanyak na nga lang ako, sa kapwa lalake ko pa? Ang gwapo ko masyado para sa kapwa kong lalake!" Pang-aasar ko sakanya. Nakita ko ang pagpula ng mukha niya kaya hindi ko mapigilang tumawa. Ang sarap niyang asarin.

"Hoy, excuse me hindi ako lalake!" Sigaw niya kaya mas lalo akong natawa. "Ewan ko sayo tomboy." Tatawa-tawa kong sabi. "Siraulo!" Sigaw niya kaya napatakip ulit ako ng tenga. Wagas magmura! Tanginangyan! "ANO BA YAN ANG INGAY NAMAN!" Napatingin kami sa babaeng nasa hulihang upuan ng bus. Napansin ko naman ang pagtayo ng babaeng tomboy sa tabi ko. "Bakit inggit ka? E di mag-ingay ka rin! Leche!" Sigaw niya kaya napahagalpak ako sa tawa.

Warfreak ampupu. Huminto ang bus na sinasakyan namin kaya agad akong tumayo. "Kuya yung bayad ko nasa may babaeng nakasumbrero." Sabi ko sa driver at agad sumaludo bago tumakbo palayo.

Pft hahahahaha. Sa pagtakbo ay nakakita ako ng vending machine kaya kumuha ako ng cola. Habang umiinom ay napapaisip ako dun sa tomboy. Wengya, sarap niyang pagtripan.

*cough* *cough*

"H-Hoy!" Bulyaw ko sa babaeng nakasumbrero. Mabilis siyang tumakbo nang patalikod habang bumebelat pa. Sinamaan ko siya ng tingin. Langyang tomboy yon! Umiinom ako tas bigla akong binatukan.

"TOMBOY!" Abot hininga kong sigaw kaya napatigil siya. Sinamaan niya ako ng tingin at laking gulat ko nang tanggalin niya ang sapatos niya. "TANGINA MO SASAPATUSIN KITANG UNGGOY KA!" Sigaw niya at tumakbo palapit sakin.

--tbc--

Wanted: Fake GirlfriendsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon