JV's POV
"Bantayan mo si Rage. Lahat ng galaw niya iparating mo sa akin." Napaangat ako ng tingin. Bakit ba kasi ako nadawit dito? Aysh! "Bakit kasi ako--" Bago ko pa man masabi ang pangalan niya ay sinenyasan niya akong tumahimik. "For the mean time, tawagin mo muna akong Miss." Napakamot ako ng ulo.
"Ayoko. Pagta-traydor yun." Prente kong sabi at akmang aalis na. "Celestine Mariano and her beloved band." Nagsalubong ang tingin naming dalawa nang banggitin niya ang pangalan ni Celes. "Anong ibig mong sabihin...Miss?" Tanong ko sakanya. Aysh, bakit ba Miss ang itinatawag ko sakanya!? "Sundin mo lang ang iniuutos ko." Seryosong-seryoso siya ngayon.
Ibang-iba siya sa pagkakakilala ko sakanya. "Paano kung ayaw ko?" Nakangisi kong sabi. Akala ko ba mabuti siyang tao? "Then I have no choice but to kill you, and Celes and your friends." Gulat na gulat akong tumingin sakanya. Kinilabutan ako agad nang makita kong seryoso siya. "Act normally. Huwag mong sasabihing kinausap kita." Muli niyang sabi at iniwan akong tulala sa loob ng coffee shop.
Dana's POV
"It's so weird kasi ganon ang pakikitungo niya sa akin." Sabi ni Cia habang nag-iisip ng malalim. Naibaba ko ang hawak kong cellphone at tinignan siya nang seryoso. "Ang bait naman niya nung una natin siyang makilala ah?" Pahayag naman ni Trix. "E di sana hinambalos mo! Nako naman, Ciara!" Inis kong sigaw sakanya.
Kung ako lang siguro ang ginawan nung Ara na yon ng ganon, baka hindi na yun sinikatan ng araw. Itinaas ko ang sleeves ng damit ko at tumayo. "Hoy, anong trip yan?" Natatawang tanong ni Celes. "Bubugbugin ko yun." Sabi ko na naging dahilan ng tawanan naming apat.
Natigil ang tawanan namin at pansin kong isa-isa nila akong tinignan kaya sinamaan ko sila ng tingin. "Kamusta naman kayo ng manliligaw mo?" Nakakalokong tanong ni Trix. "Hoy, Beatrix. Wag mo akong dinadamay sa kalokohan mo ha." Irita kong sagot kaya napatawa siya nang mahina. "Kailan mo balak sagutin?" Sunod na tanong ni Celes sa akin kaya binato ko siya ng unan ng sofa.
Aysh, bakit ba ako kino-corner ng mga to!? "May first gift naba siya sayo?" Nakangiting tanong ni Ciara sa akin. "First gift?" Tanong ko. Tumango naman si Celes at sinagot ang tanong ko. "Uh-huh. Unang regalo." Sinamaan ko siya nang tingin kaya confused siyang tumingin pabalik. "EH TINAGALOG MO LANG NAMAN EH!" Irita kong sabi. Tumawa naman siya ng malakas. Abnormal.
Pero anong first gift? Hindi naman ako mahilig sa mga materyal na bagay. "Curfew na, tama na. Uwi na." Nagsalubong ang tingin namin ni Manang nang magsalita na naman siya. Bakit ba ang hilig nito manira ng atmosphere? "Manang naman, 9:01 palang oh!" Sigaw ko. Aysh, siya na ang pinaka-OA na landlady, ever!
"9:00 PM ang curfew, Dana!" Sigaw niya rin mula sa kinatatayuan niya. Inis akong tumayo at lumapit sakanya. "Hindi pwedeng extend?" Sabi ko at pinagdikit ko pa ang dalawang palad ko. "HINDI PWEDE! LAGI NALANG KAYONG ANDITO, NAGBABAYAD BA KAYO!?" Halos mapatalon ako nang sumigaw siya. Shet naman, Manang!
"Ay grabe siya. Manang, alam mo bang it's better to give than to receive?" Nakangiti kong sabi sakanya. Napahinto naman siya saglit at tinignan ako nang mabuti. Tumikhim ako, ay di ba niya gets? "Ibig sabihin Manang--" Pinutol niya ang pananalita ko dahil sa muli niyang pagsigaw. "Alam ko, hindi ako tanga. Pero wala akong pakialam kaya lumayas kayo dito!" Inis akong lumabas ng apartment ni Trix. Sumunod namang lumabas ang tatawa-tawang sina Cia at Celes.
Nang makarating kami sa gate ng apartment ay laking gulat ko nang makita kong nakatayo si Kier doon. "DANA!" Masaya niyang bati at kumaway-kaway pa. Siniko naman ako ni Celes kaya agad akong nagpaalam. Nang makarating ako doon ay hindi ko maiwasang kiligin. Agh, nakakainis naman tong lecheng unggoy na to!
"Andito ka pala." Pabebe kong sabi. Sabi kasi ni Trix, magpabebe ako onti kasi masama daw pag laging nag-aaway. "Wala ako dito. Picture ko to." Seryoso niyang sabi kaya hinampas ko siya sa braso. Nagsalubong ang kilay ko, aysh! Lintek na Beatrix yon, dapat talaga hindi ko sinusunod ang mga payo nun e.
Naglakad ako palayo sakanya. Tutal dalawang kanto nalang rin naman, makakauwi na ako. Kaya kahit alas dyes pa ako sa kalsada, okay lang. Tropa ko kaya mga tambay dito. Maya-maya pa ay may nadaanan akong shop ng mga bulaklak. Napako ang tingin ko doon sa bulaklak na kulay peach. Wow, ang astig naman nun.
"Huy, bakit ka huminto?" Tanong niya at napansin kong napalingon din siya sa tinitignan ko. Ang ganda kasi talaga! Napaisip tuloy ako. Hmmm, gagawin kong clue ito. Pinagdikit ko ang dalawang kamay ko. Sana magets niya.
First gift, first gift. Kier, wag kang maging tanga kahit ngayon lang, leche ka. Napansin ko naman ang pagtawa niya nang mahina at sunod niyang hinawakan ang kamay ko. "Ang ganda nung kulay diba?" Nakangiti niyang sabi kaya tumango ako. Isang kanto nalang, sa wakas, makakauwi na ako!
"Buti pa yung flower, maganda." Muli niyang sabi kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tinaas niya naman ang mga kamay niya at tumawa nang malakas. "Gwapo ka kasi." Pagkasabing-pagkasabi niya non ay sinipa ko ang tuhod niya at inis akong naglakad ng mabilis. Aysh! Nakakainis! Panira talaga kahit kailan! Nang makarating ako sa bahay ay agad kong ini-off ang cellphone ko.
Mabuti nalang tulog yung mga lalakeng abnormal dito sa bahay.
Kinabukasan...
Pagkapasok ko ng university ay agad kong hinanap sina Celes kaya nagpunta ako sa kanila. Kasalukuyan silang nakaupo sa mini tables sa paligid ng field. Umupo ako dun at nangalumbabang tumingin sa kanila.
"Oh, umagang-umaga, problemado ka?" Sabi ni JV sa akin kaya napatingin naman sa akin si Celes habang umiiling. "Asan ba kasi si Kier?" Tanong ni Celes at tumingin sa tatlong lalake. "Ewan ko, sabi niya may bibilhin e--oops, nadulas." Para akong nabuhayan ng loob dahil sa sinabi ni Rage.
Ramdam na ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko kaya umub-ob nalang ako sa mesa. Pasimple pa yung unggoy na yun. Buti nalang di siya tanga kagabi. First gift huh. Sa tanang buhay ko, ngayon lang ako makakatanggap ng bouquet. Aysh, ano ba yan.
"Danaaaaa!" Umangat ang tingin ko nang marinig ko ang boses ni Kier. Pasimple akong tumingin sakanya nang matalim para hindi halatang alam ko na yung ibibigay niya. "Ano!?" Pagpapanggap ko. Ngumiti naman siya ng malapad sa akin kaya napataas ako ng kilay.
"Naalala mo ba yung bouquet na sinasabi mong may peach na kulay na mga bulaklak?" Nakangiti niyang sabi sa akin. Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa sinabi niya. Aysh, bakit ba kinikilig ako sa unggoy na to? Pasimple akong tumingin sa kamay niya pero yung backpack niya lang ang nakasukbit. Kita ko pang lumolobo yung bag niya. Aysh, pahalata naman!
Rage's POV
Natuon ang atensyon naming anim sa nag-uusap na sina Kier at Dana. Pansin ko ang pamumula ng pisngi ni Dana dahil sa kilig. Pft, tignan mo tong isang to, kahit gaano kabrutal, kinikilig rin pala? "Oo naman." Sagot niya sa tanong ni Kier.
Lintek, loverboy tong Kier na to! Inaantay kong iabot niya na ang bulaklak kaya nanatiling nakatuon ang atensyon ko sakanilang dalawa. "Bumili ako ng mga face towel na kakulay nun, eto oh. Isang dosena pa!" Dire-diretsong sabi ni Kier habang nakangiti nang malapad at inilabas ang isang dosenang mga face towel na kulay peach na galing pa sa bag niya. HAHAHAHHAHAHAHAHAHHAA
Lintek! Pigil na pigil ako sa tawa dahil ang nakangiting mukha ni Dana kanina ay halos mag-apoy na ngayon sa galit. Yumuko ako dahil hindi ko na talaga kaya yung pagpipigil ng tawa. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHA! "KIER VELASCO!" Inis na inis na sabi ni Dana at bigla na siyang tumayo para umalis pero hinawakan agad ni Kier yung braso niya. "Bakit Dana? Ayaw mo ba netong--" Napapikit ako sa lakas ng batok ni Dana kay Kier.
"LECHE KA WAG KANG MAGPAPAKITA SA AKIN, MAPAPATAY KITA!"
Natahimik kaming anim sa sinabi ni Dana. Nang mawala siya sa paningin namin ay sabay-sabay kaming tumawa ng malakas. Binato ko ang hawak kong ballpen kay Kier at pailing-iling naman siyang tumatawa habang hinihimas ang balikat niyang binatukan ni Dana.
--tbc--
BINABASA MO ANG
Wanted: Fake Girlfriends
Romance[COMPLETED] The four unbiological grandsons of an elite old woman reaches the point where they are now getting uncontrolled. The elite grandma then asks them to let her meet the girls who had captured the hearts of the four young men. Scared of bein...
