Pahina 19: Reconciled

341 1 0
                                        

Beatrix's POV

Nakabusangot ako habang nakatingin kay Celes na kanina pa pangiti-ngiti habang nakatitig sa salamin. Dumiretso siya kanina dito sa dorm na basang-basa. Hanggang ngayon, basa pa siya actually, natuyuan na siya ng damit. Si Ciara naman kasalukuyang ka-video call si Rage, bakit cellphone na ang hawak nito at hindi salamin? At si Dana?

"Ano ba naman yan, tomboy!? Inubos mo na agad yung popcorn!" Ayun, nagkukulitan sila sa sofa ni Kier. "Wow, kung makapagsalita ka akala mo sayo tong dorm na to!" Inis na sigaw ni Dana at nagtapon ng popcorn sa mukha ni Kier. "Lintek! Bakit dito kaba nakatira?!" Pang-asar ni Kier kaya sinamaan siya ng tingin ni Dana.

Anong nangyari sa akin? Huhuhu diba dapat ako yung may kasama o kausap dito? Bakit sila pa ata yung playgirl sa aming apat? 😭

"H-hindi! Pero tambayan namin to kasi dito nakatira si Trix!" Nakataas-kilay niyang sabi. Palipat-lipat lang ang tingin ko sa kanilang dalawa. "Oh yun naman pala! E kaibigan ko rin si Trix kaya dapat fair lang tayo!" Sabi niya at tumingin sa gawi ko at kumaway. Napasubsob ako sa dining table.

It's been two weeks simula nang hindi ako kinikibo ni Troy. Aysh, dala na rin siguro nung pagsasagutan namin dahil sa pamamahiya ko daw kay Gia. Ah, ang annoying ng bruhang yun. Nagpaawa-effect siguro kay Troy yun. Tsk! Pero teka, bakit ba mahal na mahal ni Troy yung gagang yon? May... omg! Baka may gayuma?

"It's okay, Trix." Nakangiting sabi ni Celes sakin. Anong meron at ngiti to nang ngiti?! "Inaasar ba ako niyang ngiti mong yan, Maria Celestine?" Iritado kong sabi at sunod kong narinig ang malakas niyang tawa habang pinapaikot ang isang drumstick sa mga daliri niya. "Oh, she's mad. Hahahahaha." Pang-aasar niya lalo at sunod ko namang nakitang naglakad palapit sa akin si Ciara.

"Yes, she is. She started acting weird since the last two weeks." Dagdag pa niya habang nakatingin kay Celes. Wow! Kung makapag-usap tong dalawang to parang wala ako sa harapan nila ah? "How about... tara bar hopping?!" Napangiti ako kay Ciara, she's a party girl. Party girl in a way na kaya lang siya pumupunta ng clubs kasi gusto niya yung mga pagkain at inumin don.

["Hey, Cia. Akala ko mag-uusap tayo buong magdamag?"] Sumimangot ako agad nang marinig ko ang boses ni Rage dun sa video call. Aysh, nakakainis naman tong Rage na to. Ako na nga lang mag-isang magba-bar hopping. Umakyat na ako para magbihis. Bahala sila sa mga buhay nila.

Troy's POV

*One hour later...

"Aysh! Lintek, mababaliw ako neto." Bulong ko at napapikit. Bakit ba kasi hindi ko magawang magsorry? Aysh, parang ambabaw naman ng rason ko para magalit kay Trix diba? Tska naiintindihan kong nagkainitan sila ni Gia dahil talagang pareho silang bratinela pero aysh! Napasabunot ako nang buhok ko at umupo sa waiting shed.

Andito ako sa unang kanto papuntang dorm nila Trix. Kasabay kong pumunta si Kier pero nakita niyang pumasok sa dorm si Dana kaya sumunod din siya. Kaya isang oras na akong nabubulok dito. Napatigil ako sa pagmomonologue nang may masulyapan akong babaeng naka dark red na dress at nakalugay pa ang buhok.

Takte, ang ganda niya. Aysh! Lintek na JV, nahahawa ako sa kamanyakan niya. Kakausapin ko ba siya? Pero mukhang may lakad siya? Napatingin ako ulit sa suot niya. Gabing-gabi na tapos ganyan suot niya!?

Napatingin ako sa cellphone ko nang biglang mag-beep.

New Text Message: From Babe ❤️
   Babe, masakit yung ulo ko, I think may headache ako so I stayed at home. :(

Muli akong lumingon kay Trix medyo nakakalayo na siya. Shit, kailangan ko siyang makausap, gusto kong magsorry. Binulsa ko agad yung cellphone ko at nagsimulang maglakad nang mabilis.
Nang papalapit na ako kay Trix ay sakto namang nakapara na siya ng taxi sa gilid ng kalsada.

Nilabas ko ulit ang cellphone ko at nireplyan si Gia.

Create New Message: To Babe ❤️
   Get well soon, babe. I love you.

Agad akong sumakay sa motor ko at pasimpleng sinundan yung taxi'ng sinakyan ni Trix. Etong babaeng to talaga, hindi pa natatanggal ang nightlife. Parang si JV lang, teka. Napaisip ako ulit. Parang may napansin ako kay JV netong mga nakaraang araw. Wala na siyang kavideocall na mga babae at di na rin masyadong lumalabas para magpunta sa bar at club.

**

Napatakip ako ng tenga pagkapasok ko sa bar. Sobrang lakas ng sounds! Kaya ayoko sa mga ganito e. Ang gugulo ng mga tao! Andami-dami pang mga high schoolers na nakikipagsayawan sa dance floor, halatang batang-bata ang mukha. Lintek, ambilis niyang mawala sa paningin ko. Nasan ka ba, Trix?

Kailangan ko siyang mailayo sa lugar na to. Pano nalang kung biglang may humila sakanya sa banyo, e di walang makakarinig ng sigaw niya dahil sa lakas ng music? Tsaka mukhang walang CCTV dito. Nag-iisip ba yung babaeng yun? Tsk.

Umupo ako sa isang bar stool at nilibot ang paningin ko. Hindi naman ako nabigo dahil agad ko siyang nakitang nakikipagsayawan sa isang lalake sa dancefloor. Tsk, di hamak naman na mas gwapo ako dyan. Mukha pa ngang manyak oh. May nag-abot sa akin ng isang baso ng tequilla kaya agad ko itong ininom bago nagtungo sa kinaroroonan ni Beatrix.

"Beatrix!" Sigaw ko dahil paniguradong hindi maririnig kapag binulong ko dahil sa sobrang lakas ng music. Hinila ko siya palabas at rinig ko pa ang reklamo nung kasayaw niya. Hindi na ako nagulat na makitang didiretso siya sa ganitong lugar. Siya yung tipong babae na mapaglaro.

Gulat na gulat ang ekspresyon ng mukha nya hanggang sa makalabas kami. "Trix, pagpasensyahan mo na yung ugali ko. Aminado akong nagiging arogante ako pagdating kay Gia." Nakayuko kong sabi. Nakaramdam ako ng pagkagaan ng loob ko. Sa wakas, nasabi ko rin. "Bati na den tayo." Nakapout niyang sabi at sakto namang nilahad niya ang kamay niya, tinanggap ko ito habang tatawa-tawa.

Akala ko mahihirapan akong makipag-ayos sa isang to. "Sorry rin kasi iritang-irita kasi ako sa pagmumukha ng bruhilda mong girlfriend." Napatingin ako sakanya dahil sa sinabi niya pero agad siyang nagtakip ng bunganga. Pft. Laki ng galit niya kay Gia. "Kung magkakaroon ng pagkakataon na magkakilala kayo, I'm sure magkakasundo kayo." Sabi ko sabay kindat sakanya.

Napansin ko naman ang pag-irap niya. "Magkakilala na kaya kami. Siya si Gia, ako si Trix, pero hindi kami nagkasundo." Rason niya at hindi ko maiwasang matawa. Mas maganda kasi yung harap-harapang sinasabi kaysa sa patalikod kang nang-iinsulto. Yan rin ang isa sa pinagbibiliban ko kay Trix.

Napatingin ako sa relos ko at nakitang alas nuebe na ng gabi. Tinanggal ko ang damit ko at inabot ko kay Trix. "Nahihibang ka naba? Anong nais mo at naghuhubad-hubad ka dyan?" Tatawa-tawa niyang sabi. "Isuot mo, magdadamit ka na nga lang kinukulang pa sa tela." Pailing-iling kong sabi at naglakad papunta sa labas ng club kung saan ko pinarada ang motor ko.

Chineck ko ang text messages ko at di naman ako nabigo dahil may reply si Gianella sa akin.

New Text Messages: From Babe ❤️
  Di ka pupunta dito, babe?
  My head hurts talaga e.
  I don't know what to do na, babe.
  Nevermind, babe. I'll sleep na.

Wala pang isang minuto ay nakita ko nang papalabas si Trix. Suot-suot na niya yung gray kong shirt. Agad ko siyang inaya sa motorsiklo dahil gumagabi na rin at para maihatid ko na siya sa dorm. Sumulyap muli ako sa relos ko. Pupuntahan ko pa pala si Gia.

--tbc--

Wanted: Fake GirlfriendsMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon